(KABANATA 49)

8 0 0
                                    

B U B B L E


Wala nang buhay ang kapatid ko ng amin itong madatnan, sa palagay ko pa ay hindi lang bastang pagpatay ang ginawa sa kaniya. Kaawa-awa ang sinapit ng kapatid ko at napakasakit nito para saakin. Walang awat ang paninisi ko sa aking sarili dahil sa nangyari, kung hindi ko sa sana siya iniwan nang mag-isa una palang hindi sana mangyayari to, kung lumayo nalang sana kami hindi pa niya kami mapupuntahan.

Napakasakit. Parang kalahati ng pagkatao ko ang namatay, madami pa sana kaming pangarap ni Bea, madami pa kaming lugar na nais puntahan ng magkasama. Bakit naman ganon, Lord? Siya nalang po ang meron ako, bakit kinuha mo pa?....

“Ha…edi umuwi kadin, ang tagal kong nag hintay sayo dito pero ni-anino mo hindi nagpakita. Kung alam ko lang sana na ito lang pala ang tanging paraan para makita ka, edi sana noon ko pa’to ginawa.” Narinig ko ang boses ng taong inaasahan kong gagawa nito kay Bea. Mukhang galing siya ng banyo nitong kwarto, ngunit hindi na ako nag-abala pang lingunin siya. Nasusuklam akong makita siya, kinahihiya ko rin na siya pa ang naging ama ko.

“Paano mo ito nagawa sa sarili mong pamilya? Una si mama ngayon naman si Bea?! Wala ka na ba talagang puso?!” pagalit kong tanong habang nanatili parin ang mga mata ko sa duguang kamay ng aking kapatid.

“Ang dami pang tanong, kung ako sayo ibigay mo nalang saakin ang pera para makalabas pa kayo ng buhay nitong chix mo.” Hindi ko man siya nakikita ngunit alam kong malagkit na ang tingin niya kay Jasmine ngayon. Akmang sasabat na sana ako nang marining kong sumagot si Jasmine.

“Tigilan moko, Tandang naka droga. Anong brand ba ng katol ang nahithit mo at ganyan ang epekto sayo? Asawa mo, nilason mo. Anak mong babae, ni-rape at pinagbabaril mo din? Hindi ko masabi kong tulak bayan ng katol o sadyang may sapak ka lang sa ulo?” Buong tapang niyang bulyaw sa tatay ko.

“Anong sabi mo? Aba ang lakas mo ding magsalita ng pabalik saakin ah! Sino kaba ha?! Hindi mo ba nakikita tong hawak kong baril?!” doon na ako tuluyang napalingon nang marinig kong may hawak pala siyang baril. “Ano bang pake mo kung pinatay ko nga yung dalawang walang kwenta nayon? Ha, gusto mo bang malaman kung sino ang isusunod ko?...kayong dalawa!” singhal niya habang dinuduro-duro ng baril si Jasmine. Ngunit hindi man lang kumurap si Jasmine na animo’y walang takot.

“Kung walang kwenta ang asawa at anak mo…Sige, sabihin mo saakin saakin kung ano ba talagang kwenta mo dito sa mundo?” walang emosyon na sambit ni Jas, kalmado lang siya pero yung awra niya napakadilim. Kung ako lang siguro yung kasagutan niya ngayon, kanina pa ako lumuhod. Bigla namang nanahimik si papa at napatitig nalang kay Jasmine. “Stupid.” Usal ni Jasmine pagkaraan.

“Teka, bakit ka nga ba nangingi-alam eh problema pamilya to?”

“Gusto ko sanang ipahula sayo kung bakit, kaso naalala ko bobo ka nga pala, kaya wag nalang.” Asar ni Jas sa kaniya. “Kaibigan ko si Bubble, kaya natural lang na dapat ko siyang tulungan sa mga problema niya.”

“Ganon? Haha, mayaman kaba?” nakangising tanong ni papa.

“Papa!” sigaw ko.

“Magkano ba kailangan mo?” seryosong utas ni Jas, mas lalo namang lumawak ang ngisi ni papa, sabayan pa ito ng pagliliwanag nang kaniyang mukha.

“Limang Milyon. HAHAHA joke lang, as if naman meron ka talaga nun.”

“Sampung milyon. May isa lang akong kondisyon, kalimutan mo na si Bubble at huwag na huwag mo na siyang guguluhin. Kapag hindi ka tumupad, ako mismo ang pupugot sa ulo mo.” Walang halong biro niyang saad. Animo nakikipag deal lang si Jasmine sa isang normal na tao, inoffer rin niya anh pera na parang piso lamang ang halaga nito.

“Ohh…kaya mo ba talaga ako bigyan ng sampung milyon? HAHAHA kung ayan lang naman pala ang kondisyon mo, edi papayag na ako. Easy.” Ibinaba ni papa ang baril saka lumapit kay Jasmine at inabot ang isa niyang kamay. Kinamayan naman siya pabalik ni Jasmine. “Sumunod ka saakin.” Utos niya saka nagpaunang lumabas ng kwarto.

“Jasmine! Saglit.” Mabilis kong pinigilan si Jasmine sa pagsunod sa kaniya. “Hindi ka naman seryoso sa sinasabi mo diba? Masiyadong malaki yung 10 million! As in! Kahit buong buhay ko atang mag trabaho hindi kita mababayaran nun eh!”

“Hoy, Baboy. Nilalason mo ba ang isip niya? Ayaw mo bang tantanan na kita at iyong-iyo nayang pamana mo?” muli siyang lumapit saamin ni Jasmine at muling tinutok ang baril, but this time saakin na iyon naka tutok.

“Ibaba mo ang baril mo, sasama naman ako sayo.” Untag ni Jas. “Bubble, para naman sayo tong gagawin ko eh kaya makisama ka nalang. Ikaw nang bahala sa kapatid mo, susundan ko lang siya.” Sabi niya pa saakin. Napa-iling naman ako ng ilang ulit.

“Hindi! Ko hahayaan na gawin mo yan, ano lang sasabihin ng pamilya mo ha? Please, Jasmine. Huwag mo siyang susundin.” Pagmamakaawa ko. “Ako. Ibibigay ko nalang sa kaniya yung mga pera ko, ako nang bahala, Jas. Kaya hindi mo na kailangang gawin to.”

“At sa palagay mo ba tatanggapin ko pa yang pera mo? Eh alam ko namang kulang-kulang na yan, kaya dito nalang ako sa kaibigan mo. Mabuti pa, ilibing mo yang kapatid mo bago pa ako maubusan ng pasensya sayo—” naputol ang sasabihin niya nang may marinig kaming sirena ng mga pulis. Bigla siyang napaatras palayo nang maintindihan kung anong ibig sabihin nito.

Naramdaman ako namang hinaplos ni Jasmine ang mga kamay ko na nakakapit sa mga braso, tumingin ako sa kaniya at nakita ko siyang naka ngiti ng matamis saakin bago niya lingunin muli ang papa ko.

“Wala ka nang kawala kaya kung ako sayo sumuko kana, ay nga pala, naka-record din mula pa kanina yung mga conversation natin…” ngumisi ng mala-demonyo si Jasmine matapos niyang isalaysay iyon.

“A-ano? Anong ibig sabihin nito?! Akala ko ba may deal na tayo!” naguguluhang tanong ni papa.

Uno Class (Season 1)Where stories live. Discover now