(KABANATA 45)

11 0 0
                                    

J A S M I N E



Matapos namin ni Kingsley ay si Lian naman ang sumunod.

Ang impakto may pa-kaway-kaway pang nalalaman sa mga guests at pati narin sa parents ko, akala mo kakandidato bilang mayor eh. Ang sarap batukan, char. Baka masampal ako ni Shila.

“Ang ganda naman...” puri niya matapos kong abutin ang bulaklak na binigay niya.

“Salama—” hindi pa ako tapos sa pagsasalita ng sumingit na siya.

“Pero mas maganda parin si Shila para saakin.” Usal niya sabay kindat sa gawi ni Shila na inirapan naman ni siya bilang sagot.

“Grabe, head-over-heals kay mareng Johnczelle. Kailan kaya darating yung akin??”

“Darating din yun, pero aalis din agad pagnakita ka, ang sakit mo daw kasi sa mata.” Asar niya.

“Ulol, mukha kang kalabasa na tinubuan ng konting mukha tas nasipa pa ng kabayo, tapos pagakatapos kang masipa nadaganan ka naman ng elepanteng nanganganak, tapos namatay ka, pero na-reincarnate ka ulit bilang isa sa mga anak ng elepante, tas kinain ka naman ng elepanteng nag anak sayo. Sige ano palag ka??” pang-aasar ko din sa kaniya.

“HAHAHAHAHHAHHAHHAHAHHAHAHAHAHAHA” he burst out laughter. Tumigil kami sa pagsasayaw at tumawa nalang ng tumawa, hindi na nga kami magka-intindihan. Yung iba naman ay nakatingin lang samin, hindi sila maka-relate kasi hindi naman nila narinig yung mga sinabi ko. Poor them. “HAHAHHAHA GRABE PARANG NAKIKIPAG LABAN KA NG FLIPTOP, ANG SAKIT NA NG TIYAN KO, ARAY” salita niya habang nagpipigil ng tawa.

Ako naman ay napapunas nalang ng luhang nagsilabasan dahil sa kakatawa, hindi nga ako umiyak kanina, umiyak naman ako ngayon dahil sa mokong na to. Plus ang sakit na din ng tiyan ko, hindi na tuloy kami naka sayaw ng matino.

“Ikaw kasi eh….HAHAHAHA”

“Anong ako? HAHAHA isa panga.” Aniya.

“Mamaya, tapos kana hoy. Si Jamir naman, hindi tuloy tayo naka sayaw.”

“Ay, sige sige, mamaya ah”

“Oo.” Uminom muna ako ng tubig dahil sa napagod ako kakatawa. Nang magbalik ay wala nadin kaming gaanong pinag usapan na ni Jamir dahil nga sa nag usap narin naman kami kanina, tyaka hindi rin daw siya komportable at alam niyo naman na girlalu. Syempre mas gusto niya yung role ko.

Ilan pang kalalakihan ang isinayaw ko pagtapos nila Jamir, Carlie, Andrea, at Bubble. Kabilang na roon yung fiance ko kuno dati. Ngayon ay dalawa nalang ang natitira ko pang kailangan isayaw.

“Hi..” ramdam ko ang pag iinit ng pisngi ko ng batiin ako ni Sir Night at ibigay niya saakin ang rose niya, sheeesshhh. Ibang level din ang gwapo ni Sir ngayon, talagang tine-test ni Lord ang loyalty ko.

“Sir, buti naman po nakapunta kayo.” Patukoy ko hindi lang sa kaniya kundi maging kay Mrs. Flores na naririto rin.

“Aba syempre, malay mo ito na ang huli nating pagkikita…maliban nalang kung babalik ka pa ng HOWU” saad niya habang sinasayaw ako ng swabe. Sheeessh.

“Well, no comment.” Natatawa kong sagot.

“Wew, nga pala paano mo nagagawa yan?” tanong niya na hindi ko lubos naintindihan.

“Ang alin, Sir?” tanong ko pabalik.

“Yan, yung maganda ka na nga tapos may igaganda ka pa pala. May itotodo pa bayan?” nanlaki ang mata ko at napa iwas nalang ng tingin, pinilit ko rin ang sarili na huwag mangiti dahil baka isipin niya na kinikilig ako sa mga sinabi, sorry siya pero hindi. Hindi imposible.

“Serr naman, walang ganyanan ahihihi. Hindi naman ako maganda eh, pinilit ko pa nga yung mga kaibigan ko para sabihin lang nila na maganda ako….”

“Baka nahihiya lang sila mag sabi kaya ganon.”

“Tologo bo sorr?? Megende telege eke??”

“HAHAHHA oonga, pero maiba ako tutal hindi narin tayo magtatagal, baka wala na akong tyansa na sabihin to sayo mamaya.” Biglang napalitan ng pagkaseryoso ang mukha niya ilang segundo lang ang nakalipas.

“Ano yun?”

“Nakuha ko na yung blue print na inutos mo, may tree house pala ang isa sa mga anak niya hindi kalayuan sa Kingdom. Hindi na iyon nagagamit at wala naring napunta.” Bulong niya.

“Hmm, sinasabi mo bang doon ko gawin ang pagpatay sa kaniya o doon ko lang pwedeng iwan ang katawan?”

“Mas okay kung doon mo narin siya patayin at iwanan nalang dun, para hindi kana mahirapan pang mag lipat ng katawan. Delikado.”

“How about his guards?”

“Hindi na siya nag ba-body guard pagdating sa loob ng Kingdom, pero maraming naka bantay palibot sa Kingdom kaya hindi ka basta-bastang makakalabas lang. Pero don’t worry ako ng bahala don. Mag focus ka lang sa Mayor at pagtapos nun ako na tatrabaho sa lahat.”

“Alright, kakausapin padin si Rin mamaya about this. Pero paano naman namin mapapasok ang mga baril?”

“Yun pa ang pinag aaralan ko, pag nalaman ko na kung paano sasabihan kita agad-agad”

“May dalawang araw pa naman, madami pa akong i-checheck at ihahanda.”

“Okay. Im looking forward for your perfect crime, Jasmine…” iyon ang huling salitang binitawan niya bago niya rin ako bitawan at ipasa kay Gabrielle.

“Anong pinagbubulungan niyo?” nawala ang mga iniisip ko kani-kanina lang dahil sa napalitan na iyon ng isang napaka gwapong nilalang na nag aalay ng bulaklak saakin ngayon.

‘Dapat talaga sa simbahan ang venue eh!!! Mommy bakit naman kasi sa hotel pa?! advance ka masiyado mag isip HEHEHE

“Yan talaga ang ibubungad mo saakin? Hindi ba pwedeng ‘napaka ganda mo naman ngayon’  O ‘Natatakot akong mabulag sa tuwing dadapo ang mga mata ko sa iyo, dahil sa nakakasilaw ang iyong kagandahan, binibini’. Hindi ba pwedeng ganon, Gabriellito??” naaasar kong asik.

“Hindi ka ba makapag antay? Syempre gusto ko munang magtanong, sobrang dikit niyo kaya kanina halatang nag uusap kayo ng pasikreto.”

‘Wow…’

“Wala lang yun, sinabihan lang niya ako ng ang ganda-ganda ko daw ngayon. Tapos tinanong niya lang ako kung may itotodo pa ba?” kibit balikat kong ani.

“Yun lang?” bat ba ang dami niya pang tanong? Sayaw na sayaw na ako eh.

“Ano pa ba gusto mong marinig?”

“Nothing.” Maikli niyang sagot, pagtapos naman nun ay bigla nalang nag iba yung music.

‘Double Take by Dhruv

Wala akong ideya kung bakit ito ang pinatugtog sa turn namin ni Gab pero pag-gawi ko sa Dj ay nakita kong naroroon si Kenjan at Kingsley.

“Hey, Gorgeous. May I dance with you?” bumalik ang tingin ko kay Gabrielle na inaabot ang kaliwang kamay niya saakin habang ang kanang kamay naman ay nakatago sa likod.

‘He look like a Prince...’

Dahan-dahan ko din namang ipinatong ang kamay ko sa kaniya at hinayaan siyang dalhin ito sa mga balikat niya, kinuha din niya ang isa ko pang kamay at ipinatong rin sa kaniyang balikat. Siya naman ay niyakap ang aking bewang at sinimulan na ang pagsasayaw.

Dahil sa iba na ang tugtog, nag iba narin ang ritmo ng aming pagsasayaw. Habang sumasayaw ay nakatutok lamang ang mga mata namin sa isat’isa, masiyado rin kaming magka dikit na pati ang paghinga niya ay dumadampi narin sa aking balat. Konting-konti nalang talaga ay magtatama na ang aming mga ilong, or…..lips.

Sobrang bilis at ang lakas pa ng tibok ng puso ko, nag aalala tuloy ako na baka maramdaman niya aiyon dahil sa sobrang lapit. Paano kung malaman niya na ganito pala ka baliw sa pagtibok ang puso ko sa tuwing siya ang kasama ko? Ano nalang ang sasabihin niya? Baka iwasan niya pa ako pagnalaman niyang gusto ko siya…kasi paano pala kung hindi niya ako gusto?

“You’re so pretty, but why are you spacing out?” napakurap ako ng ilang beses dahil sa nagsalita siya, like sheesh sobrang lapit lang namin at naramdaman ko pa yung mainit at mabango niyang hininga. Parang gusto ko nalang tuloy magpakain sa lupa, baka kasi kapag nagtagal pa ito ay hindi ko na mapigilan ang sarili kong ikiss siya.

“Sinabihan mo ako ng im so pretty pero anong connect nun sa tanong mo? Anyways, may dumaan lang kasi s-sa isip ko….sobrang lapit mo naman ata, baka naamoy mo na yung mabaho kung hininga, unfair yun kasi yung sayo mabango eh, okay lang sana kung same tayong mabango….” Saad ko habang iniiwas palayo ang mukha.

“Hindi naman mabaho eh.”

“Hindi daw, eh kakatapos ko lang kumain ng sandamakmak na lumpia tapos di pa ako nag toothbrush.”

“Sml. Pero sabi mo unfair sayo kasi yung akin mabango pero yung sayo amoy lumpia….” Hinto niya.

“….Oo”

“Then, would you allow me if I make yours smells like mine too?” he asked with a playful grin on his face.

“How—” hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang maramdaman ko nalang ang malalambot niyang labi na lumapat sa akin.

Gawa ng pagkagulat dahil sa hindi inaasahang pangyayari ay hindi ko na nagawang ipikit ang mga mata ko, kaya kahit magkanda-duling-duling na ako ay tumingin parin ako sa kaniya na mariing nakapikit at parang dinadama ng lubos ang kaniyang ginagawa.

Nakatigil kami sa pagsasayaw at kahit na hindi ko nakikita ang ibang nakakapanood saamin ay dama ko naman ang pagtigil ng kanilang paghinga, maging ang mga pagsinghap nila ay alam ko. Hindi lang kayo nag gulat, kaya relate ako.

Tumagal ng halos limang segundo halik na iyon bago siya humiwalay nang hindi parin nabubura ang ngisi niya.

“How about that, my Pretty-brown-eyes?” mapang uyam niyang tanong. “I can’t make it deeper because your parents is watching….maybe next time.” Dagdag niya pa.

Dahil sa nabanggit narin niya ang parents ko….nang lingunin ko sila ay parang pinag bubuhusan sila ng malamig na tubig. Nakatayo lang sila habang bukas ang bibig na nakatitig saamin, hindi pa siguro nag si-sink in sa mga utak nila ang nangyari.

Maging ako ay parang hindi pa rin makapaniwala eh.

“Why did you do that?” tanong ko sa kaniya.

“Because I want to….”

“You…” tila hindi ko na alam ang mga susunod ko pang dapat sabihin dahil sa na-realize ko na hanggang ngayon ay sobrang lapit parin pala namin. Namula nalang tuloy yung mukha ko habang naka titig sa kaniya.

‘Hindi ba talaga ako nananaginip? Hinalikan niya ba talaga ako?’

“Me what?” parang nang-aasar niya pang usal.

“…be sure to make it longer next time.” ‘But then it hits me, there’s no more next time.’ “Hindi na pala ako makakapaghintay pa para sa next time na yun, sorry.”

Kaya bago kami matapos ay hinapit ko ulit ang mukha niya palapit saakin hanggang sa magtama muli ang mga labi namin, alam kong nagulat siya dahil sa ginawa ko ngunit agad ding nakabawi at gumanti ng halik sa akin. Hindi ko na inalala pa ang mga matang nakatutok saamin at mas nag bigay nalang ng konsentrasyon sa bawat paglalim ng aming mga halik.

“Jasmine you know, Im not good at pick-up lines so…can I pick you up instead?” iyon ang unang lumabas sa bibig niya matapos ng aming halikan. Sheeesss uwuu.

‘Aba aba, akala mo ikaw lang huh.’

“Magagalit ba ang Lupang Hinirang kung ang Iniibig Ko Ay Ikaw? Owshiiee” banat ko din sabay pacute.

“Nandito pa kami hoyy!! Respeto naman.” Agad kaming napalingon kay Peridot ng sumigaw siya ng ganon.

“Turuan niyo naman ako ng ganyang banatan, Jasmine at Gab!” sa pagkakataong ito naman ay si Lian ang humiyaw nun.

Ngayon na nagsasalita na sila ng mga ganyan ay tinablan na ako ng kahihiyan, ang iba ding mga bisita ay tinutukso na kami ng ‘ayiee’. Kinabahan din tuloy ako bigla dahil sa pag kami-kami nalang nila mom and dad ang magkakasama siguradong papaulanan nila ako ng mga tanong. Anong sasabihin ko? Tapos hindi pa confirm kung boyfriend ko na nga ba si Gab. Nag kiss lang naman kami eh, yung iba nga diyan nakarating na sa kama pero wala parin palang label. Pero mas malala yung nag a-I-love-you-han pero wala ding label.

Sheeeshh

Hindi naman pwede na sabihin ko lang na trip kong ikiss si Gab, edi nasabunutan na ako ni Mom. Bahala na nga, kasama ko rin naman si Rin mamaya eh.

“I think its time for 18 candles, talk to you later…” paalam ni Gabrielle saka unti-unting humakbang paatras habang hindi parin inaalis ang mga mata saakin.

May sumundo naman saakin para maalalayan ako pabalik sa kinauupuan ko kanina sa stage. Grabe hanggang ngayon sobrang bilis parin ng pintig ng puso ko, feeling ko ikamamatay ko na this. Chour.

So ayon na nga, pagtapos mag announce ng Mc about sa 18 candles ay agad narin itong sinimulan. Syempre kasali na doon ang mga babae kong kaibigan, like Katherine, Mary Jane and Johnczelle. Muntik pa nga akong maiyak sa mga pinag sasabi nila eh, lalo na ng kay Mary Jane. Sobrang sweet kasi. Lahat ng mga positive na pwedeng sabihin tungkol saakin sinabi niya, pinagmalaki din niya kung gaano ako kagaling at kasarap magluto.

Si Johnczelle naman ang kabaliktaran ni Mary Jane, pati yung kasungitan niya dinala niya pa dito, hindi nagpa-awat. Pero diko naman inaasahan yung iba niyang mga sinabi, nagulat lang ako kasi kaya naman pala niyang magsalita ng mga ganon, gaya nalang ng ‘I love you’. Bago kasi siya matapos sa pagsasalita ay sinabihan niya ako nun, hiyang-hiya pa nga siya eh. Pero cute, inggit nanaman si Lian.

Si Katherine naman ang pinaghalo nilang dalawa, siya rin ang may pinaka madaming nasabi. Napuno tuloy ng tawanan ang lugar dahil sa kaniya. Parang nanay din siya kung magsalita saakin, ang dami niya kasing paalala, pero syempre hindi din nawala ang 3 words sa huli.

Uno Class (Season 1)Where stories live. Discover now