(KABANATA 12)

19 1 0
                                    

J A S M I N E

Maingat at dahan-dahan kaming nag lalakad papasok ng building at tila pinakikiramdaman ang paligid.

Mahirap na, baka mamaya nandito pa si Mrs, Flores. Wala pa naman kaming kahit anong ideya ang maari niyang iparusa sa hindi namin pag attend ng religion class.

Halo-halo ang nararamdaman ko ngayon, Hindi ko din ito maipaliwanag. Kinakabahan kasi ako na natutuwa, parang ewan.

"Didiretso naba tayong dinning floor?" Mahinang tanong ni Augusthos, lahat naman kami ay nagsi tinginan sa kaniya.

"Tara, gutom na ako eh" Sagot ni Bubble. Sunod naman kaming tumingin kay Gab na para bang nanghihingi ng permiso. Tinanguhan niya lang kami.

Sumakay kami ng elevator ng tahimik hanggang sa makarating sa tamang palapag. Pero ang inaakala naming mapayapang pagkain ay mali pala, maling-mali. Dahil pagka bukas na pag ka bukas ng elevator ay bumungad saamin ang madilim na mukha ni Mrs, Flores.

"Uh-oh... " Usal ni Kenjan.

- - - -

Nakayuko kaming lahat habang naka upo dito sa sahig na may foam, nandito kami ngayon sa training floor. Dito kami dinala ni Mrs, Flores, Hindi narin niya kami pinakain ng pagkain. Hindi narin naman kami naka angal dahil sa gulat at kaba.

"Papalagpasin ko ang ginawa niyo ngayong araw, pero tandaan niyo ngayong araw lang" Masungit na Saad niya. Nakahinga naman ako ng maluwag roon. "Dahil sa Hindi kayo pumasok ng religion class, mag P-P.E class nalang tayo. Pero kung pumasok lang kayo kanina, Edi Sana wala na kayong klase ngayon. Hays, tsk tsk tsk" Aniya pa habang nakatayo sa harapan namin at palakad-lakad.

"Bakit po ngayon lang tayo mag P-P.E Mrs, Flores?" Tanong ni Heaven, yun nga din ang tanong sa isip ko eh.

"Wala talaga dapat kayong P.E hanggat hindi pa nag e-eighteen si Ms, Mendez. Pero napag isipan ng star central na magkaroon nalang kayo, para maging handa na" Nangunot naman ang noo namin sa pag tataka.

"Bakit naman po kailangan mag eighteen muna ako bago kami mag P.E?" Naguguluhan kong tanong.

"Dahil iba ang P.E niyo kumpara sa ibang Class, Hindi lang basta tungkol sa sports or kung ano ang inyo. Dahil tungkol ito sa mga pang defense or physical strength, and of course skills"

"Kaya ba Mrs, Flores may boxing ring dito? Tyaka itong mga pang Taekwondo, karate?" Tanong naman din ni Mary Jane.

"Yup, lahat ng iyan ay aaralin niyo"

"Bakit naman, maam?" --Shila

"Dahil hindi mag tatagal ay magagamit niyo rin ang mga matututunan niyo, madaming mga mag aaral ang gustong pumasok dito sa HOWU syempre para mag aral, pero mas madami ang takot dito. Oras na pumasok kana kasi dito, parang nilagay mo narin ang isang paa mo sa hukay."

"You mean, madaming kaaway ang HOWU? At ang kaaway ng unibersidad ay kaaway narin namin" Saad ni Lian.

"Correct. Pero ang pinaka mainit sa mata ng mga yun ay ang class niyo. Ang Uno class, kaya ang pinaka unang requirements sa Uno class ay ang tapang. Kung Hindi ka matapang, you better get loss"

"Kaya ba sinabi niyo saaming umuwi kami agad kasi delikado ang labas para saamin, kahapon?" Tanong ni Andrea.

"Bingo. Kaya simula ngayon ay sisimulan na natin ang pag tetraining" Lahat naman kami ay tumayo bilang paghahanda. "Sisimulan natin ito sa isang Duel, Nang sa gayon ay malaman ko kung may mga alam na ba kayo kahit konti O wala, para na rin malaman ko kung saan dapat kayo i-focus"

Uno Class (Season 1)Where stories live. Discover now