Lyra's P.O.V.
.: 1 week later :.
Di ko akalaing one week di papasok si Edward. Ano kaya nangyare sa kaniya?By the way, Sunday ngayon at walang pasok. Yay! Pero inutusan ako ni mama mag-grocery. Nakaka-inis. Pagka-pasok ko ay chineck ng guard yung bag ko atsaka nako dumiretso sa grocery. Pagkakuha ko ng basket ay parang isang maze ang pinasukan ko. Tingin-tingin ako kung saan hanggang sa nakita ko siyang naka-talikod. OMG! Si Drew my labs. Lalapitan ko na sana siya kung di ko lang nakita yung babaeng umakbay sa kaniya. Umakbay sa bewang.
This girl! Who is this girl!? Bigla na lang sumakit ang loob at tinalikuran ko na sila. Bakit napapa-iyak ako? Tama na Lyra. Wooooh! Grabe teh! Napapa-tingin na lamang ako sa taas dahil pinipigilan ko ang pagtulo ng aking luha. At tuluyan na akong nawalan ng ganang gumawa ng kahit ano. 4 years straight ko siya crush. He's my knight in shining armor. Gusato ko na sanang mag-tapat pero dapat lalake gumagawa ng first move. Nakaka-hiya kasi kung mag-fifirst move ako, edi nag-mukha akong garapal pag dating sa kaniya. Nakaka-turn off yun di ba mga boys?
Napa-yuko na lang ako habang nag-lalakad at tinanggap ko na nandito lang ako sa malayo, tumitingin-tingin lang sa kaniya. Masakit. Nag-bayad na'ko sa counter. Nakita kong nasa next counter lang siya. I mean SILA. Pagka-tanggap ko sa receipt ay saktong humarap siya papunta sa'kin at nakita niya ako. Agad akong yumuko para di niya ako makita.
"Lyra!", at tumalikod na lang ako tsaka ko tinakpan yung mukha ko gamit yung buhok ko.
Siguro ay mag-sisimba na lang ako.
Drew's P.O.V.
Si Lyra yun ah. Bakit di niya ako tinignan?"Lyra!", tinawag ko pa siya ng isang beses pero di pa din siya lumingon.
"Drew, sino tinatawag mo?", tanong sa'kin ng ate ko.
"Ah wala. Kaklase ko."
"Yun ba yung cute mong kaklase na crush mo na palagi mong bukam-bibig?", pranka niyang sinabi sa'kin.
"Oo. Siya yun.", pero, siya ba talaga yun? Ang weird lang kasi na di niya ako nililingon.
Lyra's P.O.V.
.: one hour later :.
"Ito na ma.", walang gana kong inabot yung mga pinag-bibili ko."Napano ka?", pag-aalalang tanong sa'kin ni Mama.
"Wala. Na-traffic lang kasi kaya na-inis ako.", palusot ko. Pagka-tapos nun ay pumasok na ako sa kwarto ko at pabagsak na humiga. Kumuha ako ng unan at tinakpan ko ang mukha ko.
"Bakit ganun? Mayroon na pala siya...", bulong ko. At di ko maiwasang maluha. For the fact na wala na talaga akong pag-asa sa kaniya at mag-momove on ako sa kaniya kahit di naman naging 'kami'. Ouch.
Pagka-tapos lahat ng kadramahan ko ay di ko namalayang 6:00 na ng umaga nang tinanggal ko ang unan sa mukha ko. Nang nalaman kong 6:00 na ng umaga ay para bang nag-wala ako at nag-madali ako. Pagkaligo ko ay kinuha ko na ang baon ko at tumakbo papuntang sakayan.
"Lyra! Di ka pa kumain!", sigaw ni Mama. Nilingon ko siya at sinabing, " Ok lang ako!", tsaka na 'ko sumakay ng jeep.
Pagka-baba sa jeep ay dali-dali na akong pumasok sa school. AYYYYY!!!!! Nakalimutan kong dumaan sa may lugawan para mag-almusal! Gutom na gutom na pa man din ako. Pumasok na lang ako sa room at madami na pa lang tao. Hay -.-
"Wala ka yatang energy ngayon?", tanong sa'kin ni Ethan.
"Di na nga ako nakakain ng dinner kagabi, di pa ako nakakain ng almusal.", naka-busangot kong sagot.
YOU ARE READING
Stars of the School
RandomPaano kung nalaman mo na kaklase mo na yung mga estudyanteng perpekto tignan? Lahat sila matatalino at magaling sa iba't ibang bagay. Pero, pag nakita mo yung 'flaw' nila, ready ka na ba? What makes them special? Why are they called 'Stars of the Sc...