Narrator's P.O.V.
The freaks. Ang tatlong estudyanteng hindi masyadong sikat at 'out-of-place'. Yung tipong hindi naman sila nabibilang sa Section S. Yung mga weirdo sa klase. Sino ba sila?Valerie's P.O.V.
Ako si Valerie Ava A. Del Rosario. Isa ako sa 'The Freaks' kung tawagin. Kasama ko si Nyla at Sam. Bestfriends naman talaga kami eh. Although si Nyla. Kasi si Nyla, siya talaga yung pinaka-mysterious sa'min. Kasi ano....paano ko ba sasabihin?"Valerie! Nyla emergency!", tawag sa'kin ni Sam.
"Oh my G! Wait lang!", at tumakbo ako papunta sa kaniya. Si Nyla yung leader namin for some reason...Pag dating ko ay bumungad sa harapan ko si Nyla na naka-upo sa sahig.
"Ano nangyare?", tanong ko kay Sam.
"Na-untog sa pader.", at nag-tinginan kaming dalawa. Na-tahimik kami pati yung mga tao sa paligid na naka-kita.
"T-tara na nga!", masaya kong yaya sa kanilang dalawa. Tinayo namin si Nyla at pumunta kami somewhere private.
"Ok ka lang Nyla?", tanong namin sa kaniya.
"S-sorry guys. Napa-hiya pa tuloy kayo.", sabi niya. Isang sweet na kaibigan si Nyla. Kaso...
"Ok lang. All the time, nandito kami para sa'yo.", sabi ni Sam.
Siya si Nyla Grace. She's your not-so-average girl. Galing siya sa gangster family. At mayroon siyang komplikadong kondisyon. Minsan, di na namin ito nakokontrol. Nakaka-tulog siya 'involuntarily'. And the worst part is, nag-sisleep-walking siya. Anong masama doon di ba? Well, masama siya pag nag-iisleep walking. Nakaka-patay na siya ng tao.
Welcome to the Freakshow. May isang qualification para mapa-sama ka sa'min. Yun ay kung naka-patay ka na ng tao. That's right. Kaming tatlo, naka-patay na kami ng tao. Kami-kami lang ang nakaka-alam. Well, sama niyo na si Edward. Alam ko yung nangyare kay Edward tsaka kay Sam. Gusto ko na ngang pag-sabihan si Sam na ayaw naman talaga siya ni Edward. Pero, masasaktan lang siya kaya, I'll just wait and see.
"Nyla?", nag-aalalang tanong ni Sam kay Nyla. Lagot, naka-sara na ang mga mata ni Nyla.
"Nyla? Nyla!", sabi ko habang niyuyugyog ko siya. Tinulak niya ako at tinignan ng masama. Nag-lakad na siya paalis at nag-tinginan na lang kami ni Sam.
"Paano na niyan?", tanong ni Sam.
"Pabayaan na lang muna kaya natin. Mukha namang, wala siyang masasaktan.", sagot ko kay Sam.
"O sige. Let us set her free di ba?", pabiro niyang sinabi.
"I know right."
Paano niya nga ba na-acquire yung sakit niya? Kasi ganito 'yon....May gang war dati. Tapos, may napatay yung tatay niya na anak pala ng mangkukulam or what. Basta parang witch. Tapos, pak! Nasumpa na si Beshie. Grade-8 nag-simula lahat ng 'yon. Nalaman lang namin nung sumama kami sa bahay nila.
*dismissal*
One thing I hate the most is going home. I hate my family. They just suck. Well, no, they don't suck. Careless lang."Sam. Tambay muna tayo.", yaya ko sa kaniya.
"Val, pinapa-uwi ako agad eh. Gusto ko nga tumambay kaso...", sabi niya. At tumingin siya kay Edward.
"Kaso si Edward?", naka-ngisi kong tanong.
"H-hindi noh! Ano ka ba!", at nag-blush siya. Pffft.
"Sige na nga. Uwi na 'ko.", at nginitian niya 'ko. Alam niya. Alam niya yung nangyayare sa'kin.
YOU ARE READING
Stars of the School
RandomPaano kung nalaman mo na kaklase mo na yung mga estudyanteng perpekto tignan? Lahat sila matatalino at magaling sa iba't ibang bagay. Pero, pag nakita mo yung 'flaw' nila, ready ka na ba? What makes them special? Why are they called 'Stars of the Sc...