Sophia's P.O.V.
It's freaking friday! Yay!"Ihhhhh! Grabe! Nag-post si Fafa sa IG kahapon. Tapos OMG! Yung abs niya agad yung mapapansin mo. Pangalawa na dun yung mukhang niyang sobrang gwapo.", kinikilig-kilig na sinasabi ni Emily. Di ko naman masisi si Emily. May itsura nga si Blaine.
"Uyyyyy. Gurls, inuman tayo mamaya noh.", pag-pilit ko sa kanila.
"Sige tara! Mas maganda nga.", sagot ni Angelie.
"Problemado ka din yata gurl?", patawa kong tanong sa kaniya.
"Medyo. Ahahaha.", halatang pilit yung tawa niya.
"Tungkol pa din ba 'to kay Max?", nag-aalala kong tanong sa kaniya. Napa-yuko na lamang siya at tumango.
"Gurl, sabihin mo na kasi yung gusto mong sabihin eh. Ako nga, kahit nag-mukha akong tanga kay Derick, sinabi ko pa din. Para malaman mo din kung may chance o wala.", pag-papaliwanag ko sa kaniya. Teka, bakit parang dapat yung lalake yung gumagawa non. Baliktad na talaga mundo ngayon. Totally!
"Eh, dalagang pilipina ako eh.", patawa niyang sinabi.
"Edi palakpakan. Palakpakan daw natin siya Emily.", at pumalakpak naman kaming dalawa.
"Gurl, si fafa Charles oh!", sabi niya habang siniko niya ako ng mahina. "Kamusta pala group study niyo? Masaya?", sunud-sunod niyang tanong. Uhhhh, sasabihin ko ba yung tungkol sa katawan ni Charles?
"Ayaw ko ng pag-usapan 'yan gurl."
"Bakit naman gurl? May nangyare noh?", tawang-tawa niyang tinanong sa'kin.
"Of course not! Kung meron, edi-", naputol ang sinabi ko dahil may nag-dugtong dito.
"Edi ano?", pagka-talikod ko ay si Charles pala.
"O, bakit ka nandito?", masungit kong tanong sa kaniya.
"Gusto ko lang sabihin na walang magaganap na tutoring mamaya. Kasi may gagawin ako.", at may ideyang pumasok sa isip ko. Light bulb!
"Oo, wala nga. Kasi sasama ka sa'min mag-inuman.", at tinignan niya lang ako with those plain eyes.
"Hindi.", he said coldly.
"Oo, sasama ka. Kung hindi, susumbong kita kay sir.", napa-taas yung kilay ko sabay tilt ng ulo ko.
"Gusto mo ikaw pa sumbong ko dyan eh.", pananakot niya sa'kin.
"May witnesses ako dito. I can tell them to lie. The two of them.", pag-mamalaki ko.
"You won't lie, right Emily?", pagmamakaawa niya kay Emily na ngayon ay kinikilig.
"U mai Gas! Gurl! Sorry! Nakaka-kilig kasi si Charles eh.", sinabi ni Emily habang kinikilig.
"Walang laglagan gurl."
"O sige. Sorry Charles.", sabi niya habang napapatawa pa ng konti.
"But still Sophia. Di ako pupunta. Thanks for inviting me but no.", at nginitian niya ako. Nang-iinis ba 'to or what!?
"I'm not inviting you! I'm forcing you.", sabi ko.
"Well,di pa din ako pupunta.", at tumayo ako sa upuan ko.
"Here's ₱1,000! Just come, ok?", pagalit kong binigay yung pera.
"Ughhhhh. Ok.", at umalis na siya. Di niya alam kung ano yung gagawin ko sa kaniya mamaya. Pag-sisisihan niya yun.
Narrator's P.O.V.
Maya-maya pa ay dumating na ang pinaka-mamahal nilang adviser.
YOU ARE READING
Stars of the School
RandomPaano kung nalaman mo na kaklase mo na yung mga estudyanteng perpekto tignan? Lahat sila matatalino at magaling sa iba't ibang bagay. Pero, pag nakita mo yung 'flaw' nila, ready ka na ba? What makes them special? Why are they called 'Stars of the Sc...