Chapter 57: Tambay

5 1 1
                                    

Ethan's P.O.V.

"I need you to know her more. Alam ko na magkaklase kayo pero gusto ko na maging close kayo; Befriend her.", utos niya.

Hindi ako nakasagot. Napuno ng pagdududa ang isip ko. Hindi ko alam kung bakit ko kailangan gawin 'yon. I mean, si Nyla lang naman 'yon. May something ba sa kaniya?

I cleared my throat bago magsalita, "Bakit po ba kailangan gawin 'yon? Pwede ko naman pong tanungin na lang siya.", mungkahi ko kay President.

"I know na kaduda-duda itong pinapagawa ko pero I want you to know that you can't trust anyone. And she won't trust you either.", sagot niya. Bakas sa tono ng pananalita niya ang kumpiyansa na para bang binabasa niya ang utak ko. "Baka naman nahihiya ka makipagkaibigan sa kaniya?", tanong niya. 'Di ko man siya nakikita pero sa palagay ko ay nakangiti niyang sinabi ang mga 'yon.

"Ay hindi naman po.", sabi ko habang tumatawa para takpan ang kaba. Paano niya ba kasi alam na nahihiya ako?

"O sige. Aasahan ko na magiging magkaibigan kayo. Actually, mas maganda kung more than that. If you know what I mean.", sabi niya habang tumatawa in a very deep voice. Creepy if you would ask me.

"Sir naman.", hagikgik ko.

"Just kidding. Ok that's all for today. Kindly tell Charles I'll be meeting him at the end of the class.", utos niya.

"Yes, sir.", sabi ko habang tumatayo mula sa kina-uupuan ko. "Good day po.", at naglakad na ako papunta sa pinto.

Dahil automated ang pinto, hinintay kong bumukas ito. Habang naghihintay ay may narinig akong footsteps across the room.

"Must be the president.", bulong ko sa sarili ko.

Narealize ko kung ano ang binulong ko sa sarili ko at hindi napigilan lumingon. Nang lumingon ako, nakita ko siya na papasok sa isa pang pinto. Nagulat ako dahil lumingon din siya sa 'kin. Sa sandaling nakita ko ang mukha niya, naliwanagan ako.

Sa sobrang pagkagulantang ko ay dali-dali akong lumabas. Pagkalabas ko ay nagmadali akong naglakad paalis ng fourth floor.

"That smile...it can only mean one thing. Maybe that's the reason why...", bulong ko sa sarili ko.

Nang makabalik na ako sa room, tinignan ko nang mabuti si Nyla.

"Hoy baka matunaw.", bati sa 'kin ni Charles habang tinatapik ako sa balikat na siya namang kinagulat ko.

"Charles!", pagkagulat ko habang nanlalaki ang mga mata ko.

"Napano ka? Ayos ka lang? Grabe yung gulat ha.", pagtataka niya.

Huminga ako nang malalim bago magsalita para kumalma.

"Oo naman. Medyo kabado lang dahil sa kape.", pagpapalusot ko.

"Sige sabi mo eh. Kape daw.", nakangisi niyang panguuyam.

"By the way pala, mamaya palang uwian punta ka sa office ni President. Tawag ka.", sabi ko sa kaniya.

Pagkarinig niya ay biglang sumungit ang itsura niya.

"Him again? I'm not even the president of this class bakit kailangan ako yung inuutusan niya? Whatever. I'll try to make him look at me this time.", at biglang nakuha ang atensyon ko sa sinabi niya.

"What!? No!", sagot ko sa kaniya.

"What's with the reaction? Ok ka lang ba talaga?", nagtataka niyang tanong.

"Ay hehe. Yeah I'm ok. It's just the caffeine.", nahihiya kong sinagot.

I should warn myself not to act hysterical.

Stars of the SchoolWhere stories live. Discover now