Claire's P.O.V.
Napagisip-isip ko na lahat tayo ay may potensyal na maging round character. Na pwede tayo magbago, or pwede magbago yung tingin natin sa isang tao. And also, everything is not what it seems. Katulad ngayon, na nagtatago ako dito sa gymnasium C.R. ng school dahil hinahanap na 'ko ni papa.
"Claire, buti nalang nakausap namin si Sir tungkol sa family issue niyo.", sabi ni Lyra.
"Anong nangyare?", tanong ko.
"Naintindihan ni Sir. Pero sabi niya, kailangan niyo daw magusap para malaman niya talaga yung sitwasyon.", sagot niya.
"Okay. Thank you.", sagot ko. "So, nandiyan pa ba sila?", tanong ko kay Lyra.
"Titignan ko. Papupuntahin ko nalang dito si Nico, yung prince charming mo, kung wala na sila.", sabi niya habang nakangisi.
"Edi wow. Prince charming daw. Di naman mukhang charming.", naiirita kong sinabi.
"Weeeeehhhhh?", nakangisi niyang tanong. "Oh well, aalis nako. Buti nalang maganda 'tong C.R. na 'to.", patawa niyang sinabi tsaka na siya umalis.
At magisa na naman ako. Nabingi sa katahimikan. Pero nagaalala ako. Gusto ko ng umuwi sa amin. Gusto ko ng humiga sa kama ko kasama mga unan ko. Pero, I don't feel home at my home.
Naappreciate ko naman yung ginagawa para sa'kin ni Nico pero, syempre nahihiya ako at di ako sanay matulog sa kama ng ibang tao. It's a guilty feeling. Na hindi ko deserve matrato bilang tao or something special. Siguro para sa'kin, mas deserve ko maghirap. Tapos si Nico, kung tratuhin niya ko kagabi, parang nagcheck-in ako sa hotel. Siguro, I should start seeing him as a friend.
*knock knock*
"Claire?", tawag ng boses sa labas. Pero yung boses na 'yon.....napatayo ako agad non at di nagdalawang-isip na buksan ang pinto.
"Nico. Wala na sila?", tanong ko.
"Wala na sila. Tara na. Baka malate pa tayo.", nakangiti niyang anyaya.
Bumalik na kami sa classroom at.....tinabihan ko siya. Ang weird pero I.....I feel s-safe? Hindi ko alam. What the hell is happening to me? Ang weird. This is so weird. No, kailangan ko na lumipat ng pwesto.
"Saan ka pupunta?", tanong ni Nico.
"Pupuntahan ko lang si Lyra.", sagot ko.
"Osige.", matamlay niyang sambit.
Nagmadali akong pumunta kay Lyra.
"Ethan, excuse me muna. Tabihan mo muna si Edward dun.", pakiusap ko.
"Okay.", pabuntong-hininga niyang sinabi habang tumayo at umalis.
"Anong meron?", tanong ni Lyra.
"I just....nothing. Wala. Gusto lang kita makatabi. You know, the usual.", sabi ko.
"Parang tensed ka. Calm down, umalis na parents mo.", pagpapakalma niya sa'kin.
"Yup. Okay.", I nodded. "Oo nga pala, kailan daw ako kakausapin ni Sir?", tanong ko.
"Mamayang uwian daw.", sagot niya.
"Ahhh....okay.", sabi ko habang tumatango-tango.
The fact na kakausapin ako ni Sir ay lalong kakaba-kaba. I mean, I don't know about you pero ako, palagi akong natatakot kausap mga teachers. Kasi paano kung pagalitan ako or something di ba? Makikinig nalang ako ng mabuti sa discussion.
Nang matapos na ang klase, nilapitan ako ni Lyra.
"Tara samahan na kita.", sabi niya sa'kin.
"Osige tara.", sabi ko habang hawak ang dalawang strap ng backpack ko.
YOU ARE READING
Stars of the School
RandomPaano kung nalaman mo na kaklase mo na yung mga estudyanteng perpekto tignan? Lahat sila matatalino at magaling sa iba't ibang bagay. Pero, pag nakita mo yung 'flaw' nila, ready ka na ba? What makes them special? Why are they called 'Stars of the Sc...