J A S M I N E
They're fighting.
But I'm just here, inside the car. Alone. Watching them.
I want to fight--no, I want to stop them.
But how?
'Am I scared? For what? For them to see me again? But how about my co-angels? Should I just let them and pretend that I'm asleep so I didn't know what happened?'
"Of course not... " Dahan-dahan akong lumabas ng kotse, pag labas ko ay hindi ako lumapit sa kanila. Sumandal lang ako sa kotse at nag krus ng braso.
"Kamusta? Matagal-tagal na rin ang dalawang taon ah. Hindi niyo ba ako namiss?" Tanong ko sa kanila habang kunwari ay sinisipat-sipat ko ang aking mga daliri.
Mula sa gilid naman ng aking mga mata ay nakita ko ang unti-unti nilang pag tigil sa gulo at sinulyapan ako. Nang masigurado ko ng lahat ay nakatingin na saakin, nag-angat ako ng tingin sa kanila at isa-isa silang tiningnan. Nang walang anumang emosyon ang mababakas.
Lubos akong naawa sa kanilang kalagayan, marami na ang sugatan at ang iba pa ay wala ng malay. Maging sila Kath ay nakikipag sapakan din, and that's a very wrong move. Hindi nila kilala ang pinatulan nila, at ito namang mga ugok wala paring pinag bago.
"Jajas??" Gulat at halos hindi makapaniwalang untag ng isa sa kanila.
"Your one and only" I said then flashed a devilish smirk.
"Ikaw nga! Wengya! Ang tagal mong nawala!"
"San kaba nang galing?"
"Alam niyo naman ang parents ko... Pero Hindi ngayon ang tamang oras para mag reunion, yung mga tinira niyo kasi ay mga kaklase ko." Sambit ko sa isang malamig na tinig.
Napatingin naman sila sa mga co-angels ko, pansin ko pa ang sabay-sabay nilang pag lunok ng masilayan nila ang kanilang mga pagkakamaling nagawa.
"H-hindi namin alam... " Kinakabahang untag ng isa.
"Alam ko, don't worry wala naman akong gagawin sa inyo. Basta sa susunod nalang tayo mag usap ulit, Alam ko naman na marami pa taying mga dapat pag kwentohan" Aniko saka ngumiti at lumapit na ng tuluyan sa kanila.
Tinulungan kong tumayo si Lian, at inalis ko naman ang mga kamao ni Peridot sa kwelyo ng isang ugok, inalis ko na rin ang isa pang ugok na naka pa tong kay Gab at akmang susuntok.
Sa totoo lang kanina ko pa gustong matawa dahil sa para silang mga estatwa, pero kailangan kong itabi yun dahil dapat straight face lang para kunwari nakaka takot.
"Namiss ka namin, sa susunod baka gusto mo ng mag bilyar naman tayo?"
"Why not? Matagal na rin akong hindi nakakapag bilyar" Sagot ko
"Pero teka, Si Rin? Kasama mo rin ba?"
"Oo nga, pareho kayong nawala. Baka naman kinasal na kayo" Halos lumundag ang puso ko dahil sa hindi inaasahang katanungan na iyon.
Bakit kailangan pa nilang itanong yan? Bakit ngayon pa?
"Uyy, si Jajas. Hindi maka sagot baka nga kasal na--"
"Aalis na kami, kailangan ko pang magamot ang mga kasama ko. Kita-kita nalang sa susunod" Putol ko sa pag sa salita niya. Sinenyasan ko naman ang mga co-angels ko na sumakay na, puno ng pag tataka naman ang kanilang mga mukha bago sumakay sa mga kotse.
- - - -
Habang nasa biyahe kami pabalik ng HOWU, Hindi maalis sa isip ko ang mga pang yayari kanina. Hindi ko din kasi inaasahan na makikita ko ulit ang mga ugok na yun, pero expect the unexpected nga diba. Tyaka Hindi naman din malabong makita ko talaga sila roon, syempre kuta nila yun eh.
YOU ARE READING
Uno Class (Season 1)
Novela JuvenilUno Class is a bunch of students with incredibly talents, high IQ, bravery and etc. But there's somethings that they're lack of...TRUST 'Jasmine Jase Mendez' is their class president, they treated her as if she were family and friend, but what they...
