???'s P.O.V.
"So, nagawa mo ba 'yong inuutos ko?", tanong niya sa'kin.
"Unti-unti po. Nagsisimula na po.", sagot ko sa kaniya.
"Remember, you need to make him talk.", pagpapaalala niya.
"Yes, mam."
Ethan's P.O.V.
"So kamusta? Anong nangyare kahapon?", sunud-sunod na tanong ni Lyra."Oo nga. Kamusta ang date?", pang-aasar ni Claire.
"Tinuruan ko lang. Para namang ewan 'tong mga 'to. And besides, we're all friends in this section so anong malisya doon?", pagpapaliwanag ko upang wala na silang masabi.
Habang nagtatawanan sila at nagbibiruan, unti-unti na namang lumipad ang utak ko. Naalala ko kung gaano siya kagaling maglaro. I just can't believe. Ayaw kong mag-'stereotype' pero bakit ang galing niya para sa isang babae? I mean, may nakalaro naman ako dati pero 'di pa nila ako natalo.
Bumagsak ulit ang utak ko mula sa paglipad nang makita ko si Nyla papunta sa amin kasama si Valerie.
"Ethan!", nakangiti niyang bati sa akin. "Laro tayo ulit mamaya noh! Well, kung wala kang gagawin.", yaya niya sa 'kin.
Nasa isip ko na ang tumanggi dahil syempre, nakakahiya. I mean, gusto kong maglaro syempre pero kase 'di ko bahay 'yon.
"Ahh ehh-", sabi ko habang nagiisip ng excuse. Pero bago ko pa man sinabi ay sinagot niya na ako agad.
"You know what? Just agree. Alam ko namang gusto mo. Wag ka nang mahiya.", sabi niya habang tinatapik-tapik ako sa balikat ko.
"Wow. Mind reader ka pala ha.", biro ko sa kaniya.
"Slight lang.", ngisi niya habang kinikindatan ako. "Gusto niyo sumama? Mas maganda kung madami tayo.", alok niya sa iba.
"Pwede?", tanong ni Lyra. It's like her face lit up with excitement. Kitang-kita ang saya sa mga mata niya. Wews.
"Yup yup yup! Habang wala pa sina mama.", sabi ni Nyla habang inuugoy ang backpack niya.
"Gege wala din naman kaming gagawin mamaya.", sabat ni Charles. "Ngayon wala na talaga akong gagawin.", at tinignan niya nang masama si Edward. Nagkibit-balikat naman si Edward bilang sagot.
"Yay! Okay. Hehe laro tayo mamaya.", at biglang ibinaling ang tingin sa kanyang cellphone. "Osiya may gagawin pa kami. Maya na lang hehe.", at hinila ang kamay ni Valerie habang papaalis na sila.
Nang makalayo na sila ay syempre, ininterview na nila ako. Ano pa ba?
"Anong nilalaro niyo Ethan?", tanong ni Lyra sa boses ng chismosa. Idagdag mo pa ang pagtaas-baba ng kanyang kilay. Chismosa talaga nito.
"May mga video game consoles kase sila sa bahay nila.", sagot ko na ikinalaho ng kanyang ekspresyon. "Grabe--ang yaman nila!", sabi ko habang nanlalaki ang mga mata.
"Anong console mayroon sila?", seryosong tanong ni Charles. Halatang interesado din siya sa paglalaro.
"Uhhh mayroon silang Wii, PS3, Xbox 360 tsaka PS2. Nakalimutan ko na yung iba.", sagot ko habang iniisip at tinatandaan pa nang mabuti kung anong nakalimutan ko.
"But don't you think it's weird?", pagtataka ni Charles.
"Bakit?"
"I mean you know....the last time? The last time na nakita natin siya.", pagpapaalala niya sa'min ni Edward.
"Ano 'yon? Ano nangyare?", tanong ni Lyra.
"Nah that was nothing.", sagot ni Charles habang abala sa pagaayos ng mga nagkumpulan na libro sa mesa.
YOU ARE READING
Stars of the School
RandomPaano kung nalaman mo na kaklase mo na yung mga estudyanteng perpekto tignan? Lahat sila matatalino at magaling sa iba't ibang bagay. Pero, pag nakita mo yung 'flaw' nila, ready ka na ba? What makes them special? Why are they called 'Stars of the Sc...