J A S M I N E
Ngayon na ang nakatakdang araw para saaming pagdalaw sa mama ni Jamir at ngayon narin gaganapin ang amin namang pagbisita kila Mary Jane.
Handa na ang iba saamin, lalo na si Jamir na sobrang excited. Halos mapunit na nga ang labi niya kakangiti eh, siya rin ang pinaka nauna saaming lahat nagising at makapag-ayos. Kasalukuyan kami nagyong nandito sa lobby at nag aantay para sa iba pa naming mga kasama.
Pinagigitnaan ako ni Gab at Kingsley dito sa isang sofa at sa tapat naman namin ay si Rin na inaantok sa couch, si Augusthos, Ikle at Jamir naman ay magkakatabi rin sa isa pang sofa. Habang sila Peridot, Shila, at Lian naman ay bumili ng makakain sa café, kanina pa kasi nagrereklamo si Augusthos.
Hindi rin kami nakapagluto ni Rin dahil nga sa wala siya sa sarili ngayon.
Si Bubble, Andrea at Carlie ay may pinapanood sa iisang cellphone na sa tingin ko ay pagmamay-ari ni Andrea. Hindi ko alam kung ano yun pero kanina pa sila mukhang seryosong-seryoso don.
Ang inaantay nalang namin ngayon ay yung tatlong bumili ng pagkain at sila Kenjan at Heaven na hanggang ngayon ay nasa kanila-kanilang mga kwarto padin.
“Rin, pansin ko lang yang eyebags mo. Anong ganap?” tanong ni Kingsley habang tinititigan ng maiigi si Rin.
“Si Jasmine tanungin niyo, siya may kagagwan nito eh” pasa niya saakin.
Naglingunan naman sila saakin na para bang inaantay ang magiging paliwanag ko.
“Ahm, ano kasi…p-pinahiram ko kasi siya ng libro…oo libro, tama. Tapos nagandahan siguro siya ng sobra tapos ayon pinagpuyatan niya.” Palusot ko.
“Mukha bang nagpuyat lang ako? Hindi kaya ako natulog.” Reklamo pa ni Rin.
‘Leche kang bakla ka, pinapahamak mo ata ako eh!’
“Bat galit?” seryosong tanong ni Gab.
“O-oonga! Bakit ka galit? Ikaw naman may gustong basahin yun eh!” bulyaw ko.
“Ako?! Heh! Ikaw kaya—”
“Nyanyanyanya blah blah blah!!” putol ko sa mga sasabihin niya pa. Baka kasi kung ano pa banggitin niya eh, tas wala na akong mapalusot.
“We’re back!” bungad ni Lian pagkapasok nila.
Inilapag nila ang ang mga pagkain sa lamesa at agad naman iyong sinunggaban ni Augusthos na gutom na gutom, sunod ay si Bubble na habang kumukuha ng pagkain ay sumusubo narin.
Habang busy kami sa paglamon ay saka naman sumulpot si Heaven na dahan-dahang naglalakad palabas ng elevator, nangunoot ang mga noo namin dahil sa pagtataka. Para kasi siyang hirap na hirap sa paglalakad at may iniindang sakit sa katawan.
“Ayos ka lang? May problema ba?” tanong ko ng makalapit na siya, inilapag ko muna ang pagkain ko at inalalayan siyang umupo.
“Ayos lang ako….” Pabulong niyang sagot.
“Weh? Parang hirap ka ata maglakad.” Usal naman din ni Peridot.
“M-masakit kasi yung likod ko…” sa wakas ay sinabi narin niya.
“Bakit? May nangyari ba?” tanong ko pa.
“Ah, si Kenjan kasi…..” putol niya sa sasabihin saka napatitig sa mga pagkain namin.
“Si Kenjan ano?” magkakapanabay naming tanong, pawang napatigil rin sila sa pagkain at tutok na tutok kay Heaven.
“Natulog siya sa kwarto ko kagabi….tapos ayon…” tila nahulog ang panga ko sa sahig dahil sa gulat, ayaw ko mang mg isip ng kung ano….wala eh, iba talaga nasa isip ko.
Namilog ang mga mata namin, at si Rin na naman na kanina halos makatulog habang kumakain ngayon ay gising na gising na ang diwa. Nabitin din sa ere ang kutsarang isusubo dapat ni Augusthos. Parang maluha-luha naman si Carlie at Andrea.
Napatakip naman ng bibig si Ikle at sumilay ang ngising aso ni Shila, wala naman ding nasabi si Peridot at napainom nalang ng tubig.
Para kaming binalot ng katahimikan, sa sobrang tahimik ay nakakabingi na. Nagpapalitan lamang kami ng mga tingin at parang sa isip nag-uusap-usap. Inabot na ata ng limang minuto ang katahimikan namin at partida hindi pa kami nagalaw, para tuloy kaming naging instant mannequin.
“Holla!! Eyy, what’s with the atmosphere? May problema ba?” walang ka-ide-ideyang tanong ni Kenjan nang sa wakas ay bumaba na siya.
“Anong ginawa mo kay Heaven….?” Si Gabrielle lang ang naglakas loob na magtanong tungkol sa bagay na iyon.
“Ha? What do you mean?” naguguluhang tanong ni Kenjan.
“Ikaw!” sigaw ni Heaven na ikinagulat naming lahat, bigla din siyang tumayo kaya ngayon ay umiinda siya ng kirot. “Sabi mo marunong ka manghilot, eh bakit parang binali mo naman spinal cord ko?!” hinubad niya ang isa niyang sapatos saka iyon hinagis diretso kay Kenjan.
“H-h-hilot…??” hindi makapaniwala kong tanong.
Parang nabilaukan naman si Lian sa sarili niyang laway, kaya agad din siyang inabutan ni Shila ng juice.
“Oo, sabi niya hihilutin daw niya ako eh…pumayag naman ako akala ko marunong eh.” Salaysay niya saka napa iwas ng tingin.
“Kakagaling mo lang sa sakit ah.” –Jamir.
“Sorry na….akala ko din marunong ako eh.” Dipensa pa ni Kenjan sa sarili.
“So, naghilutan lang pala kayo…” maingat na sabi ni Ikle.
“Oo?”—Kenjan.
Sabay-sabay namin kaming napabuga ng isang malalim na hininga (maliban kila Kenjan ay Heaven) bumalik narin ako sa kinauupuan ko kanina.
“Para saan yung bugtong hininga na yun?” takhang tanong ni Kenjan saka kumuha ng pagkain.
“Wala lang….trip lang namin.” Sagot ni Carlie.
“Guys, gusto niyo ba munang dumaan ng simbahan bago magtungo sa mama ni Jamir?” may pag-aayang tanong ni Rin.
“Ayos lang ba kay Jamir?” Lian aniya.
“Ayos na ayos syempre, mukhang kailangan na kailangan natin yun ngayon eh.” Sagot naman ni Jamir.
“Wow.” Mahinang usal ni Heaven.
‘Bumalik na naman ang dating hina ng boses niya….’
“Bakit Heaven?” –Bubble.
“Nagulat lang ako, ngayon lang kayo nag ayang mag simba eh, tuwing religion kasi natin parang mga wala kayong interest”
“Akala mo lang yun…hehehe” awkward na usal ni Augusthos.
- - - -
Because of the sudden things happened, we spent times in church before going to the hospital. We prayed deeply, saying our sorry for the bad thoughts we made to them.
Habang nasa sasakyan ay sobra-sobra talaga ang guiltiness na naramdaman ko, pero syempre hindi ko naman pwedeng sabihin sa kanila yun, kaya palihim nalang akong humihingi ng tawad.
‘Hay Jasmine, paano mo nagawang mag isip ng ganon? At sa kanilang dalawa pa talaga huh, si Heaven? Pag iisipan mo ng ganon? Eh mas inosente pa nga siya kesa sayo.'
“Tahimik mo ata, Jas. Di maka get over sa nangyari kanina?” pansin saakin ni Mammoth.
Makalipas ang isang oras na byahe ay saka wakas nakarating narin kaming hospital.
“Che, syempre ang panget kaya ng naisip ko kanina. Akala ko…” hindi ko matuloy ang sasabihin dahil sa kahihiyan.
“Kahit ako din naman naging iba yung naisip eh, kasalanan din ni Heaven nuh, di niya kasi sinabi agad eh.” Sisi niya pa kay Heaven.
Buti nalang at nasa pinakalikod nila kami habang naglalakad papasok ng hospital, mahina lang din ang pag uusap namin ng sa ganon ay walang ibang makarinig.
“Nakakatawa…” nangingiti kong usal.
“Napasimba tuloy tayo ng wala sa oras.” Natatawa din niyang saad.
“Ayos nga yun eh, nawawalan narin kasi tayo ng oras para sa pagsamba.” Salaysay ko. Hindi narin nakapag salita pa si Mammoth pabalik dahil sa natungtong na namin kwarto kung saan nag i-stay ang mama ni Jamir.
Masiyado kaming madami ngahon, mabuti na nga lang at pinayagan kami eh.
Una munang pumasok si Jamir sa loob, syempre mama niyo yun eh. Nagantay naman muna kami sa may labas ng pinto para bigyan sila ng privacy. Hindi rin nag tagal ay inaya na kaming pumasok ni Jamir, unang sumalubong saamin ay ang Mama ni Jamir na nakahiga sa hospital bed at may mga tubong nakapalibot sa kaniya.
“Hello po…” magalang naming pagbati.
Humarap naman saamin ang isang babae na sa palagay ko ay mas matanda lang ng konti sa mama ni Jamir.
“Siya nga pala si Tita Ad, Adran Klea ang pangalan niya talaga. Siya din ang nakatatandang kapatid ni Mama at kasalukuyang nagaalaga kay mama ngayon.” Pakilala ni Jamir.
“Hi po, mga kaklase po kamj ni Jamir. Ito nga po pala prutas tyaka bulaklak, sabi po kasi ni Jamir paborito daw pong bulaklak ng mama niya ang tulips kaya bumili narin kami.” Pahayag ni Ikle.
“Naku nag abala pa kayo, maraming salamat ha….marami ding salamat sa pag aalaga dito sa pamangkin ko.” Nakangiti niyang ani.
“Para narin naman po naming kapatid si Jamir, kaya wala po yun.” Sagot pabalik ni Shila.
“Napaka swerte mo at sa mabubuti kang tao dinala ng diyos.” Tugon niya kay Jamir.
‘Naku tita, kung alam niyo lang….lagi nga kaming napapa away eh.’
“Guys, ito naman si mama. Mama sila yung mga kaibigan ko na tumulong para mapa-operahan ka.” Sabi ni Jamir sa kaniyang ina. Nginitian naman kami ng mama niya kaya ngumiti din kami pabalik.
“Kamusta po?” tanong ko saka lumapit.
“Maayos na ang pakiramdam ko, maraming-maraming salamat sa inyo ha. Hindi ko alam kung paano ko kayo mababayaran dahil sa kabutihan ninyo—”
“Hay Tita, huwag niyo na pong aalalahanin yun. Tandaan niyo lang po na tumulong kami ng walang hinihinging kapalit.” Putol ni Andrea sa sasabihin ng mama ni Jamir.
“Pagpalaain kayo ng diyos…..”
“Basta ho, magpagaling na kayo ha. Ayaw rin po kasi naming nakikitang malungkot tong si Jamir eh.” Carlie aniya. Marahan namang tumango si Tita.
“O siya, pagsalu-saluhan na natin tong mga dala niyong pagkain at prutas.” Untag naman ni Tita Ad.
“Sige po, lalabas lang po muna ako saglit….” Paalam ko, napatingin naman silang lahat saakin na puno ng pagtataka ang mukha. “M-may tatawagan lang, babalik din ako agad.” Dagdag ko pa at hindi na inantay pa ang sasabihin nila.
Normal akong naglakad palabas sa pinto ng kwartong iyon, at ng maisarado ko na ang pinto ay mabilis pa kay Flash akong tumakbo palabas ng hospital. Nagtungo ako sa parking lot at doon hinabol ang hininga.
“Im so proud of you….” Makalipas ang ilang minuto kong paghahabol ng hininga, na para bang hindi na matapos-tapos….sumulpot naman bigla si Rin. “Nagawa mong mag tagal ng mahigit sampung minuto sa loob ng hospital, You’re improving a lot huh.” Inabutan niya ako ng isang bottle water na agad ko naman ding nilagok.
“Hindi mo alam kung gaano kahirap yun para saakin, Rin. Para akong sinasakal, dagdag pa na kailangan kong ngumiti sa harap nila.”
“Akala ko nga kaya mo na talaga, until you said you would go outside for a sec…”
“Kung hindi ako lalabas don baka maging isa pa ako sa mga pasyente.”
“But you still need to go back.”
“I know….
“Goodluck, don’t worry hindi narin naman siguro tayo mag tatagal.”
- - - -
‘Fudgeeee!!!!! Its been two hours!!! Akala ko ba saglit nalang kami?! Mamamatay na ako!’
“Jas, ayos ka lang?” bumalik ang ulirat ko ng marinig ang tinig ni Gab.
‘Sasabihin ko ba sa kaniya?’
“Oo naman…” pilit kong sagot.
‘Dang it! Gustong-gusto ko ng umalis sa hospital na to! Its killing me!’
“Kanina ka pa kasi tahimik, akala ko kung ano na.” aniya pa at umupo sa tabi ko.
“Wala to, natutuwa lang din kasi akong makita si Jamir na masaya na….” palusot ko.
“Do you miss your parents?”
“Medyo…”
‘Malapit ko narin naman silang makasama ulit.’
“kailan mo ba sika uuwian?”
“Hmm, bukas.” Diretso kong sagot.
“Bukas agad?” gulat naman niyang tanong.
“Oo, may aasikasuhin kasi kami, kaya bukas kayo-kayo nalang ang babalik sa HOWU.” Ani ko, balak kasi namin na doon na magpalipas ng gabi kila Mary Jane, kaya bukas ang uwi.
“Ayaw mo bang samahan ka namin?”
‘Samahan moko…yieee’
“Hindi na, magkikita-kita naman din tayo sa susunod na araw.”
“Hmm, okay. Alam na ba nila?” patukoy niya sa iba pa naming mga kaklase.
“Mamaya sasabihin ko palang. Pero si Rin alam na niya.” Nag iba naman ang ekspresyon niya.
“Nauna pang malaman ni Rin…” bulong niya na rinig na rinig ko naman.
“Eyy, sorry na…”
“Tsk, dun kana sa Rin mo” nagtatampo niyang untag.
‘Munyawa.’
“Sorry na nga eh, hindi na mauulit.”
'hindi na talaga…ilang araw nalang eh.’
“Uyy, yung dalawa don may LQ oh!” nagulat naman kami ni Rin dahil sa sinabi ni Jamir, lahat na pala sila ay nanonood saamin ng pawang mga nakangiti ng may kahulugan.
“Pinagsasabi niyo?” pigil ngiti kong tanong.
‘Sino ba namang hindi kikiligin kapag inasar ka sa crush mo diba?’
“Yiieee!! LQ yarn?”
“Sana all!!”
“Hinay-hinay may mga single dito oh!”
“Pati kami nilalanggam.”
“Magbe-break din kayo!” –Peridot.
“Sira , walang kami.” Sabi ko kay Peridot.
“Ayyyy” ang kaninang nagngingitian nilang mga mukha ay napalitan ng pagkadismaya.
“Mali ka naman kasi ng ginamit na term, Jasmine. Dapat ‘Hindi pa kami’” pagtatama ni Gab. Hindi ko naman na napigilan yung kilig ko lalo na nung lumakas pa lalo ang hiyawan at pang aasar nila.
YOU ARE READING
Uno Class (Season 1)
Teen FictionUno Class is a bunch of students with incredibly talents, high IQ, bravery and etc. But there's somethings that they're lack of...TRUST 'Jasmine Jase Mendez' is their class president, they treated her as if she were family and friend, but what they...