M A R Y J A N E
Alas kwatro palang ng umaga, siguradong hindi pa gising silang lahat dahil sa pagod at anong oras narin kami naka uwi kagabi, gusto ko sanang magpa alam sa kanila ng maayos pero ayaw ko naman na istorbuhin pa sila sa pag tulog, kaya napagpasihan ko nalang na mag iwan ng sulat.
Inilagay ko rito na mawawala muna ako ng ilang mga araw para sa personal na dahilan, sasabihin ko nalang sa kanila ang kabuoan ng rason pagnakabalik na ako.
Iniwan ko iyon sa may lamesa sa kung saan kami palaging kumakain para madali nilang makita.
Paglabas ko ng gate ng HOWU at naka abang na agad roon ang limo na pag mamay-ari ng pamilya namin. Pinagbuksan ako ng pinto ng butler namin, pag alis ng limo ay may sumunod pang isang sasakyan sa likudan namin. Angkas nun ay ang apat na body guards ko mismo.
Bago kasi ang araw na ito ay nag send na ako ng message sa parents ko about sa pag uwi ko, kaya mukhang pinaghandaan na nila.
Makalipas ang dalawa’t kalahating oras ay nakarating narin kami sa wakas sa aming mansyon.
Pagpasok ko sa loob ay sumalubong saakin ang halimuyak ng sala, naka abang roon ang mga magulang ko at siya.
“Hija, mabuti naman at naka rating ka ng ligtas….” Untag ng Daddy ko saka ako niyakap.
“Opo….” Sumunod namang yumakap saakin ay ang aking Mommy saka ako hinalikan sa pisngi.
Malawak ang mga ngiting ibinigay ko sa aking mga magulang ngunit mas matamis ang inilahad ko sa kaniya, nilapitan ko siya at nagyakapan kami ng mahigpit tila miss na miss ang isa˚t-isa kahit kakakita palang namin tatlong linggo na ang nakalilipas.
“Welcome home….I miss you.” Bulong niya sa tainga ko.
Hindi ko naman napigilan pa ang lalong pag ngiti nang marinig ko iyon sa kaniya.
“Namiss din kita, salamat sa pagsalubong.” Saad ko pabalik bago humiwalay ng yakap sa kaniya.
“Namiss ka namin, mabuti naman ay naisipan mong umuwi. Kamusta ka naman doon? Maayos ba ang turing nila sa iyo? Nakakakain ka naman ba ng mabuti ha?” sunod-sunod na tanong ni Mommy habang hinihimas-himas pa ang mukha ko.
“Mom, ayos lang po ako don. Ang saya nga po eh” sagot ko.
“Ganyan ka ba talaga kasaya at parang wala ka ng balak umuwi…” sabi ni Dad habang napapa-pout pa ang labi.
‘Gosh…’
“Hahaha, ano naman po ba kayo. Hindi po ako nakaka uwi kasi may pasok rin po. Busy din po kami kasi napaka daming activities.” Sagot ko saka umupo sa sofa.
‘well, yung ibang activities na tinutukoy ko ay hindi na sakop ng university. #illegal.’
Umupo naman ang mga magulang ko sa katapat kong sofa at siya naman ay sa tabi ko.
“Hay naku, baka napapabayaan mo na ang sarili mo dun ha…” usal ni Mommy saka inabot saakin ang isang basong juice.
“Actually, umuwi po ako kasi kailangan kong mag pacheck-up—” agad napatakip ng bibig si Mommy at sabay namang gulat na napalingon saakin si Dad at siya. Gumuhit agad ang mga pag aalala sa mga mukha nila kaya agad akong nag explain para maginhawaan sila. “I-I mean, this past few days kasi parang dumadalas yung hilo ko, but don’t worry I’ll be alright.” Ngumiti pa ako para ma-assure sila.
“Wala bang clinic don sa HOWU?” tanong ni Dad.
“Wala po, kasi hospital po yung mismong meron sila. Pero namiss ko rin po kasi kayo kaya naisipan ko na ring umuwi.”
“Aww, our baby…”
“Mommy naman eh, hindi na po ako baby.”
“But for us you are still a baby.”
“Hay nako, bahala na nga po kayo.” Nagtawanan naman kami matapos kong sabihin iyon.
“So, kailan ka mag papacheck-up? Gusto mo ba samahan ka pa nakin?” tanong ni Dad.
“Later po, mga tanghali na. Gusto ko rin po kasi munang mag pahinga. Hindi niyo na rin ako kailangan samahan, diba po may mga work pa kayo? Sapat narin saakin tong pagsalubong niyo.” Aniko.
“Atyaka nandito rin naman po ako, ako na bahala dito kay Mary Jane, Tita, Tito.”
“Well, sabagay tiwala naman kami sayo, so ikaw na ang sumama dito kay Mary Jane ha…” salaysay sa kaniya ni Daddy.
“Opo—” I cut him off.
“Wala ka bang pasok? Baka naman madami kang ginagawa?” nag aalala kong tanong, baka kasi nakaka storbo ako.
“Don’t worry, nung malaman ko na uuwi ka tinapos ko na agad lahat ng gagawin ko para focus nalang ako sayo” ngingiti-ngiti niyang sagot saakin.
‘Ang tamis.’
“Yun naman pala eh, mabuti yan hijo. Maraming salamat narin.” –Mommy.
“Wala po yun tita, alam niyo naman po na priority ko to si Mary Jane eh.” Aniya sabay hawak sa kamay ko.
“Osiya, gusto pa sana naming makipag usap sayo anak kaso may meeting pang aattenand ang daddy mo kaya….” Nalulungkot na salaysay ni Mommy.
“Magpahinga kana, Irvin. Paki samahan nalang ang anak ko ha, batayan mo narin yan.”
“Copy, Tito. Ingat rin po kayo.” Sagot naman niya pabalik.
Buo talaga ang tiwala nila sa lalaking to, well, katiwa-tiwala naman kasi siya. Mabait, matalino at responsible pa. Tas bunos pa yung kagwapuhan niya.
Hinatid naming dalawa palabas sila Mom and Dad hanggang sa maka alis na ang mga ito at bumalik ulit kami sa loob saka dumiretso sa kwarto ko. Pagpasok na pagpasok ko sa kwarto ay agad akong napasalmpak sa kama. Sa totoo lang antok na antok pa ako, kaso syempre gusto ring kausap pa sila Mommy kaya pigil toda max muna si ako.
“Tired?” malamyos na tanong ni Irvin saka tumabi rin saakin, inangat naman niya ang ulo ko para mailagay iyon sa braso niya upang mag silbing unan ko ito.
“A lil….” Sagot ko saka siniksik ang mukha ko sa leeg niya habang nakayakap.
‘Smell’s good.’
He is Irvin Gozmo, my long time boyfriend. Truth is we’re really childhood friends that turn into lovers….Magkaiba kami ng university na pinapasukan kaya bihira nalang kami magkita, pero pag nagkikita naman kami ay sulit.
- - - -
Its 12:30 in the afternoon now at kakagising ko lang , pag mulat pa nga ng mga mata ko wala na si Irvin yun pala nag handa na siya ng pagkain para saakin, pati narin damit na susuotin ko sa pag alis namin. Ang sweet diba?
“Vinie~~” tawag ko sa kaniya habang papa-upo ako sa hapag kainan. Agad naman niya akong nilingon matapos ilapag ang mga pinggan sa lamesa.
“Hmm?”
“I want strawberries….”
“Suddenly?”
“I don’t know, I just felt like I want to eat it right now.”
“Hmm K. Manang may strawberries pa po ba?” tanong ni Irvin sa isa sa mga kasambahay namin na matagal ng nagtatrabaho dito sa mansyon.
“Ay wala po sir, hindi rin nakabili kasi wala naman pong kakain.” Sagot naman nito.
Nangunuot naman ang noo ni Irvin pagka balik ng tingin saakin.
“Yun nga ang ipinagtataka ko eh, hindi naman kayo mahilig kumain ng strawberries, lalo kana. Kaya bakit parang atat na atat ka kumain ngayon nun?”
“I told you, hindi ko din alam. Basta gusto ko lang, kaya please….strawberries.” pagmamaka awa ako. Nag lalaway talaga ako dun ngayon.
“Hays, sige sige. Bibili nalang ako sa may malapit na palengke, at ikaw naman kumain ka na habang nag aantay. Hmm kay?” aniya bago ako halikan sa noo.
“Alright, ingat ah.” Hindi naman ganon kalayo ang palengke mula dito sa mansyon, pero syempre gusto ko parin siyang mag ingat. Anong malay natin, diba?
Pag alis niya ay sinimulan ko narin ang pagkain sa mga niluto niya, isa pa ito sa nagustuhan ko sa kaniya, ang pagiging magaling sa pag luluto.
Makalipas ang tatlong’pung minuto ay natapos narin ako sa pagkain kaya nanonood nalang muna ako sa may sala habang nag aantay sa kaniya.
“Bakit ba ang tagal niya?” tanong ko sa sarili.
Hindi ko na nga naintindihan tong pinapanood ko dahil puro strawberries nalang ang nasa isip ko. Nyawa.
“Im back!” dali-dali akong napatayo saka lumapit sa kaniya at kinuha agad ang mga binili niya. “Yah~ nakalimutan mo na ata ang boyfriend mo, huh?” saad niya, saka ko nalang naramdaman ang pagyakap niya saakin mula sa likod. Hindi ko nalang siya sinagot at pabalik, sahalip ay isinubo ko nalang sa kaniya ang isang buong strawberry.
“Anong oras tayo magpapa-check -up?” tanong niya.
“Ngayon na.”
“Kumakian kapa.”
“Pwede namang kumain habang nasa kotse diba? Kaya tara na.” aya ko saka nagpa unang maglakad.
“K.”
- - - -
Habang nasa sasakyan ay walang tigil ang pag nguya ko, tumigil lang ako nang maubos na ito.
“Naubos mo? For real?” gulat niyang tanong sabay saglit na lumingon sa akin.
“Yeah…Im so full now, and I want to throw up.” Usal ko, hindi na nga ako komportable sa kinauupuan ko ngayon eh.
“W-what?! Hey! We’re almost there.” Gaya nga ng sabi niya ay malapit narin naman kami sa aming private doctor which is my ninang. Kaya tiniis ko nalang ang bumabaliktad kong sikmura hanggang sa makarating.
Pagbaba na pagbaba ko palang nang kotse ay tumakbo na agad ako sa loob ng bahay ni Doctor-ninang, hindi ko na nga siya nabati nang makasalubong ko siya eh. Kaya si Irvin nalang ang nagpaliwanag sa kaniya ng sitwasyon, samantalang ako ay busy’ng-busy sa pagsuka.
Sayang yung biniling strawberries ni Irvin. HUHUHU.
‘Sorry, Vinie.’
“What’s wrong, Mary Jane?” Nag aalalang tanong ni Doctor-ninang nang sundan din nila ako dito sa CR.
Hindi kagad ako naka sagot dahil sa naghihilamos pa ako ng mukha, kaya si Irvin nalang muna ulit ang sumagot, gayong ang isang kamay niya ay humahagod sa likod ko.
“Kasi Dok, kani-kanilang lang bago kami pumunta dito, bigla siyang nag hanap ng strawberries. Kaya binilhan ko po siya. Tapos ayan, pagtapos niyang ubusin lahat ng strawberries, bigla nalang daw siyang nasusuka. May problema po ba sa kinain niya?”
“…..I don’t think so, pero bago yan ano munang dahilan ng pagpunta niyo dito?”
Pagtapos ko ay umupo na kami sa sofa upang makapag usap ng maayos.
“Magpapa-check-up po kasi sana ako.” Aniko.
“Why? Ano bang nararamdaman mo? Baka connected yan sa pagsusuka mo ngayon.”
“Ilang linggo na po kasi akong nahihilo, tuwing gigising ako ng umaga naduduwal na agad ako. Madalas rin po ang pag ke-crave ko sa strawberries minsan mangga, tapos Dok, may mga amoy na akong ayaw maamoy ngayon, pero hindi naman po ako ganon dati.” Salaysay ko.
“Hija…huwag mo sanag mamasamain tong tanong ko ha, pero since mag boyfriend-girlfriend naman kayo…” maingat niyang untag.
“ayos lang po, ano po ba yun Dok?” asik ko.
“Nag se-seggs ba kayo? Kung oo, kailan ang huling araw niyong ginawa iyon?” Tila nagyelo ako sa aking kinauupuan dahil sa tanong niya, ngunit ramdam na ramdam ko rin ang unti-unting pag akyat ng dugo ko mula sa paa hanggang sa ulo.
‘Sheez! Im so embarrassed!! What should I do?! What should I do?! Hindi naman pwedeng mag sinungaling ako sa kaniya kasi health ko ang pinag uusapan ngayon, pero ano namang connect ng pag s-seggs sa nararamdaman ko?! Yaaah!! I don’t get it!’
“U-uhm, yes po, at sa pagkakatanda ko po ay three weeks ago na ang last namin.” Matapang na sagot ni Irvin, pero halata rin ang pamumula ng pisngi niya.
“Did you use protection?” napa isip naman si Irvin sa tanong na iyon, ako hindi na nag isip. Wala naman akong maalala eh, at kung pipilitin ko pang alalahanin ay baka mahiya na saakin ang kamatis.
“I….think, I don’t? Shit! Don’t tell me Dok?!” Gulat na gulat ang ekspresyon ni Irvin nang may ideyang pumasok sa utak niya, pero ito ako walang magets.
“its just a hunch, we still needs to run some test”
“Sige doc, ano po bang kailangang gawin?” ngayon naman ay parang excited na si Irvin.
“First, Mary Jane you need to do this.” Baling niya saakin sabay abot ng kung ano.
“Ano po ito Doctor-ninang?” walang muwang kong tanong.
“Pregnancy test.”
“Ahh oka—PO?! P-pe-pregnancy test? Bakit ko naman kailangan nito Dok?!” napatayo na ako sa gulat.
So ito pala kaya gulat na gulat rin si Irvin kanina.
“Kasi nagpapakita ka ng mga sintomas ng isang buntis, kaya para maka sigurado kailangan mong subukan yan.”
Halos hindi ako maka galaw sa pwesto ko, pero may point rin naman sila kaya wala akong choice kundi ang subukan nalang nga ito. Nanginginig pa ang kamay at tuhod ko habang isinasagawa ito.
Hindi ko rin lubos na maintindihan ang nararamdaman ko ngayon, halo-halo kasi, kinakabahan ako na nae-excite, may natatakot rin at parang gusto ko ng umiyak.
Pagtapos nun ay hindi ko muna tiningnan ang resulta at nag antay muna ng limang minuto sa loob ng CR habang nakapikit at mahigpit ang hawak sa PT. Hanggang sa nakaipon na ako ng courage para sulyapan ito, ngunit pa-unti-unti.
Limang linya.
Charrr.
Dalawang linya.
Dalawang linya ang bumulaga saakin, hindi ko nalang namalayan na sunod-sunod na pala ang pagtulo ng mga luha ko.
Hinang-hina akong lumabas ng CR at tinunho sila, hindi ko din makita ang mga ekspresyon nila dahil sa nanlalabo ang mga mata ko.
“Mary Jane….” Malumanay na tawag ni Irvin.
“W-we…we’ll having a baby.” Saad ko saka mas lalong bumuhos ang mga luha ko.
Agad niya akong niyakap at pinaulanan ng halik sa noo.
“Im gonna be a dad?!” bakas ang tuwa sa tono ng kaniyang bigkas, nakangiti rin naman akong tumango sa kaniya.
“Yes…Yes, Irvin. You’ll gonna be a dad and Im gonna be a mom.”
YOU ARE READING
Uno Class (Season 1)
Novela JuvenilUno Class is a bunch of students with incredibly talents, high IQ, bravery and etc. But there's somethings that they're lack of...TRUST 'Jasmine Jase Mendez' is their class president, they treated her as if she were family and friend, but what they...
