Chapter 38: Pink Sunset

11 1 0
                                    

Serena's P.O.V.

"Nasaan ang Kuya mo?"

"Hindi ko po alam. Maaga po siya umalis.", sagot ko.

"Walang tutugtog ng organ sa church.", sabi ni Papa.

"May mahahanap ka pa naman siguro dun.", sabat ni Mama.

"Hay bahala na. Kausapin mo ang anak mo ha.", sagot ni Papa kay Mama tsaka na siya umalis.

Umupo ako sa upuan para mag-almusal.

"Saan ba naman kasi nagpunta 'yang Kuya mo?", nanghihinayang na tanong sa'kin ni Mama.

"Di ko alam.", sabi ko pagkatapos magbuntong-hininga. "Basta alam ko, maaga siya umalis. Narinig ko pa siyang umalis.", dagdag ko.

"Ok. Wala na din tayong magagwa umalis na siya.", sabi ni Mama pagkatapos magbuntong-hininga. "Bilisan mo na lang para makapunta na tayo sa studio.", paalala ni Mama.

Kada Saturday at Sunday, may lakad kami; si Kuya tsaka si Papa pupunta ng church, habang kami naman ni Mama ay pupunta ng Art studio. Nag-papaint din si Mama. Tapos binebenta namin yung mga painting. May bumibili naman. Pero hindi masyadong madalas. Minsan, may mga painting na ginawa ko na ayaw ko naman talagang ipagbili pero baka may chance na may bumili at makatulong pa ako sa pamilya namin. Ang drama ko huhu. Lalo na yung ginawa ko nung minsan. Maganda 'yon. Naka-emphasize kasi doon yung favourite color ko.

Naka-dating na kami sa studio. May mga staff din kami dito para magbantay. Well, kaibigan ni Mama. Parehas naman silang nagpapaint.

"Meron bang nagtingin-tingin, mars?", tanong ni Mama kay Tita Yvette.

"Meron naman mars, pero hanggang tingin lang.", at saka sila nagtawanan.

"Ma, doon lang ako sa studio.", paalam ko kay Mama.

"Sige bhe.", sagot niya at dumiretso ako doon sa painting studio.

Dito kami nagpapaint. Tapos pag tapos na, isasabit namin doon sa Lobby. Medyo mahirap talaga kumita lalo na pag mahal at mayaman lang talaga yung may kailangan. I mean, di naman natin kakainin o masusuot yung painting di ba? Lumabas na lang ulit ako papunta sa lobby.

.: pagdating ng Monday :.

"Ok, return the papers to the owner.", utos ni sir. Surprising coincidence, chinecheck ko yung paper ni demonyo.

"Eto na Inigo.", sabi ko sa kaniya.

"Wait nakalimutan mong pirmahan.", sabi niya.

"Ganun ba kaimportante 'yon? Alam mo naman kung sino nag-check.", pagpapaliwanag ko. Pesteng 'to.

"Gawin mo na lang.", utos niya.

"Tsss. Akin na nga.", tsaka ko inagaw yung notebook niya kung saan siya nag-quiz. "O, ayan na.", binigay ko atsaka na 'ko nag-madaling umalis.

Inigo's P.O.V.

Lagot, mukhang galit talaga siya sa'kin. Paano ba 'to? Paano niyan siya mapapasaakin? Kahit siguro anong uri ng approach ko ay hindi gagana. Haayyy. Kailangan ko ng advice. Kina Nico at Derrick kaya? Hindi. Lalo na sila, makukuha nila yung gusto nila. Ang hirap nga maging pogi. Sanay kaming kami yung nilalapitan ng mga babae. Ngayon di ako marunong manligaw. Kahit magpakabait ako, alam niyang masama ako. If she only know that I will change for her siguro magkaka-chance ako sa kaniya.

"Dude, ang lalim yata ng iniisip mo...", tanong sa'kin ni Nico.

"Hindi, iniisip ko lang kung paano ba manligaw.", sagot ko.

"Kung panliligaw lang naman yung pag-uusapan, isa lang naman yung dapat mong gawin. Dapat alam mo kung ano yung gusto niya.", sagot niya.

Ano nga ba yung gusto ni Serena? Dati ako pero hindi na ngayon. Mahilig ba siya sa cartoons or something? Di ko naman matanong yung lecheng Kuya niya. Baka bugbugin na naman ako.

Stars of the SchoolWhere stories live. Discover now