Chapter 55: Period

4 0 0
                                    

Claire's P.O.V.
*beep beep*

Tumunog ang alarm ko na siyang kinagising ko. Kinapa ko sa dilim ang cellphone ko para patayin ang alarm. Pagkatapos ko patayin ay humiga pa 'ko. I don't know. I really have a hard time getting up early in the morning. I rubbed my eyes at bumangon na.

Kinuha ko ang tuwalya ko at pumunta na sa banyo para maligo. Naghubad na ako at may napansin ako na kinatakot ko.

"Tangina. Talaga ba?", bulong ko sa sarili ko.

Period ko ngayon? Paano ko nakalimutan? Sa lahat ng pwede kong makalimutan ito pa? Wait, so pati ba dun sa kama.....Shit.

Dali-dali akong lumabas ng banyo para bumalik sa kwarto. Sa kakamadali ko ay nakatuwalya lang akong bumalik sa kwarto. I've searched the bed for any patches of blood and unfortunately, meron nga. Pero di naman ganon kalaki. Maliit at konti lang.

Bigla kong narinig na bumukas ang pinto.

"Claire, gising ka na?", nakangiti niyang tanong.

Natanggal ang ngiti niya nang nakita niya ako at naging pula ang mukha niya.

"Sorry hehe.", at dali-dali siyang umalis.

All I ever felt at that moment was cringe. Nahihiya akong lumabas pero ano namang gagawin ko? Kailangan ko nang maligo at magayos.

Nico's P.O.V.
After what happened, bumalik ako sa kwarto ko at I haven't stopped pacing back and forth since.

"Dapat kase sa susunod kumatok ka. Come on Nico, babae yung kasama mo hindi lalake.", bulong ko sa sarili ko.

Maya-maya pa ay narinig kong bumukas ang pinto ni Claire at pagkatapos nun, 'yung pinto naman ng C.R. Whatever happened, I just want to forget it. That was so damn awkward. Gawa na lang ako ng almusal para maalis na 'to sa utak ko.

Claire's P.O.V.
Naka-uniform na akong lumabas sa banyo this time. Pagkalabas ko, may naamoy akong mabango.

"Nico?", tawag ko sa kaniya. "Nico maligo ka na baka malate tayo."

Pumunta ako sa may kusina at nakita ko siya.

"Nandiyan ka lang pala. Maligo ka na stupid baka....", pagkakita ko sa kaniya, naka-apron lang siya at walang pangtaas. Dapat matatawa ako pero bat parang nahinto ako. ".....malate pa tayo.", pagtuloy ko sa naudlot na pangungusap.

"Geh tapusin ko lang 'to wait.", sabi niya.

"Ako na magtutuloy niyan.", at nilapitan ko siya.

"Sige na nga.", lingon niya sa'kin habang tinatanggal ang apron. Umiwas naman ako ng tingin. Ugh, duh! Di ako katulad ng ibang babaeng maglalaway sa katawan ng lalake. Ew.

"Bilisan mo.", sabi ko habang hinahalo yung fried rice.

Nang matapos na ang lahat, napansin ko yung itlog niya. Yung niluto niyang itlog. Ang....fluffy. Paano niya nagawa 'yon? Tapos ang bango din ng tapa niya. I can't believe na 'tong lalake na 'to, marunong magluto? Seriously?

"Tara kain.", sabi niya habang umuupo.

"Anong ginawa mo dito sa itlog?", nagtataka kong tanong.

"Ah 'yan? Nilagyan ko ng konting gatas. Ang fluffy noh? Hehe.", nakangiti niyang sagot.

"Hmph. Baka hanggang appearance lang. Matikman nga.", naghiwa ako ng maliit na piraso sa itlog at tinikman. Grabe. Malinamnam. "Edi wow.", sabay irap.

"Pwede na ba 'ko magasawa?", nakangiti niyang tanong.

"Bakit hindi? Asawa mo lang naman yung uutusan mong magluto duh.", nakangisi kong sagot.

"Hinde noh. Kaya nga nagaaral ako kung paano lutuin yung iba't-ibang pagkain para sa kaniya.", sabi niya habang nakatingin ng maigi sa 'kin. We didn't break the stare until, "Syempre di pwedeng ako lang yung masarap niyang kakainin.", nakangiti niyang sagot.

Stars of the SchoolWhere stories live. Discover now