J A S M I N E
"Kayninong mga gamit yung nasa kwarto ko? Rin, sayo yun noh?" Tanong ko sa kanila pagkababa ko ng lobby, galing kasi ako ng kwarto ko at may nakita ako dong tatlong malalaking maleta. Akala ko naman para saakin na bigay ng HOWU kaya binuksan ko, tas tumambad sakin yung mga brief, boxer at damit pang lalaki.
"Paano mo naman nasabi na akin yun?" Tanong pabalik ni Rin.
"Nakita ko yung pabangong lagi mong ginagamit, tyaka yung isang kapair ng matching hoodies natin dati nakita ko rin. kaya sabihin mong hindi sayo yun?" Naka pamewang ko aniya.
"Eh kung alam mo na bakit kapa nag tatanong?" Ginaya niya rin ang postura ko ng sabihin niya iyon.
"Aba! Syempre naninigurado. Teka eh bakit mo dun tinambak? Huwag mong sabihin sa kwarto ko ikaw matutulog?"
"Malamang! Wala ng ibang bakante eh. "
"Anong wala! Ang laki laki ng building na to, kahit saan pwede kang matulog. "
"Luh mema. "
"Wait nga muna guys, ang sakit niyo sa tenga. Sigawan kayo ng sigawan" singit ni Shila.
"Ito kasi eh!" Mag kasabay naming sabi ni Rin, sabay ring nag turuan sa isa't-isa. "Anong ako? Ikaw kaya!" Magkasabay ulit naming sabi.
"Hoy, Rin. Inaaway mo ba Jasmine namin?" Saad ni Augusthos sa paraang parang nanghahamon ng away.
Di hamak na mas malaki naman si Rin sa kaniya.
"Oo bakit? Papalag ka? Ha?" Hamon din sa kaniya ni Rin.
Itong dalawang to, kahit ilang araw na ang nakalilipas matapos ang masayang pag paparty namin ay hindi parin sila nag kakasundo. Panigurado ding maslalala pa ngayon na dito narin maninirahan si Rin.
Kakabalik lang namin galing hotel at hanggang ngayon ay sobrang sakit parin ng ulo dahil sa hangove, si Shila may kasalanan nito eh. Paano kasi ang aga-aga, pagtapos na pagtapos namin mag breakfast may dala-dala na agad na alak. Kaya ang katapusan, umaga palang lasing na kami. Lasing nanaman. Potek hindi pa nga ako nag lilegal age eh.
"Panget mo!" singhal sa kaniya ni Augusthos.
"Mas panget ka!" Bulyaw din pabalik ni Rin.
"Woy tumigil na nga din kayong dalawa...." saway ni Bubble.
"Oonga, imbis na mag away kayo, pag usapan nalang natin kung paano natin mapapa layas si Rin dito" nagulat naman kami sa sinabi ni Kingsley. Akala ko matino na sasabihin niya.
"T-the fvck?" Iyan nalang ang naiusal ni Rin.
"Gab, sa palagay mo saan dapat patulugin tong si Rin?" Tanong ni Ikle kay Gab.
"Dapat diyan tinatapon!" Biglang asik ni Peridot saka tumawa ng malakas.
"Ulol!"
"Ahh, sa kwarto ni Peridot siya matutulog..." sagot ni Gab sa tanong ni Ikle kanina.
'Good Idea!'
"What the hell?" --Peridot.
"Fvcking no!" --Rin.
"I agree!" Biglang sabat ko sabay pagtaas ng kanang kamay.
"Ako din!" Pag sang ayon ni Kenjan.
Hanggang lahat na kami ay pumayag maliban syempre sa dalawa.
"Wala namang ganyanan..." bihlang umamo ang mukha at tono ng pananalita ni Peridot dahil sa mga nangyayari.
"Jasmine maawa ka naman, parang walang pinag samahan ah..." pag kaawa ni Rin.
YOU ARE READING
Uno Class (Season 1)
Ficção AdolescenteUno Class is a bunch of students with incredibly talents, high IQ, bravery and etc. But there's somethings that they're lack of...TRUST 'Jasmine Jase Mendez' is their class president, they treated her as if she were family and friend, but what they...
