Sophia's P.O.V.
"Ahhhh ganun pala.", I said in amazement. I mean, first time ko lang magets yung math. Isa kase ako sa mga magagaling sa english but never sa math. I never liked math anyway.
"Sus, kayo din pala magtuturo.", sabi ni Charles habang umiinom ng vodka.
"Osige una na kami.", sabi ni Ethan habang bitbit ang bag niya. "Yung pinagusapan natin Charles.", turo niya kay Charles.
"Sige sige.", he nodded.
Umalis na yung tatlo at naiwan nalang kaming dalawa.
"O bat nandito ka pa?", tanong niya sa'kin.
"I'll wait for my car. Ayaw ko nagcocommute eh hehe. And sadly, medyo traffic daw.", sagot ko sa kaniya.
Kumuha siya ng isa pang baso at nagbuhos ng wine.
"O ayan inom ka muna.", sabi niya habang nilalapag yung baso sa tapat ko.
"Wow ha. Di ka man bad influence.", pangaasar ko sa kaniya.
"Shut up. Ikaw nga diyan. Pinagtripan niyo 'ko minsan sa bar. At mas hard pa yung pinainom niyo sa'kin.", he said while looking at his glass.
"So bakit mo niyan ginagawa 'to?", I asked him.
He leaned to the counter behind him and looked at me.
"Let's just say, I'll do what I want to do. Yun lang.", then he emptied the contents of his glass in a snap. Grabe ha.
"Woah.", sabi ko habang napataas yung kilay ko.
"It's getting kinda hot here.", sabi niya sabay alis sa polo niya at ngayo'y nakasando nalang.
Napainom ako sa wine ko at natapon ko ng konti sa uniform ko.
"Ang tanga naman.", sabi niya habang nilalapitan ako. "Oh punasan mo mukha mo.", he said while handing me a tissue.
Syempre nung kukunin ko 'yon napatingin ako sa mukha niya. And he's like, namumula dahil sa iniinom niya. Mahina lang ata yung tolerance niya?
"Hey are you there?", tanong niya sa'kin.
At may narinig akong naghonk sa labas.
"Ay nandiyan na ata yung car!", sabi ko habang dali-daling tumayo at inaayos yung mga gamit ko.
"Sige ingat ka.", sabi niya habang binabalik sa counter yung mga baso.
"Sige ikaw din.", I said in a hurry at lumabas na'ko.
And now you must be wondering why I'm in a hurry. Because if you can't take the heat, get out of the kitchen. Ang hot doon eh.
Charles' P.O.V.
Ano nangyare doon? Tsss. Nevermind. It's not like I care anyways.
I decided to take a bath kase naiinitan ako. Nakakairita yung init punyeta. Just imagine, na naliligo kang lasing.
Pagkatapos ko maligo ay humiga ako sa kama ko ng nakatowel lang. Tinatamad ako magbihis at doon ako nagkamali.
Pagkagising ko, doon ko lamang narealize na nakatulog akong walang damit at nakatuwalya lang. Kagabi nainitan ako, ngayon naman nalamigan ako kase nakabukas yung aircon. Bago pa man ako makatayo para tignan yung oras, naramdaman ko yung init ng loob ko.
"The fuck?", I said while touching my neck. Tangina ang init.
I tried na kunin yung phone ko para tignan kung anong oras na. Damn, it's 6 am. Shit, shit, shit anong gagawin. Tangina ang sakit ng pakiramdam ko.
YOU ARE READING
Stars of the School
RandomPaano kung nalaman mo na kaklase mo na yung mga estudyanteng perpekto tignan? Lahat sila matatalino at magaling sa iba't ibang bagay. Pero, pag nakita mo yung 'flaw' nila, ready ka na ba? What makes them special? Why are they called 'Stars of the Sc...