(SIDE STORY)

30 1 0
                                        

J A S M I N E J A S E



Sabi ng iba dapat daw masaya ako, why? Because I have everything. When they say ‘Everything’ it means ‘Money’. Because I can buy whatever I wants, I can do whatever I wants, I can go wherever I wants. I don’t have to work, I don’t have to studies, all I have to do is ‘chill’. Because I have money.

‘Money does everything. But money can’t buy happiness’

Kung pwede ko lang gamitin ang mga pera namin para buhayin ulit si Dad…matagal ko na sanang ginawa. Masasabi ko pa sana na ‘Money can buy everything’. Pero hindi naman posible eh, wala. Ganto padin, isa pa din akong mayaman nga wala namang totoong tatay.

Yes sa tulong ng pera nagawa kong ipaghiganti si Dad. Nagawa kong bumili ng kapangyarihan kaya hanggang ngayon ay wala parin ako sa loob ng selda matapos ng ginawa kong iyon. Pero iba parin talaga kapag nandiyan sa tabi mo yung taong nagpapasaya sayo.

Thirteen Years Ago, naganap ang isang pangyayari na hindi lubos inaasahan ng kung sino man. Ang angyayaring iyon ay nagbigay din saakin ng matinding trauma na panghabang buhay ko na atang dadalhin.

Sabi pa nila blessing daw yung kakayanan ko na kung tawagin ay ‘Photographic memory’ dahil doon naging madali saakin ang pag-aaral pati narin ang ibang bagay dahil sa madali ko itong makabisado at matagal ko rin itong makakalimutan.

Pero simula nung mangyari yun, kinunsidera ko ng sumpa ang taglay ko.

- - - -

(Thirteen Years Ago…)



3 R D P E R S O N



It’s first Saturday of September, nagpasya ang magpapa-milyang Mendez na manatili lang sa loob ng bahay buong araw. Puno din ng security guard ang kanilang tahanan upang maprotektahan sila sa mga taong nagtatangkang manakit sa kanila.

Matiwasay naman ang kanilang pamumuhay noong hindi pa sila umaahin sa kahirapan, pero dahil sa kailangan din nila ng pera pang buhay sa kanilang anak na si Jasmine at para narin muling makuha si Heaven ay nagsikap silang mag-asawa.

Sa tulong ng isang lalaki na kilala sa larang ng negosyo, bumilis ang pag-ahon ng kanilang pamumuhay. Naging matalik na magkaibigan din ang mga magulang ni Jas at ang lalaking iyon. Nagtuloy-tuloy ang pag-ganda ng kanilang negosyo hanggang sa kaya na nilang kumain nga pagkain tatlong beses sa isang araw, Hindi gaya noon.

Akala nila magiging payapa na sila, ngunit ang hindi nila alam ay may isang tao palang lubos na kinai-inggitan ang pamilya Mendez. Si Roman Castaldad. Isa pa lamang siyang ganap na negosyante noon, kumpara sa mga magulang ni Jasmine ay mas malaki ang kinikita niya. Pero lubos-lubos parin ang kaniyang pagkamuhi.

Simula kasi ng makilala at pumatok na ang negosyo ng Mendez Family, inisip niyang natatabunan na siya nito. Madaming masasamang bagay ang kaniyang ginawa upang masira lamang ang reputasyon nila, ngunit bumabalik lamang ito sa kaniya.

Karapat dapat man na ipakulong siya ay hindi nalang ito ginawa ng mag asawa, sapagkat ayaw na nilang mas lalo pang lumaki ang gulo. Kahit na ganon na ang nangyari, mas lalo paring lumaki ang galit ni Castaldad. Kaya naisipan niyang huwag nalang sila ang pagdiskitahan.

Limang taong gulang pa lamang si Jasmine at namamasukan sa isang pribadong eskwelahan, dahil sa abala ang kaniyang mga magulang, ipinapasundo nalang siya sa isa sa mga driver nila. Walang kamuwang-muwang si Jasmine na mula sa malayo ay pinagmamasdan siya ni Castaldad.

Isang araw, nalate ng pagdating ang sundo ni Jasmine kung kaya’t nag-antay muna siya sa labas ng kaniyang school. Habang mapayapang nag aantay, nilapitan siya ng hindi kilalang lalaki. Si Castaldad. Nagtatakhang tumingin sa kaniya si Jasmine.

“Hi, You’re Jasmine, Right?” nakangiting tanong ni Roman. Sa ekspresyon ni Roman ay parang talagang nakikipag-kaibigan siya, nagawa rin niyang ipagmukhang mabuti ang kaniyang sarili. Walang muwang na tumango si Jasmine bilang sagot. “Ako nga pala si Roman Castaldad, you can call me Tito nalang. Closest friend ako ng parents mo.” Pagsisingungaling niya.

“Hi po…” nakangiting sambit ni Jas.

“Uhm, kaya ako nandito ngayon kasi hindi na daw makakarating ang driver mo. Means, ako na ang maghahatid sayo sa bahay niyo.” Patuloy niya parin sa pagpapanggap. Tila nahulog naman si Jasmine sa matinding pag-iisip. “Don’t worry! You can trust me.” Kahit na hindi sigurado ay sumama nalang din si Jasmine sa taong iyon.

Inalalayan ni Roman si Jasmine na makasakay sa kaniyang sasakyan, nang maka angkas si Jas ay agad na napuno ang ng mga tanong ang kaniyang isipan. Nagtatakha siya kung bakit napakadaming kalalakihan na naka suot ng itim at naka tago ang mga mukha na naka sakay sa backseat ng sasakyan.

“Don’t mind them, they’re my personal body guard.” Sabi sa kaniya ni Roman na para bang nabasa nito ang tanong sa kaniyang isipan.

“Ahh okay po.”

- - - -

Sa gitna ng pagbyahe ay huminto muna ang sasakyan sa isang drive thru para bumili ng makakain para kay Jasmine kahit hindi naman ito nanghihingi ng kahit ano. Matapos nun ay muli silang nagpatuloy. Maka ilang minuto pa ay hindi na napigilan ni Jasmine ang kwestyunin si Roman.

“Hindi po dito ang daan pauwi saamin, saan po tayo pupunta?” magalang niyang tanong.

“Hmm, may secret kasi kami ng dad mo….pero dahil sa excited narin ako, sasabihin kona sayo ah. Basta secret lang natin, ayos ba?” tumango naman din si Jasmine. “Isu-surprise ka daw kasi ng Daddy mo sa isang lugar, kaya hindi tayo didiretso sa bahay niyo.”

“Talaga po?!” tila nag ningning naman ang mga mata ni Jas sa narinig.

“Oo, kaya steady ka lang huh. Malapit na rin naman tayo” sagit ni Ramon na may malokong ngisi. Maya-maya pa ay hindi namalayan ni Jasmine na unti-unti na pala siyang kinakain ng antok. Pagmulat nalang ng kaniyang mga mata ay nasa isang kwarto na siya.

Walang bintana, walang kahit anong gamit, at iisa lamang ang ilaw. Mag-isa lamang siya kaya’t sinubukan niyang gumalaw, ngunit laking gulat niya ng mapansing naka-kadena ang kaniyang mga kamay at paa. Sa gulat ay biglang nag blanko ang kaniyang isip at hindi na malaman ang gagawin. Ilang segundo pa ay pumasok sa kwarto si Roman Castaldad kasunod ang ilang mga kalalakihan.

Nagtakha siya sa mga nangyayari ngunit ang pagtatakhang iyon ay napalitan rin ng takot at kaba ng makita niya ang kaniyang ama na puno ng galos, pasa at dugo habang kinakaladkad ng ilang pang mga sunod-sunuran ni Roman.

Nagtama ang mga mata nila mag ama, sa mga oras naman na iyon ay gusto ng tumulo ng mga luha ni Jas dahil sa takot at pag-aalala para sa ama.

“Daddy…” usal ni Jasmine.

“Shh, everything will be alright, okay?” saad sa kaniya ng daddy niya ngunit baka rito ang kaniyang matinding pag inda sa mga natamong pananakit. “Just close your eyes…”dagdag niya pa. Hindi rin maitago ng ama ang matinding takot para sa anak dahil baka kung anong gawin sa kaniya ni Roman.

“What a nice scene! HAHAHA” biglang sumagitna si Roman na sinabayan niya pa ng pagpalakpak.

“Roman, ano pa bang kailangan mo? Bakit mo ba ito ginagawa? Pinalagpas na nga namin yung iba mo pang kasamaan eh! Bakit pati anak ko dinadamay mo?!” bulalas ng daddy ni Jasmine.

“Napaka dami mong tanong, pero ito lang ang sagot ko. ‘Gusto kong masira ang buhay ng anak mo, tutal hindi ko din naman magawa sa inyong mag asawa yun…’ hindi ba’t may kakaibang kakayahan ang anak mo? Ano bang tawag don? Ah! Photographic memory….ibig sabihin, lahat ng masisilayan niya ngayon….hindi na niya ito makakalimutan! HAHAHAHA” nagpabalik-balik siya ng lakad sa harap ng naka luhod na daddy ni Jas.

“Please, parang awa mo na…ibibigay ko lahat ng gusto mo, huwag mo lang gawin to sa anak ko…” pagmamakaawa ng ama habang pilit din niyang pinapalakas ang loob upang hindi na madagdagan ang takot ni Jas. “Pakawalan mo na kami….”

“Tanga! Naka-abot na ako dito tapos gusto mo pakawalan nalang kita basta-basta?!” bulyaw ni Roman.

“S-sabi mo, magkaibigan kayo ni Dad and Mom…b-bakit mo po ito ginagawa?” umiiyak parin ngunit matapang na tanong ni Jas. Hinarap naman siya ni Roman.

“Ha….naniwala ka naman, sabagay bata HAHAHHA kami ng mga magulang mo? Never mangyayaring magiging magkaibigan kami! I hate them! So much!” bigla niyang pinisil ang mukha ni Jas kaya mas lalo itong natakot at napaiyak. “You little girl…you better watch what I’ll gonna do to your father, or my effort will put in vain…” padabog niya itong binitawan na naging dahilan naman ng paglagapak ni Jasmine sa sahig.

“HUWAG MONG SASAKTAN ANG ANAK KO!!” galit na sigaw ng ama ni Jas.

“Bakit anong magagawa mo? Tingnan mo nga ang sarili mo….katawa-tawa….” Bumalik si Ramon sa harap nito at yumuko upang magpantay ang kanilang mga mata. “Alam mo, nabobored na ako…bakit hindi na lang natin to simulan? HAHAHAH this is gonna be fun!” tumawa siya na parang baliw habang bigla namang tinadyakan sa mukha ng isa niyang tauhan ang tatay ni Jas.

Sa bigat, tigas, at laki ng sapatos na suot ng taong iyon ay agad na dumugo ang ilong niya. Napasigaw si Jasmine dahil sa nakita, gusto man niyang puntahan ang kaniyang ama ay hindi niya magawa dahil sa naka kadena siya.

Ilang beses pang sinaktan ang kaniyang ama ngunit nanatili itong matatag para sa anak. Nanindig naman ang balahibo ni Jasmine ng makita niya kung anong hawak na ngayon ni Ramon. Isang nagbabagang metal, Kitang-kita ang pag-usok nito at namumula-mula pa ang kulay.

Makailang beses umiling si Jasmine habang paulit-ulit na nagsusumigaw ng ‘No’. Tumulo narin ang luha sa mga mata ng ama ni Jas habang hindi makapaniwalang nakatitig sa metal na iyon.

“Roman….hindi naman na natin kailangan pang umabot sa ganito…parang awa mo na…” pagmamakaawa ng ama.

“Daddy, I wanna go home….” Nanghihinang usal ni Jasmine gawa ng pag-iyak. Hindi naman nakapag salita ang daddy niya at napa yuko nalang saka humagulgul.

“You can do anything you want to me….but please… please let my daughter go. Im begging you, Roman.” Pagamamakaawa pa niya habang umiiyak.

“Don’t worry, yun naman talaga ang balak ko….but, syempre kailangan niya munang masubay-bayan to hanggang dulo.” Aniya. “Woy, hawakan niyo ng mabuti yan. HAHAHA this is so much fun! Right, Jasmine?”

Napahiyaw sa sakit ang ama ni Jasmine habang pilit na kumakawala sa mga naka hawak sa kaniya, idiniin ni Roman ang nagbabagang bakal sa kanang dibdib nito. Habang ginagawa iyon ay todo naman ang ngiti niya na para bang nakikipag laro lamang siya.

Naghalo ang sigaw ng mag ama sa buong kwarto. Nagtagal din ang bakal sa pagkakadikit sa nalalapnos nitong balat ng halos tatlong pung segundo. Unti-unti naring nawawalan ng tinig ang kaniyang ama sa sobrang sigaw, tanging paghagulgul na lamang ang nagawa nito.

Hindi lang iyon ang kahindikdik pang sinapit nito. Nilatigo ang kaniyang buong katawan, pinagpapalo ng baseball bat at binunot ang mga ngipin saka pinutulan ng isang daliri. Kung gaano kasakit ang natamo niyang pang tu-torture ay walang katumbas iyon sa pighating nararamdaman niya emotionally.

Nasasaktan siya dahil sa nakikita niya kung paano din masaktan ang anak niya habang pinapanood siya, dumagdag pa rito ang mga pala-isipan niya. Iniisip niya kung ano nalang ang mangyayari sa anak kapag nawala na siya, iniisip rin niya ang matinding trauma na dadanasin nito sa matagal na panahon. Napaka daming pumapasok sa isip niya na mga tanong. Ngunit ang mas masakit pa dito ay ang hindi na niya malalaman pa ang mga kasagutan.

Matapos ng napaka habang oras na mala impyernong ganap, nagawa ding malapitan ni Jasmine ang kaniyang naghihingalong ama. Nakahiga ang ama sa sahig kung kaya’t ipinatong niya ang ulo nito sa kaniyang mga hita, nanginginig at hinang-hina pa siya habang ginagawa iyon. Wala ring humpay ang pagtulo ng kaniyang mga luha.

“Daddy, please let’s go home….” Untag niya sa ama. Kumirot naman ang puso ng ama dahil sa alam niyang wala na siyang buhay na uuwi sa kanilang tahanan.

Wala na rin siyang sinayang pang mga oras at ginamit na ang natitira pa niyang mga hininga para masabi ang mga dapat niyang sabihin, kasama na doon ang kung gaano niya kamahal ang kaniyang pamilya. Sinubukan din niyang sabihin kay Jasmine ang tungkol sa isa pa niyang anak, ngunit hindi na niya ito magawa.

Sinabi nalang niya sa isip niya ang mga gusto namang sabihin kay Heaven.

(End of Flashback)

- - - -



J A S M I N E J A S E



Nalagutan ng hininga si Daddy sa mga bisig ko. Iyak lang ako ng iyak nung mga oras na yon, ngunit ng dumating na ang mga pulis at ambulansya, parang automatic akong tumahan. Hindi din ako nagsasalita kahit na ano pang tanong nila saakin, dumating din ang mommy ko ng umiiyak.

Dinala nila ako sa hospital at paulit-ulit na inuungkat ang pangyayaring iyon, hindi man lang nila ako inalala, lalo na yung feelings ko. Takot parin ako kaya hindi ako makapagsalita, tila naiwan parin ako sa lugar na iyon. Paulit-ulit na nagpe-play saakin ang lahat. Simula nun ay ayaw ko nang bumalik sa mga hospitals. Para akong sinasakal.

Hanggang sa lumaki ako ng may poot sa taong iyon, at ipanangako ko sa sarili ko na paghihigantihan ko siya.

Para sa Daddy ko….


Uno Class (Season 1)Where stories live. Discover now