(KABANATA 22)

19 1 0
                                    

J A S M I N E

Habang nag lalakad ako pabalik sa kinaroroonan ko kanina ay aksidente ko namang naka salubong ang dalawang mag pinsan.

"Jasmine!/Arrow!" Magka panabay nilang tawag saakin habang nag mamadaling lumapit.

"Yow."

"Saan ka galing?"

"May nangyari ba sayo?"

Halata ang pag aalala sa mga tono nila ngunit hindi ko lang mapigilan ang matawa.

"Nag ikot-ikot lang ako, nga pala! Congrats Shark galing mo ah!" Natutuwa kong bati para sa pag kapanalo niya.

"A-ahm, HEHEHE salamat pero kasi.... Hindi ako yung nanalo, si Shadow" Aniya sabay kamot sa ulo. Napanganga naman ako sa gulat.

"Pero bago ako umalis kanina nakita kong mas nauuna ka sa kaniya" Naguguluhan kong untag.

"Ah, ganon talaga siya. Mahilig siyng manggulat, yung akala mo ikaw na tas biglang susulot siya na para bang gustong sabihin na 'its a prank!' pero minsan lang niya ginagawa yun, kapag alam lang niyang may laban sa kaniya" Salaysay ni Shark.

"Woah, naks, may alam ka pang kemerut na ganon. Edi congrats! Balato ahh"

"Tingnan mo to... "

"May isa pang laban si shadow, kaya mo pa bang mag stay?" Tanong saakin ni Shark.

"Oo naman, gusto ko ulit mapanood mag race si Peri-- I mean Shadow"

"Sure ka? Kung gusto mo ng umuwi pwede naman kitang ihatid" Presinta niya.

"Hays, ano bang sinasabi mo? Sa University kami uuwi okay? Tyaka ako na bahala sa kaniya, gusto pa naman daw niya manood eh" Peridot aniya.

"Okie, pano bayan balik na ako sa mga tropa ko ah. Hope to see you again, Arrow" Paalam ni Shark

"Yeah, bye"

Nang tuluyan ng makaalis si Shark ay naging tahimik kaming dalawa.

"hm? may dala ka bang bag kanina? bakit parang ngayon ko lang napansin?" Nag takaka niyang tanong ng mapansin ang hawak ko.

"Ah ito, napulot ko lang sa kung saan. Ang ganda eh kaya kinuha ko na" Palusot ko.

"Mongi. Huwag ka dampot ng dampot ng mga kung ano-ano, pano kung may lamang bomba pala yan edi tostado ka na ngayon"

"Chineck ko naman."

"Psh, ewan ko sayo. Tara na, at pwede ba huwag kang alis ng alis ah ang hirap kayang mag hanap"

"Opo boss"

"Good"

Good daw…Lagay ko yang mukha mo pang can goods eh. Hmp!

- - - -

Alas singko na ng umaga kami naka balik ng university ni Peridot, paano kasi yung sabi nilang isang laro nalang naging lima pa. Pero hindi na din ako nag reklamo dahil puro panalo naman siya kaya ang dami naming dala-dala ngayon kasi nag groceries pa kami.

"Peridot, tulog na muna ako. Antok na antok na ako eh" Sambit ko pagka dating namin sa tapat ng kwarto ko.

"Ghe, basta ikaw luto ng lagkain mamaya ah"

"Oo..." Sagot ko sabay hikab.

"Pero bakit ganon?" Nag taka naman ako sa inusal niya.

"Hm? Anong bakit ganon?"

"Bakit ang bilis mo naman makalimot? Nakalimutan mo kaagad yung paninilip na ginawa mo saakin kanina sa kwarto ko" Agad naman nanlaki ang mga mata ko at tila ba inabandona na nv antok.

Uno Class (Season 1)Where stories live. Discover now