J A S M I N E
Laking pasasalamat ko talaga dahil sa hindi ako nasali sa laban namin sa Tres, wish ko lang na sana maulit pa. Ayoko ding mag laro sa Dos.
Kasalukuyan na ngayong nag lalaro ang Tres at Dos, natalo kasi namin/nila yung tres kaya kung sino ang manalo sa dalawang yan ngayon ay ang makakalaban pa namin.
Sa buong buhay ko ngayon lang ako naka pag laro nito, ngayon lang din ako nakapanood ng laban (kahit hindi totoong laban talaga to). Si Ikle at Marg Jane ay mukhang lumaking naglalaro ng sports na to, ang galing kasi nilang dalawa. Most of the scores ata sa kanila nanggaling.
*pprrrttt*
Natapos na ang laban ng dalawang section at ang Dos class ang nanalo, sa basketball naman ay hindi pa. Mga kaklase kong lalaki at mga kaklase din ni Daisyree ang pawang nag lalaban, natalo kasi ng Tres kanina sila Gab.
"Line up. Uno angels Dilton, Ramos, Bañes, Mendez, Benadahan, and Ruiz" anunsyo ni Mrs. Flores.
Napasinghap naman ako sa gulag ng mapasama ang pilido ko sa mga tiniwag niya, ibig sabihin mag lalaro ako. NO!
"M-Mrs. Flores, maglalaro din po ako?" Kinakabahan kong tanong.
"Aba syempre, kung hindi ka maglalaro wala ka ding grades. Ayos lang ba sa iyo yun?"
"Hindi Ma'am, sige mag lalaro na po ako." Pilit ang ngiti ko matapos kong sabihin iyon.
"Ms. Bañes setter ka ulit ha, at Ms. Dilton ikaw parin wing spiker, tas itong si Ms. Mendez ang gawing libero, maliksi kasi siyang kumilos, baka maka chamba. Yung dalawang bakla Blocker, Ms. Ramos serve."
Ang mga kaklase ko ay nagsi-tango sa mga sinabi ni Ma'am samantalang ako ay wala ni isang naintindihan.
'Ano nga ulit yung libero?'
'Saan ako dapat pupwesto?'
"Jasmine, kahit anong mangyari kailangan mapigilan mo ang pagbagsak ng bola sa sahig. Score nila kapag nangyari yun" sabi saakin ni Jamir.
"O-oo..."
"Gayahin moko dali" utos niya saka nag bend at pinagdikig ang mga braso. Ginaya ko naman siya. "Ganyan ang posisyon kapag mag re-receive ka, tas dito mo dapat papatamain ang bola" aniya saka itinuro ang wrist ko. "Dapat din kontrolado mo kasi maaaring pagtama diyan ay lumipad ng mataas ang bola, pwede ding lumipad papuntang mukha mo, o mahulog sa sahig. Dapat maibalik mo yun kay Shila para ma set niya sa spiker natin.".
"O-okay..."
"Huwag kang matakot, nandito din naman kami."
"Nakakatakot kasi yung mga paghampas nila sa bola, ang lalakas parang nakakabali ng buto."
"Hindi lang naman sila yung mga malalakas eh" singit ni Ikle.
"Oonga, nakakalimutan mo ata kami. " dagdag pa ni Mary Jane.
"Oonga pala." Aniko ko. Nagtawanan naman sila saka ginulo ang buhok ko.
'Tinuturing naman akong bata ng mga to'
"Okay okay, start na! Captains lapit sakin." Lumapit naman si Ikle at Daisyree pareho kay Ma'am saka nag toss coin. Pagtapos nun ay bumalik narin agad saamin si Ikle.
"Tayo unang mag sesrve." Aniya.
"Okay, Mary Jane pwesto na. Score agad ha." Untag ni Carlie.
Pumwesto na ang lahat at ang pagpito nalang ni Ma'am ang hinihintay namin para maka pag serve na si Mary Jane.
YOU ARE READING
Uno Class (Season 1)
Teen FictionUno Class is a bunch of students with incredibly talents, high IQ, bravery and etc. But there's somethings that they're lack of...TRUST 'Jasmine Jase Mendez' is their class president, they treated her as if she were family and friend, but what they...
