R I N X A N A X
Anong iksena to??? Si Jajas at Heaven magkapatid?? How??
“Bakit….bakit ngayon niyo lang to sinasabi?! Bakit ngayon lang?!” napatayo na si Jasmine habang nagsisigaw, hindi ko mabasa ang ekspresyon niya, hindi ko tuloy masabi kung nagagalit ba siya or gulat lang eh. “Hindi ako naniniwala sa inyo! Pinaprank niyo lang ako eh, nasan yung camera? Kayo talaga mom….kailan pa kayo naging vlogger huh?” bigla siyang kumalma at ngayon ay nangingiti na, nilibot niya pa ang kaniyang paningin upang mahanap ang camera kuno.
“Its true, Jasmine. You’re my sister. Nung pinuntahan ako nila dad dati sinabi nila saakin ang tungkol sayo, nag antay ako ng ilang taon para hanapin ka.” Nagsalita na si Heaven, pinantayan rin niya ang tingin ni Jasmine para mapatunayan ang kaniyang sinasabi. Ilang segundong nanatiling tahimik si Jas at nakatitig lang din kay Heaven hanggang sa tumawa ito ng malakas.
“HAHAHAHAHAHHAHAHAHAHAHAHA” tumatawa siya na parang isang baliw, napapayuko pa siya habang tumatawa at napapahawak sa tiyan. Habang tumawa siya ay nanatili lamang kaming nanonood sa kaniya. Maya-maya pa ay unti-unting humina ang kaniya pagtawa…until it was replaced by a faint sob.
Kitang-kita ko ang bawat butil ng luha na pumapatak mula sa kaniyang mga mata, nanatili siyang nakatayo ngunit ang kaniyang ulo ay nakayuko, nakakuyom din ang kaniyang mga kamao tila ba may hinahawakan itong litid na hindi maaaring maputol.
“Jas….” Usal ko. Hindi parin siya tumitigil sa pag iyak, wala ring kahit ano mang salita ang lumalabas sa kaniyang bibig.
“Sorry anak, sorry kung ngayon lang namin sinabi sayo ang tungkol dito. Sorry kung inantay pa naming dumating siya bago sabihin sayo ang lahat….” Pagpapaumanhin ni Tita, basang-basa narin ang kaniyang mukha mula sa pag-iyak, si tito naman ay tanging pag-alo lang ang nagawa.
“I-I’ve been hurt so much before….so much, Mom. And I can’t hold on you because I know you’re in the abyss too. I cant lean on anything because when I lean on you, you will feel even heavier. I feel like I was alone then…I was alone…” mas lalong lumakas ang hikbi niya hanggang sa naging hagulgol na ito.
“Jasmine, anak…”
“Bakit…B-bakit ngayon ka lang? Bakit hindi pa noon kung kailan kailangan na kailangan kita?! Bakit ngayon pa kung kailan natutunan ko nang pagalingin ang sarili ko?!” She bursted.
‘Im not her, but I can feel her pain….’
“Im sorry, Jasmine. Sorry kung ngayon lang ako…. Sorry kung wala si kuya nung mga panahong yun, hindi na ako aalis sa tabi mo, baby.” Hinapit ni Heaven si Jasmine palapit sa kaniyang mga braso at niyapos ito ng mahigpit. “I’ll make it up to you and we will never be apart again. I promise, baby” mas lalong ibinaon ni Jasmine ang kaniyang mukha sa leeg ni Heaven at niyakap rin ito pabalik ng mahigpit.
Halatang-halata na sabik na sabik si Jasmine sa aruga ng kapatid, halos ayaw na rin niya itong pakawalan mula sa pagkakayakap. Sana mahanap mo na ang kasiyahan ngayon, Jajas… ngayon lang din kita nakitang umiyak ng ganyan, sobrang dami mo na sigurong inipon.
- - - -
Makalipas ng matinding revelation, balik na ulit kami sa gawi ni Jas. Gumayak kaming tatlo pabalik ng garden, ang mga parents naman nila ay nagpahinga muna. Syempre matindi din yung iniyak ni tita kanina.
“Jasmine, paano mo sasabihin sa iba nating mga kaklase to?” tanong ko nang sa wakas ay maka balik na kami sa kung saan namin iniwanan ang mga gamit kanina.
“Hindi ko muna ipapa-alam sa kanila, lalo na’t wala pa akong kasiguraduhan sa kalalabasan ng plano ko, sana ayos lang sayo Heav—I mean kuya” sagot ni Jasmine.
“Im okay of your every decisions, by the way, its sweet to hear when you call me kuya.” Ani Heaven sabay ngiti.
“Buti nga hindi ako nagka-gusto sayo nung una nating magkita eh” sabi naman ni Jas. Napatawa naman kami dahil don.
“Hmm…” nilibot niya ang mga mata sa mga papeles na nakalatag sa lamesa. “Do you mind If I ask, what’s this all about?” ilang segundo na ang nakalipas ngunit wala paring nagsasalita saamin ni Jas, siguro natatakot siya magpaliwanag, ako naman ayaw ko lang sumagot dahil sa feeling ko si Jasmine dapat talaga. Baka mamaya may mali pa akong masabi.
“We are….making plans.” Sa wakas ay sinagot narin ni Jas, parang hindi rin niya matingnan sa mga mata ang kuya niya.
“For what?” katahimikan na naman ang namayani. “You can trust me, im your brother, right? You trust Rin but not me….” Binulong nalang niya ang huling mga kataga.
“Alright. Imma tell you everything….” Doon na nagsimula ang mahabang diskusyon nilang magkapatid, naka tulog na nga ako dahil sa haba eh, wish ko lang na sana makapag plano na kami bago pa maka punta dito sila Gab dahil mawawalan na talaga kami ng chance. “Rin…Rin gising.” Napamulat ako ng mga mata nang may maramdaman akong yumuyugyog saakin.
“Oh? Are you both done?” tanong ko habang kinukusot ang mga mata.
“We’re done.” Si Heaven ang sumagot, napansin ko ang kakaibang awra kay Heaven pero hindi ko lang masabi kung dahil lang ba to sa pagtulog ko o talagang naapektuhan siya ng mga sinabi ni Jasmine kanina? Nangunoot ang noo ko sa sinagot niya saakin.
“Naka buo na kami ng plano.” Nakangiting sambit ni Jasmine.
“What?! Agad-agad? Natulog lang ako tas pag-gising ko may nagawa na agad kayong plano?” iba talaga kapag pinagsama mo ang dalawang naglalakihang utak. “So what is it?” nagtinginan muna ang dalawa bago ako sagutin.
“Kuya, ikaw na bahala. May tatawagan lang ako.” Paalam ni Jasmine saka kami iniwanan ni Heaven.
“Teka muna, bago ka magpaliwanag sagutin mo muna tong tanong ko.” Ani ko.
“Shoot.”
“Sasali ka din ba samin or tumutulong kalang sa pagplano?”
“I’ll participate. I want to kill that Mayor too…” mahinang usal niya sabay ayos ng salamin.
“Okay…”
“Pwede na ba akong mag explain?” nahihiya niyang tanong, bumalik nanaman siya sa pagka mahiyain. Sinenyasan ko naman siya maaari na. “Ang sabi ni Jasmine nahihirapan daw kayo sa programs kaya naisipan kong ako na ang bahala don. I’ll hack their systems for double purpose, first for you. Kapag hindi nila alam ang ginagawa mo, magiging smooth ang pagtatanim mo ng bomba. Second, para sa kanila, kapag maykakaibang mangyayari sa mga monitor nila siguradong tatawag sila ng mag aayos nito, doon na papasok ang role ng isa pa nating makakasama.”
“Eh? Sino naman yun?” gulat na may halong pagtatakha kong tanong.
“Dunno. Si Jasmine na daw bahala eh. Anyway, balik na tayo sa topic. So secured na ang mga CCTV cameras, ngayon naman ang tanong ay kung paano maipapasok ang dadalhin niyong armas at bomba. Namataan ko na gumagamit sila ng scanner para ma-detect kung may dala kang patalim or guns. At dahil sa walang akong magagawa sa mga scanner nila, gumawa nalang din ako ng kakaiba para maprevent ang detection. I-pro-program ko ang mga cellphone na gagamitin niyo, then all you have to do is itapat iyon sa scanner, then parang na-hack ko nadin yun dahil wala na silang madedetect sa inyo. Pwera na ngalang kung kakapkapan pa kayo….”
“Woah….paano nalang ang gagawin namin kapag wala ka, kanina muntik ng ma mental breakdown si Jasmine dahil sa hindi niya alam kung anong gagawin sa mga systems ng Kingdom.” Komento ko habang manghang-mangha sa kaniya. Hindi naman niya naiwasang pamulahan ng mukha kaya sinubukan nalang niyang iba ang topic.
“May kukuhanan na ba kayo ng mga baril?”
“Oo naman. Naka handa na yung mga yun, kami nalang ang inaantay.”
“Hmm. Okay…”
“Wala ka na bang iba pang kailangan ipaliwanag?”
“Oh right! Meron pa nga pala, its about the ending. Ang sabi ni Jasmine hindi ko na daw kailangan pang sumunod sa inyo papasok, bale ako lang ang mag ga-guide sa inyo kung may makakasalubong ba kayo or kung saan kayo dapat pumunta para maka iwas. Magpapalipad din ako ng drones para kahit papaano maka bawas sa mga bantay. So, as I was saying, I’ll just stay at the Van. Tapos pagtapos kana sa pagiiwan ng mga bomba didiretso kana sa kung saan naka parada ang Van.”
“How about Jas?”
“Syempre mauuna kang matapos sa kaniya kaya maiiwan muna siya sa loob, pero kasama naman daw niya yung tinutukoy niya pang isa. Siya na daw ang tatapos kay Yorme.”
“Paano kung sasabog na yung bomba hindi parin sila nakakalabas?”
“Yun ang dapat na hindi mangyari….pero may tiwala naman ako sa kaniya, matalino siya at malakas kaya sigurado akong makakalabas sila don sa tamang oras.” Puno ng sinseridad niyang salaysay.
J A S M I N E J A S E
Pagka layo ko sa kanila agad ko ng dinayal ang numero ng unang taong nais kong tawagan. Hindi din nagtagal ay sinagot niya na ito.
“Hello?”
“Hi, its been a while…”
“Arrow? Is that really you?”
“Im glad you didn’t forgot me.”
“Ola mama, wait lang ha. –ahh~~ why’re are you pulling it out?~~--” nanlaki ang mga mata ko ng automatic na na-gets ko kung anong ganap niya sa kabilang linya.
“Wrong timing ata ang pag tawag ko…”
“No, kami ang wrong timing. Hindi ko dapat ginawa to ngayon. Nga pala, so bakit ka napatawag?”
“I need a favor….” Kinakabahan kong usal, baka kasi kabalikataran sa gusto ko ang mangyari.
“What is it?”
“Wanna kill Mayor. Castaldad?” after kong sabihin yun ay nagkaroon ng katahimikan sa pagitan naming dalawa. “Uhm, are you still there?”
“Y-yeah…nagulat lang ako sa sinabi mo.”
‘Oh my gee, kinakabahan ako…..’
“So, anong masasabi mo?” hindi ko na mapigilan ang pag ngat-ngat ko sa aking kuko dala ng kaba.
“Yes, sure. Why not?” lumundag ang puso ko ng marinig ko na ang sagot niya.
“Really? No joke?”
“Uh-huh. Really-really…email mo nalang sakin yung iba pang details” he sounds so sure, Gahhh!! Perfect!.
“Alright! Thanks in advance, Shark. See yah!” okay! Its time for the next person. Nag dial ulit ako ng numbers at tinawagan ito, hindi pa man din nakakadalawang ring ay nasagot na ito. “Im gonna make kingdom a hell.” Walang paligoy-ligoy kong sabi.
“Hmm, okay? What do you want me to do?”
“Evacuate the others bago ang pagsabog.”
“Noted. Anything else?”
“Wala na. Yun lang, send ko na lang sayo yung plano para alam mo. Thanks. Mukhang hindi din ito ang pinapangarap mong perfect crime.”
“Its okay, madami pa namang ibang pagkakataon.” Yeah right….
- - - -
“Jasmine, baka mapunit na yang bibig mo kaka ngiti?” Rin aniya.
Sa sobrang pagka-excite ko ay hindi ko na namamalayan na kanina pa pala ako naka ngiti. Sobrang ganda din ng araw na to, napaka daming magagandang pangyayari ang naganap. Mukhang pinapanigan ako ng kalangitan ngayon.
“Bakit ba? Eh sa masaya ako, mabuti alamin mo nalang kung anong eksaktong oras makakarating sila Ikle.”
“Alright, Alright….sabi ko nga yun yung gagawin ko eh.” Saad pabalik ni Rin.
“Jasmine…”
“Oh kuya?” mas lalong lumapad ang ngiti ko ng makita ko si ‘kuya Heaven’ akalain mo yun, magkapatid pala kami. Polar opposite naman kasi kami kaya mukhang malabo talaga.
“Anong plano mo sa kanila?” patukoy niya sa iba pa naming mga kaklase.
“Ayokong madamay sila dito, masiyado silang mababait para mahulog sa impyerno kasama ko” malungkot na ngumiti ako.
“Who said you’re going to hell?”
“Me. Isn’t it obvious? Napakalaking kasalanan nitong gagawin ko, hindi ko alam kung mapapatawad paba ako ni Lord.”
“Ibinuwis nga niya ang buhay niya para sa mga kasalanan natin eh—”
“Kuya….”
“Okay, I’ll stop. Sorry…” napayuko na lang siya habang humihingi ng tawad.
“You don’t have to say sorry, wala kang nagawa or nasabing mali. Nagulat pa nga ako kasi, mukhang madami kang alam tungkol sa bible.”
“Hmm, stress reliever ko ang pag babasa ng bible.”
“That’s good to hear….” Tatango-tango kong usal. Tuloy ngayon parang pinagsisisihan kong isali pa siya sa gagawin ko.
“Jajas, padating na daw pala sila.” Sambit ni Rin habang naka sulyap sa kaniyang cellphone.
“Oh? Teka hindi pa naka handa yung mga pagkain, sabihan ko lang sila ah” sabi ko sabay takbo papuntang kusina.
“Iiwanan mo nanaman ako kay Heaven?!” pahabol na sigaw ni Rin. HIHIHI.
- - - -
Makalipas ang ilang oras.
Kasama ko ngayon si Gabrielle habang nandirito sa balcony nagpapahangin. Tahimik lamang kami at tila nagpapakiramdaman sa isa’t-isa.
“Gab—” magsasalita na sana ako para maputol ang katahimikang bumabalot saamin ng ako naman ang pinutol niya sa pagsasalita.
“Here.” Inabot niya saakin ang isang katamtamang laki ng box at nababalot ito ng puro pink.
“What’s this?” takha kong tanong.
“My gift.”
“Bakit ngayon mo lang binigay?”
“Kanina ko lang nakuha eh, tyaka hindi naman pwedeng ipasok yan sa hotel.”
“Ano laman nito?”
“Buksan mo para malaman mo.”
Heh.
Binuksan ko nalang din ang box gaya ng sinabi niya, unang bumungad saakin ay ang pink din na mga cotton-cotton-kemerut. Natatakpan nito ang mismong regalo kaya hindi ko pa matukoy kung ano ba.
“Pink talaga huh?” komento ko. Nang maaisantabi ko na ang mga kemerut doon ko lang nakita kung anong regalo niya. “Baril? Anak ka ng mama mo, sa lahat ng pwede mong ibigay baril pa talaga? HAHAHAHA unique.” Natatawa kong sabi.
“You didn’t like it?” parang kinakabahan niyang tanong.
“I love it. Thanks Gab…” but I don’t think tama tong regalo mo….baka sa susunod na araw gamitin ko nato sa paraang hindi mo magugustuhan.
‘Glock 19 in pink-camo….’
YOU ARE READING
Uno Class (Season 1)
Teen FictionUno Class is a bunch of students with incredibly talents, high IQ, bravery and etc. But there's somethings that they're lack of...TRUST 'Jasmine Jase Mendez' is their class president, they treated her as if she were family and friend, but what they...