Ethan's P.O.V.
Matagal-tagal na din nung huling bisita ko dun sa abandonadong Library. Hindi ko na tinangkang bumalik doon kasi delikado. Lalo na yung babaeng may palakol. Muntik na akong napatay. Napagisip-isip ko na bumalik doon pero ngayon, magdadala na ako ng resbak.
"Charles, Edward, may sasabihin ako.", pabulong kong sinabi.
"O?", tanong ni Charles.
"Alam niyo yung Abandoned Library?"
"Anong meron doon?", tanong ulit ni Charles.
"Kailangan nating pumunta doon. Babalik nga sana ako pero, medyo delikado.", sagot ko.
"Bakit pa kami sasama e delikado pala.", sabi ni Charles. Napaka-skeptical naman neto.
"Kasi inutusan ako ng school president.", sagot ko.
"Huh? Bakit?", nagtatakang tanong ni Charles. Uy, kanina pa walang kibo si Edward.
"Edward ayos ka lang?", patawa kong tanong.
"Oo naman. Iniisip ko lang kung anong dadalhin ko pag pupunta na tayo doon.", sabi niya habang nakangiti
"Naks naman Eddy Boi!", sabi ko habang tinatapik siya sa balikat. "Ikaw Charles? Sama ka na kasi.", pagpilit ko sa kaniya.
"O sige na nga. Besides, mukhang may thrill naman eh.", sabi niya habang nakangiti.
"Ayos! Sige mamayang gabi ha.", sabi ko.
"Gabi?!", sabay nilang sinigaw.
"Oo. Kasi baka may makakita sa'tin tapos kung ano ano na yung mangyayare.", paliwanag ko.
"Makakapasok naman kaya tayo?", tanong ni Edward.
"Marunong naman siguro kayo pumanik.", sagot ko habang naka-ngiti.
"Parang mas nagustuhan ko na 'tong gagawin natin ah.", sabi ni Charles habang nakangiti.
"Text-text nalang tayo kung saan magkikita-kita.", sabi ko.
Lumipas ang mga oras at tapos na ang klase namin. Umuwi na ako at nag-ready na ng mga dadalhin. Tinext ko na sila.
To: EddyBoi
Magkita tyo sa may park malapit sa school
To: SmartyPants(Charles)
Magkita tyo sa may park malapit sa school
Pumunta na ako dun sa meeting place namin. Nadatnan ko si Charles doon. Napaka-aga naman ni Smartypants.
"Nasaan si Edward?", tanong ko kay Charles.
"Di ko alam. Wala pa.", sagot niya habang nagtetext.
"Anong dinala mo?", tanong ko sa kaniya.
"Meron akong flashlight, lubid, extrang damit tsaka de lata.", sagot niya.
"Hindi tayo mag-cacamping, Charles.", patawa kong sinabi.
"Di mo alam baka kailangan pala natin. Ikaw ba, anong dala mo?", tanong niya sa'kin.
"Meron akong flashlight, tirador, baseball bat tsaka tubig.", sabi ko.
"May kalaban ba?", tanong niya.
"Uhhh. Actually meron.", sabi ko. Nanlaki yung mga mata niya.
"Sandali lang, may tao sa loob nun?", gulat niyang tanong.
"Hindi ko alam. Pero nung pagkapunta ko doon dati may babaeng may palakol.", maingat kong sinabi para hindi siya umurong.
"Edi astig.", sabi niya tapos nagtext na lang siya ulit.
YOU ARE READING
Stars of the School
RandomPaano kung nalaman mo na kaklase mo na yung mga estudyanteng perpekto tignan? Lahat sila matatalino at magaling sa iba't ibang bagay. Pero, pag nakita mo yung 'flaw' nila, ready ka na ba? What makes them special? Why are they called 'Stars of the Sc...