(KABANATA 23)

22 1 0
                                    

J O H N C Z E L L E

Hindi ko maitatanggi na magagaling talaga ang mga iba pang contestants, pero syempre hindi kami tatalaban nun. Iilan na ang mga nagperform at ngayon naman ay ang 'JEJEBUSTERS' wengya, kung sino man naka isip ng pangalan nayan salamat nalang sa lahat.

Samo't sari ang mga naging reaksyon ng audience ng tumapak na sila sa stage, may mga nag titilian, may mga pumapalakpak na agad kahit hindi pa nga nagsisimula, at meron ding mga natatawa habang pinag bubulungan ang name ng group (JEJEBUSTERS).

Imbis na pag aksayahan ko pa iyon ng pansin ay mas pinili ko nalang na manood sa inihanda ng dance troupe namin, kahit naka tira kami sa iisang bubong hindi naman namin napanood ang mga practice nila, ganon din naman sila saamin kaya wala talaga kaming ideya sa isa't-isa.

Maliban nalang kay Jasmine, balita ko kasi napanood na niya isang beses yung practice nila. Pero wala namang ibang sinabi saamin si Jasmine tungkol don.

Nang mag simula ang tugtog mas lalong lumakas ang hiyawan ng mga kababaihang nakikinood, halos mapatakio tuloy ako sa tainga.

"Akalain mo nga naman, lalaking-lalaki pala sumayaw tong si Andrea. Ang galing oh" Komento ni Lian habang manghang-mangha sa pag hataw nila.

"They're good" Dagdag pa ni Gab na sinamahan pa ng pagtango ng ulo.

"Cool." Maikling komento naman ni Heaven habang naka tuon din ang buong atensyon sa stage.

Nang dumating na ang kalagitnaan ng kanilang pagpeperform, hindi inaasahang mag papasabog sila ng hotness ng sabay-sabay nilang iangat ang mga damit nila. Halos yumanig tuloy ang lugar.

"Aish. Sakit sa tenga" Reklamo ko. Nagulat naman ako ng may maramdaman akong kamay na nag takip sa tainga ko, nang lingunin ko iyon ay si Lian lang pala na abot tenga pa ang ngiti saakin. "What u doin?" Tanong ko.

"Naiingayan ka diba? Kaya ayan tinatakpan ko na tenga mo" Aniya habang pansamantalang inalis muna ang kamay niya para marinig ko siya, at binalik ulit ng matapos na siya sa pag aasalita.

"Weird. By the way, Im okay now you can get your hands off na"

"Okay...." Bulong niya saka napatawa ng mahina.

"Anong nakaka tawa Macollo?" Mataray kong tanong.

"Wooo, this is the first time you call me by my second name" Gulat at may pagka mangha niyang sambit.

"So what?"

"Nothing. Its just makes my heart fluttered"

This man....

Bago pa ako makapag salita ulit ay narinig na namin ang palakpakan ng madla kaya ng tingnan ulit namin sila Peridot, tapos na pala sila.

"Kasalanan mo to Lian eh, hindi ko tuloy natapos yung sayaw nila" Reklamo ko.

"Ayos lang yun, atleast tayo na" Napuno naman ako ng pagtataka sa inusal niya.

"What?! Anong pinag sasabi mong tayo na?! Kailan pa ha?! Bakit hindi naman ako na-inform na may boyfriend na pala ako?!" Sunod-sunod kong tanong sa kaniya.

"Johnczelle, mali ka ata ng pagkakain--" Naputol ang sasabihin ni Lian ng sumingit bigla si Jasmine.

"Kayo na?! Hindi nga?! Ibig sabihin may couple na ang Uno class! Yay!!" Halatang tuwang-tuwa niyang sabi na may pag suntok pa sa hangin na akala mo nanalo sa loto.

"H-hey--" Tinangka ulit mag salita ni Lian pero si Ikle naman ang pumutol sa kaniya.

"Wow! Himala Lian napasagot mo tong si Shila"

Uno Class (Season 1)Where stories live. Discover now