(KABANATA 5)

25 2 0
                                    

(Crush)---this is just an extra)

J A S M I N E

"Diba ang gwapo ni Sir? Hi hi hi. Sana maging lecturer natin siya" Kinikilig na sabi ni Kath. Nandito na kami ngayon sa Cafe na sinasabi ko kanina, napagdesisyonan kasi namin na dito na nga kumain.

"Tss, mas lamang lang si Sir ng isang linggong paligo saakin... " Bulong ni Augusthos habang kumakain,

"Hindi lang isang linggong paligo ang lamang ni Sir sayo Nuh, ni Hindi ka nga naliligo eh" Bulyaw naman sa kaniya ni Kath. Katabi ko sa kaliwa si Augusthos at katapat niyang kumakain si Kath, sa kanan ko naman ay Peridot na tahimik lang at katapat niya si Gab na parang walang gana kumain. Si Kenjan naman ang katapat ko, at ang ibang Angels ay nasa kahiwalay na lamesa.

"Grabi ka naman, Hindi mo ba talaga maapreciate ang kagwapuhan ko?" Tanong ni Augusthos sabay pout.

"Katakawan oo" Sambit pa ni Kath sabay Irap.

"Pasalamat ka crush kita... " Bulong ni Augusthos na mukhang ako lang ang naka rinig, at dahil doon ay nabilaukan pa ako ng kinakain ko. Hindi ko kasi ine-expect na lalabas mismo sa bibig niya yun.

"Jasmine! Tubig! Bigyan niyo!" Hindi mag kanda ugaga si Kath sa pag sigaw, habang si Augusthos naman ay todo hampas sa likod ko.

"A--aray!" Daing ko dahil sa pag hampas ni Augusthos.

"Woy! Balak mo atang baliin spinal cord niya eh" Singhal sa kaniya ni Peridot.

"Ito, Jasmine. Tubig" Abot saakin ni Gab, saka ininom ko naman agad iyon.

"Anong nangyari?" Pati ang ibang co-angels ay lumapit na rin saamin.

"Nabilaukan... " Sagot ni Peridot.

"Ang takaw kasi... " Bulyaw saakin ni Augusthos.

"Hindi uy! Kung Hindi ka kasi sana nag sabi ng--anahsiqjshsisj" Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko dahil sa mabilis na pag takip niya sa bibig ko.

"Hehehe, okay naman na si Jasmine, pwede na ulit kayong bumalik sa pagkain niyo" Aniya habang Hindi parin inaalis ang kamay niya sa bibig ko.

"S-sige... " Nang maka alis na sila, saka pa lamang niya inalis ang kamay.

"What the hell?" Taas kilay kong tanong.

"Woah! Sasabihin mo kasi sa kanila yung narinig mo eh, pwedeng secret nalang natin yun?" Pag mamakaawa niya na parang bata.

"Ano yung sinabi niya?" Seryoso paring tanong ni Gab.

"Oo nga, bakit ayaw mo ipaalam sa iba?" Dagdag pa ni Peridot.

"Sige, ganyanan ha... " Pag paparinig ni Ikle na para pang nag tatampo.

"Hala... Siya kasi, tyaka bawal ko sabihin. Dapat siya ang mag sasabi nun" Paliwanag ko.

"Sabihin mo na kasi, August" Pilit sa kaniya ni Ikle. Todo tanggi si Augusthos at halata na din ang pamumula ng mukha niya, habang busy silang dalawa itinakas ko na muna ang sarili ko. Tumungo akong Restroom dahil nawi-wiwi na ako.

J O H N C Z E L L E

Kanina pa ako naiirita sa lalaking kaharap ko ngayon.

"Hindi mo ba talaga ako titigilan?" Asar na tanong ko sa kaniya.

"Hindi, hanggat Hindi ka nagiging akin" Pilyong sagot niya habang may matamis na ngiti sa labi.

Sa totoo lang, gwapo naman talaga siya kaso nga lang ayaw ko sa ugali niya. Playboy.

"Pwes, maghintay ka sa wala!" Singhal ko sa kaniya

"Grabi ha... Alam mo, dapat Hindi ka nag sasalita ng tapos. Malay mo, tayo pala talaga mag ka tuluyan sa huli"

"Alam mo, nakakadiri ka" Aniko sabay irap. Napa ayos naman ako ng sarili ng masulyapan ko siya na palapit na.

'Buti pa tong isang to... Chill lang'

"Heaven, tapos kana kumain?" Nakangiti kong tanong sa kaniya nang maka upo na ulit siya sa tabi ko.

"Oo... " Mahinang sagot niya.

"Teka, aalis kana agad?" Tanong ko ng makita ko siyang inayos na ang mga gamit niya.

"Oo, babalik na akong Building... My kailangan pa akong gawin eh"

"A-ah, ako din pala. Tara sabay nalang tayo" Tinanguan naman niya ako bilang pag sang ayon.

"Shila, iiwan moko?" Napabaling ang tingin ko sa naka simangot na si Lian.

"Hehe diba sabi mo kakain ka pa? Sige kumain na muna diyan. Sabay ka nalang sa iba nating co-angels natin"

"Ha? Ayaw ko, gusto ko sabay tayo. Hayaan mo nalang siya mag isa bumalik sa building" Pag pupumilit niya.

'Ayaw ko nga'

"Hay na ko, Lian. Nag papabebe kana naman. Tara na nga Heaven" Aya ko kay Heaven na tahimik lang habang pinapanood kami.

'Tss, kahit kelan talaga yun si Lian... '

K A T H E R I N E

"Tara samahan mo nalang ako, tutal ayaw mo naman sabihin saakin kung anong sinabi mo kay Jasmine" Aniko sa kaniya.

"Psh, saka kona sasabihin sayo yun" Sagot niya habang naka sunod na rin saakin palabas ng cafe.

"Kelan?"

"Pag... Handa na ako?"

"Nubayan, ang weird mo naman"

"Gwapo naman... " Napa arko ang kilay ko dahil sa sinabi niya. Siya naman ay tinawanan ang mukha ko.

'Hays, ang sarap talaga sa tenga ng tawa niya... '

"Hey, watch out!" Nagulat ako ng bigla niya akong hilain palapit sa kaniya, sa sobrang lapit para na siyang naka yakap saakin. Nag taka naman ako kung bakit niya ginawa yun, yun pala muntik ng may maka bangga saakin na mga seniors.

Pero unfairness, ang bango niya ha...

"Ayos ka lang? " Nag aalalang tanong niya habang naka tingin ng diretso sa mga mata ko. Dahil sa sobrang lapit parin namin sa isa't-isa, lumayo ako ng konti sa kaniya. Nakaka-ilang kasi, tyaka baka marinig niya yung malakas na pag pintig ng puso ko...

"O-oo. Tara na..." Mabilis akong tumalikod sa kaniya at saka ko hinapo ang mga nag iinit kong pisngi.

------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

⠀      🌷🌸🌷🌸
         🌸🌷🌸🌷🌸
       Λ🌷🌸🌷🌸🌷 This is the last chapter for a something 'like this'
      ( ˘ ᵕ ˘🌷🌸🌷  For more next chapters, I'm just gonna add a little bit of
       ヽ  つ\     /   Kilig moments....
          UU   / 🎀 \

Uno Class (Season 1)Where stories live. Discover now