(KABANATA 8)

24 0 0
                                    

J A S M I N E

"Wazzup guys! Panibagong araw, panibagong katarantaduhan na naman!" Malakas na sabi ko habang may malapad na ngiti sa labi. Lahat sila ay napabaling ang tingin sa akin at natawa.

"Sira ulo... " Singhal ni Peridot.

Tss kahit kailan talaga napaka pasmado ng bunganga nito.

"Good morning, Jasmine" Bati nila saakin.

"Magandang araw din sa inyo"

"Ang ganda ata ng gising mo, ang lapad ng ngiti eh" Puna ni Lian.

"Well, nag kausap kasi kami ng parents ko through video call kagabi bago matulog. Kaya... "

"Hmm, kung ganon mag sikain na tayo. Pero sa Cafe ba tayo kakain ngayon?" Tanong ni Augusthos.

"Sa Cafe na muna, mamayang gabi nalang tayo kumain dito. Si Jasmine ulit mag luluto" Saad ni Bubble

"Sige!" Sagot ko.

"Tutulong na din ako, Jas" Sambit naman ni Mary Jane.

"Ako nadin!" Ikle aniya.

Sabay-sabay kaming lumabas ng supreme building at nag lakad patungong Cafe. Habang nag lalakad ay Hindi namin maiwasang mag katuwaan, Kaya halos lahat ng madadaanan namin ay lumilingon saamin.

"Si Gab oh, grabi ang gwapo niya talaga"

"Si Peridot din!"

"Sayang Hindi na nila kasama si Rin"

"Oo nga eh, pero ayos lang yun. Nandito pa din naman si Rin"

"Hala ang cute nung lalaking naka bonet!"

"Yung blonde ang buhok, sobrang hot"

"Hindi, yung naka brown ang buhok Kaya ang hot"

"May nerd sa Uno class"

"May mataba nga din"

"At may mga bakla pa, naks naman. Ibang klase ang Uno class ngayon"

"Apat lang ang babae sa kanila?"

"Oo nga nuh. Ang suswerte naman nila, ang gugwapo ng mga kasama nila"

"Hala ang ganda nung mata ng isang babae! Nakaka inggit"

"Baka contact lens lang yan"

"Sabagay... "

Ilan lang yan sa mga naririnig naming usapan or lets say bulungan, Hindi ako aware na ganito pala kami kasikat sa buong HOWU. Kung alam ko lang, naku sinayawan ko pa sila ng tiktok.

Uno Class (Season 1)Where stories live. Discover now