Chapter 44: Faded

15 0 0
                                    

Edward's P.O.V.

"Bakit ba hindi ka mapakali?", nagtatakang tanong ni Ethan.

"Eh kasi naman, ang weird talaga na minumulto ako ng taong buhay. What can I do to eliminate this?", tanong ko sa kaniya.

"Tinry mo na ba siyang puntahan? Bakit di mo sabihin sa kaniya?", sagot ni Ethan.

"Ayoko muna siyang makita. Hindi ako komportable.", napabuntong-hininga ako habang nagpapaliwanag.

"I mean, kasi pag may hindi matahimik na kaluluwa, anong ginagawa? Hindi ba ginagamit ang Ouija board?", pagpapaliwanag niya.

"May point ka.", sabi ko habang tumatango.

"So, kamusta na yung chikabeybs mo galing 'merika?", tanong ni Ethan na wari bang nangaasar.

"Si Cindy? Oo nga no. Malapit na silang pumunta dito.", sagot ko.

It's so surreal. Dati, sabik na sabik ko na siyang makita pero ngayon, parang hindi na. Hindi ko alam kung dahil ba 'to sa nangyayare sa buhay ko o dahil kay....Sam. Nakakalito tsaka nakakahibang lang naman. Yung pakiramdam na hinahanap-hanap mo siya pero natatakot ka. Kung sana kasing normal siyang tao...kung sanang normal siya magisip. Hindi naman siya baliw pero kasi, kakaiba na lahat. Siguro kailangan kong sabihin lahat. Para matahimik na'ko at ang lahat. Alam kong medyo nakakabastos pero, didiretsuhin ko na siya...pag may pagkakataon. Hehe.

*kinabukasan*

Samantha's P.O.V.

"Sam?", tawag sa'kin ni Mommy.

"Ano?", tanong ko.

"Nakalimutan palang ibalik ng Daddy mo yung toolbox ng tatay ni Edward. Pwedeng paki-balik?", pakiusap ni Mommy.

"Okay.", naka-ngiti kong sagot. Lumapit ako para kunin yung toolbox atsaka naman ito inabot ni Mommy sa'kin.

"Thank you bebe.", pasasalamat ni Mommy atsaka na ako lumabas ng bahay.

Gusto ko sanang tumanggi kasi baka makita ko na naman si ano....si Edward. Gusto ko na mag-move-on pero gusto ko din siya makita. Hiyang-hiya ako kasi napilitan lang pala siya. Ano ba yung mali sa'kin? Pinoprotektahan ko naman siya. Siguro hindi niya lang talaga ako gusto. Siguro as a friend lang. Pero hindi ko alam. Basta ang alam ko mahal ko pa din siya pero hindi pwede. Kaya naman, kailangan ko siyang kalimutan.

Tumingin ako sa kanan at kaliwa bago tumawid ng daan. Wala namang kotse bukod sa nakaparadang van kaya tumawid na ako. Nang matunton ko na ang bahay nila, pinindot ko ang doorbell.

"Tao po.", tawag ko habang tumitingin-tingin sa bahay.

Edward's P.O.V.

"Edward, pakitignan nga kung sino 'yon.", utos ni Mom.

"Sige.", sabi ko.

Tumayo ako sa aking inuupuan at naglakad papunta sa pintuan. Bago ko pa man buksan ang pintuan ay tinignan ko kung sino ang nasa gate. Nakita ko na si Sam pala ang nasa labas. Lumabas na ako sa bahay at binuksan ang gate.

"Ito na pala yung hiniram na toolbox ni Daddy.", sabi niya sabay abot ng toolbox. Bakas sa mukha niya na hindi na siya masigla tulad ng dati.

"Pwede ba tayo mag-usap?", tanong ko.

"Uh, b-bakit?", natatakot niyang tanong.

"Ayos pa naman tayo di ba?", tanong ko.

"Oo naman.", ngiti niya. Pero hindi ko alam kung totoo ba yung ngiti niya o hindi.

"Alam mo, gusto ko talaga mag-sorry. Sorry talaga.", sabi ko.

"Ako nga dapat nag-sosorry. Dapat di na kita pinilit sa di mo naman pala gusto.", malungkot niyang sinabi habang naka-ngiti na para bang nang-uuyam.

Stars of the SchoolWhere stories live. Discover now