J A S M I N E
After the sunset yesterday I immediately fell asleep in the car back to our house and my classmates decided that they would only sleep in the hotel because they didn’t want to disturb us. Which is hindi ko sinang ayunan, pero wala narin akong nagawa dahil sa hindi ko na kayang makipagtalo pa ng matagal. Pagod na pagod narin kasi ako antok na antok na. Nagulat na nga lang din ako pagka gising ko dahil sa nasa kwarto na ako at nabihisan narin, pati make-up ko wala na din.
Bumaba ako sa sala para makihalubilo kila mom and dad na inaasikaso naman ang mga natanggap kong gifts na nakalimutan ko na din buksan.
“Morning…” usal ko, tiningnan naman nila ako pareho at sabay na nginitian.
“Oh, you’re awake. We made a breakfast, you should eat first before we talk.” Untag naman ni mom pabalik. Nangunoot ang noo ko dahil sa pagtataka.
“Talk about what?” tanong ko habang inusisa ang ang isang nabuksan ng regalo. It’s a portrait of myself.
“C’mon dear, don’t act like you doesn’t have any idea of what we’re gonna talk about. You have a long story to tell or an explanation” my dad said before he winked on me.
Hindi ko namalayang nabitawan ko na pala ang hawak-hawak kong portrait kanina, kaya kinuha nalang iyon ni mommy at nilagay sa maayos. Ngayon lang kasi nag loading sa isip ko kung anong mga ibig nilang sabihin, kinabahan tuloy ako bigla.
“Wahhh!! Mommy, Daddy, sorry po!! Natukso lang ako kaya ko nagawa yun!!, sorry po talaga!!” singhal ko sabay luhod. Para pa akong maiiyak.
“What are you doing? Sabi ko diba mamaya tayo mag uusap pagtapos mo kumain? Kumain ka muna don.” Nakangiting saad ni mommy, pero yung ngiti niya creepy kaya nanginginig ang mga tuhod ko habang dahan-dahang umaatras papuntang hapag kainan. Baka kasi kapag inalis ko yung tingin ko sa kanila, bigla silang mawawala tapos susulpot sa kung saan.
‘Horror movies pa…’
So ayon, habang naglalagay ako ng palaman sa tinapay nag iisip narin ako ng mga sasabihin sa kanila. Pinag iisipan ko na din kung sa paanong way ko iyon sasabihin ng hindi sila nagagalit, syempre auto magagalit sila kapag nalaman nilang nakipaghalikan ako kay Gab ng wala namam kaming relasyon like…Wtf. Siguradong tatanungin din nila ako na ‘ano lang pala kayo? flings? Friends with benefits??’
Ugh!, hindi naman ako pinalaki ng ganon kaya….paano to? Hindi ko rin naman pinagsisisihan yung kahapon kasi once in a life time lang yun. I just grabbed the chance.
“Ang tagal naman nang pagpapalaman mo, kailan mo ba balak kainin yan? Kung ayaw wala kang balak bigay mo nalang saakin.” Bumalik ang ulirat ko ng may marinig akong boses ng lalaki.
Pagtingin ko sa kaliwa ko ay nandirito pala si Rin na naka upo at naka titig sa pinapalaman kong tinapay, para siyang nag lalaway na ewan. Dahil sa maawain akong nilalang, binigay ko nalang din sa kaniya yon. Sayang diko nalagyan ng lason.
“Rin, buti naman nandito ka! Makakatakas ako kila mommy at daddy. Kanina pa ako nag iisip pero wala talaga akong maisip na palusot. Kaya buti nalang talaga!! Saktong-sakto ang dating mo HUHUHU!!” nagheheristikal na sabi ko sabay alog sa kaniya.
“Teka! Hindi ako maka kain ng maayos, alangan pupunta ako. Tinulugan mo ako kagabi eh sabi mo may sasabihin ka.”
“Ay oonga pala nuh? San ka pala natulog kagabi?”
“Isa sa mga guest room niyo dito.” Simple niyang sagot.
“Eh?” yun lang ang nasabi ko, hindi ko naman kasi lubos maisip na hahayaan lang siya ng parents ko na dito matulog, eh kasi nga diba dati ayaw na ayaw nila kay Rin. “Eh hindi ba nagtaka sila Gab kung bakit hindi ka nila kasamang matulog dun sa hotel?”
“Nagtaka syempre, ang init nga ng tingin saakin ni Gabrielle at Heaven eh. Pero sila tita and tito naman ang nag paliwanag sa kanila.” Hinto niya kasi kailangan na niyang lumunok. “Pupunta rin naman ata sila dito mamayang gabi, para daw sabay-sabay na tayong bumalik sa HOWU. Pagod na pagod din yung mga yun kaya baka anong oras na sila makagising, kaya mamayang gabi nalang daw sila pupunta.” Salaysay niya.
“Hmm, okay. Anyways, bilisan mo na sa paglamon diyan, itong gatas ko sayo narin. Doon tayo mag uusap sa garden, may kukunin lang muna ako sa kwarto ha, kailangan pag balik ko tapos kana.” Ani ko. Tinanguhan naman niya ako saka nag okay sign.
Nagtungo ako sa kwarto at maingat na kinuha ang mga blueprint na binigay saakin ni Sir. Night kahapon. Hindi ko pa ito nakikita ng lubos dahil gusto ko sabay kami ni Rin titingin, para makapag plano kami ng maayos. Baka kasi kapag gumawa na ako ng plano nang hindi niya pa nakikita to, hindi siya sumang ayon. Dinala ko narin ang laptop ko at iba pang mga papeles na nagtataglay ng impormasyon tungkol kay Castaldad at sa iba pa. Pagbalik ko naman sa baba ay tapos na nga si Rin at naka handa na, nang makita niyang madami akong dala ay agad niya akong tinulungan.
Pagdating sa garden, inayos namin ang mga gamit sa lamesa. Tirik ang araw pero hindi naman kami naaapektuhan nito dahil sa may payong naman tong lamesa namin, tyaka masarap din ang simoy ng hangin dito.
“Halika, huwag ka munang umupo diyan. Dito tayo.” Utos ko kay Rin, lumipat kami sa isang lamesa para doon ilatag ng maayos ang blueprint.
“Blueprint ng kingdom ni Mayor. Castaldad??” kwestyon ni Rin sa obvious naman.
“Uh-huh, regalo to sakin ni Sir. Night. Nasabi rin saakin ni Sir na sa treehouse natin pwedeng dalhin si Castaldad….bale….” sabi ko habang hinahanap kung saan ba yung treehouse na tinutukoy ni Sir.
“Ito yun oh, hindi ka ba marununong tumingin ng blueprint??” kunot noong tanong ni Rin.
“M-marunong nuh!”
“HAHAHA edi wow, hindi ka marunong, halata naman eh HAHAHA. Kawawa ka naman pala kapag wala ako, ang lakas mo pang mag request ng blueprint” pang aasar niya.
“Ulol.” Oo na, hindi talaga marunong tumingin ng blueprint. Ang hirap kaya, nakakalito.
“Huwag kanang umiyak, nandito naman ako eh….”
“Gusto mo ikaw paiyakin ko?! Tumigil ka nga diyan at magpatuloy nalang tayo.” Naasar ko ring untag.
“Okay okay, so ito yung treehouse two kilometers lang ang layo niya sa kingdom. Bale kapag nilakad natin siya mula don aabutin tayo ng 10 to 12 minutes bago makarating.” Paliwanag niya.
“Kung ganon…kapag nakarating na siya sa treehouse, 12 minutes narin siyang mawawala sa paningin ng mga tao. Sa palagay mo, maghahanap naba agad yung mga nagbabantay sa kaniya sa ganong kaikling oras lang?”
“Hindi pa naman siguro, tyaka hindi nila iisipin na may mangyayaring masama sa Mayor dahil nasa loob lamang siya ng kingdom.”
“You’re right. Kaya talagang perfect spot for assassination don. By the way, napag isip-isip ko rin na pasabugin na pati ang Kingdom niya.” Halata namang nagulat si Rin dahil sa sinabi ko.
“What? Jasmine kapag ginawa mo yun madaming madadamay, tyaka isa pa, paano naman tayo makakapag tanim ng bomba don? Eh hindi nga din natin alam kung paano maipapasok ang mga gagamitin nating baril eh.” Napaisip naman din ako sa sinabi niya.
“….sabi ni Dad mag hahire daw siya ng mga tutulong satin.”
“What are you trying to say?”
’12 minutes lang ang freetime namin kaya dapat madami na kaming nagawa sa loob nun.’
“Sa loob ng labing dalawang minuto kailangan nalagay mo na ang mga bomba sa marking spots.” Parang hindi naman niya na-gets ang nais kong sabihin. “Ako na ang bahala kay Castaldad, habang ikaw naman ang bahala sa mga bomba. Sa buong Kingdom ay mayroong 46 na nag babantay sa ibat-ibang pwesto. Pero sa araw na iyon alam kong hindi sila gagamit ng armas dahil sa may mga studyanteng maaaring madamay”
“So?...do you want me to kill all them all?”
“Of course not, I mean, yung mga haharang lang sayo. Gagamit naman tayo ng silencer eh.”
“Kahit na, may nagbabantay parin kaya sa mga monitor—”
“Damn! Yun pa nga pala!” napasampal nalang ako sa noo nang maalala ko ang tungkol don. “Masiyado akong naka focus kay Castaldad, hindi ko na naisip yung bagay na yun.” Nanghihina kong sabi.
“Huwag kang ma-preasure, Jas. Makaka-isip din tayo ng paraan para dito. Maisasakatuparan mo din ang paghihiganti mo.
“Jasmine, Rin, nandito lang pala kayo. Kanina pa kami naghahanap sa inyo.” Naagaw ni Mom ang mga atensyon namin ng sumulpot silang…tatlo?
“Mommy, Daddy…Heaven?? Anong meron? Bakit nandito ka, akala ko mamayang gabi pa kayo pupunta?” sunod-sunod kong tanong habang tinitingnan ung hindi lang ba sila ang tutungo dito sa graden. “Sh*t, Rin yung lamesa!” taranta kong bulyaw kay Rin, baka kasi kompleto pala silang nandito edi nabisto na tong pinag gagawa namin.
“Jasmine, its okay. Si Heaven lang ang kasama namin. Yung iba mo pang mga kaklase ay nasa hotel parin.” Pagpapakalma saakin ni Daddy. Tumingin naman ako kay Heaven na parang takhang-takha sa mga papel na nakalapag sa dalawang lamesa.
Lumapit siya sa isang lamesa kung saan nandodoon ang laptop ko at ang mga papeles. Dumampot siya ng isang papel at iniksame. Tahimik lamang kaming nanonood sa kaniya, kaso kaming dalawa ni Rin ay nagdadamayan ng kaba.
“Mayor. Castaldad….” Mahinang usal niya habang nagbabasa parin.
“Heaven, we will explain that to you later. Sa ngayon unahin na muna natin ang tungkol sa inyo ni Jasmine.” Sambit ni Dad.
‘Tungkol samin ni Heaven? Ano bang meron samin?’
“Ano po bang nangyayari? Teka! Iniisip niyo ba na may relasyon kami ni Heaven? Naku! nagkakamali po kayo! Magkaibigan lang po kami!” paliwanag ko.
“What? Kung ano-ano nanaman pumapasok diyan sa isip mo wala pa nga kaming sinasabi. Mabuti pa doon tayo mag-usap-usap sa sala, iwanan niyo nalang muna yan diyan.” Utos ni mommy.
“Paano kung mawala?” nangangamba kung tanong.
“Wala namang kukuha niyan diyan.”
“Paano kung liparin?”
“Talagang gumagawa ka talaga ng paraan para makatakas samin no? Edi patungan mo ng mabigat na bagay para di liparin, tyaka huwag ka ngang matakot, may sasabihin lang naman kami.”—Mommy.
‘Eh? Wait wait. Yung tinutukoy ba nila isa yung tungkol sa kahapon? Oh my gosh! Oonga pala.'
“Ahh, sige pasok na tayo” ako na mismo ang nagpauna sa pagpasok sa loob ng bahay, sumabay naman saaking paglalakad si Rin.
“Nakita niya yung mga papeles, nabasa pa niya. Ayos lang ba yun?” bulong ni Rin habang patuloy oarin kami sa paglalakad.
“Ewan, mamaya natin malalaman. Naguguluhan din ako eh, kasi bakit hinayaan lang din nila mom na makita yun, diba?” kibit balikat kong sagot pabalik. “Napaka dami kong tanong, ang dami ko na ngang iniisip, dumagdag pa to.” Ani kopa.
Nanag sa wakas ay madating na namin ang sala, nagkanya-kaniya narin kami sa pag-upo. Lagi pa nga kaming nagtitingin ni Rin eh. Parang nag uusap kami thru minds HAHAHA.
“Okay… actually hindi ko alam kung paano to sisimulan.” Sabi ni Mom, naka upo sila ni dad sa tapat naming tatlo ni Rin at Heaven. Naka akbay sa kaniya si Dad habang seryosong-seryoso ang ekspresyon. Hindi nalang ako nagsalita kahit ang dami ko nang gustong itanong. “I don’t think nasabi sayo ng dad mo ang tungkol dito—” okay hindi ko na kinaya.
“Dad? You mean…” patukoy ko sa daddy kong wala na. Tinanguhan naman ako ni Mommy.
Kung involve si Dad dito, ibig sabihin this is a serious matter talaga.
“Don’t go around the bush and just fire it.” Hindi na talaga ako mapakali. “Please just tell me already, you know we’re busy right now.”
“Hayaan mo munang mag explain ang mommy mo, Jas.” Saad ni Dad.
“Okay then.” Pagsang-ayon ko kahit feeling ko sasabog na ako.
“Dati, mahirap pa kami sa daga ng daddy mo. Hindi sapat ang meron kami para bumuhay pa ng isang tao….kaya, naisipan muna naming ipaubaya si Heaven sa iba….” Natulala lang ako habang pinoproseso ang mga salita niya.
‘Ipaubaya sino? Si Heaven? Bakit nila ipapaubaya siya? Gaano naba nila katagal kilala si Heaven?’
“I-I didn’t get it im sorry…”
“Nung umahon na kami sa buhay kahit papaano, binisita namin si Heaven dati. Iyon ay bago mamatay ang daddy mo, pero hindi pa namin siya kinukuha dahil sa baka malagay lang din siya sa kapahamakan. Sinabi lang namin ang mga dapat naming sabihin, na kapag mawala man kami pareho, hahanapin ka niya. Pinilit ka naming protektahan ng daddy mo, pero ang hindi namin inaasahan ay pareho kayong dalawa ang makukuha. Akala ko pati ikaw mawawala saakin….” Unti-unti ng nagpatakan ang mga luha ni Mom.
‘Bago mamatay si Dad….bago siya mawalan ng hininga….’
“May gustong sabihin saakin si daddy dati, pero hindi na niya natuloy dahil sa binawian na siya ng buhay. Ngunit nakakasigurado ako na patungkol iyon sa pamilya.” Usal ko habang pilit paring inaalala kung ano pa yung mga sinabi niya.
“Jasmine….Jasmine…” hindi na matuloy-tuloy ni Mommy ang sasabihin dahil sa paghagulgol.
“Magkapatid…..kami??”
YOU ARE READING
Uno Class (Season 1)
Fiksi RemajaUno Class is a bunch of students with incredibly talents, high IQ, bravery and etc. But there's somethings that they're lack of...TRUST 'Jasmine Jase Mendez' is their class president, they treated her as if she were family and friend, but what they...