Narrator's P.O.V.
Ang section S ay kilala sa pagiging magaling. Lahat ng estudyante dito ay may kanya-kanyang kagalingan. Ngunit hindi mawawala ang inis at galit na ibinabato sa kanila ng patago. Ang inis at galit na bunga ng inggit. May
mga estudyante na ginagawa ang lahat para lang makapasok sa section na ito ngunit hindi pa din sila nakakapasok. Kaya ngayon, napagdesisyunan na nila...
Felix's P.O.V.
Pagpasok ng kaklase ko ay nagdadabog siya, "Guys, ang epal na naman ng mga taga-S!", sabi nito.
"Oo nga, pabibo na naman sila.", sang-ayon ng isa.
"Palagi naman.", patawang sinabi ng isa.
Halos ganito ang usapan ng mga kaklase ko. Lalo na yung mga nasa top. Hindi ko maintindihan kung bakit nila 'to kailangan gawin. Mabait naman silang tao. Kasundo ko naman sina Ethan at Edward. Mabait naman din si
Lyra tsaka si Claire. Ano ba yung nirereklamo nila? Wala namang ginawang masama yung mga taga-S.
"Naiinis ka din ba sa mga sinasabi nila?", tanong sa'kin ni Kristina, kaklase ko.
"Hindi ko lang kasi sila maintindihan.", sagot ko.
"Ganyan talaga sila. Wala na tayong magagawa.", sabat ni John. "I think it's unreasonable though.", dagdag niya.
Pagkatapos nun ay pinag-usapan namin yung mga assignments and stuff. Nag-uusap-usap lang kami nang may narinig akong nakakainis.
"Paano kaya kung tayo naman magpa-epal? Yung magpapapansin tayo sa kanila?", sabi ng Ms. President namin.
"Paano?", tanong ng isa kong kaklase.
"Mang-bully tayo ng isang taga-S na mahina.", mungkahi niya.
"Sino naman?", tanong ng isa ko pang kaklase.
"Siguro si...Samantha.", sabi niya.
"Pwede din. Basta dapat hindi tayo mahuli ng iba pa niyang kaklase o ng mga teacher.", mungkahi ng isa ko pang kaklase.
"Sige sige. Basta pag planuhan natin ng mabuti.", sabi ng president namin. Maria pangalan ng president namin.
Samantha's P.O.V.
"Mag-CCR lang ako Val.", paalam ko kay Valerie.
"Sige wait kita dito.", sabi niya.
Dumiretso na ako sa CR dahil ihing-ihi na ako hehe. Pagkatapos kong umihi ay nag-ayos ako para maganda ako sa paningin ni Edward. I just don't get it bakit ayaw niya na sa'kin. Siguro dahil masyado akong agresibo?
Magpapaka-dalagang pilipina na nga ako. Gusto ko talagang magkabalikan kami.
Lalabas na sana ako nang bigla kong masalubong ang mga estudyante sa section A.
"Ikaw si Samantha di ba?", tanong ng isang babae.
"Yup.", sabi ko habang naka-ngiti.
"Halika dito.", sabi niya sabay sabunot sa'kin.
"Ano ba?! Anong ginawa ko sa'yo? Wait lang nasasaktan ako!", sigaw ko habang nagpupumiglas.
Sinabunot niya ako papunta sa inidoro. Ilulunod nila ako pero buti na lang ay nakahawak pa ako sa toilet seat.
Sophia's P.O.V.
"Gurls! CR muna tayo. Mag-aayos lang ako para mapansin ako lalo ni crush.", sabi ni Emily.
"Lande gurl!", sabi ko.
Pumunta kami sa CR. Pagkapasok namin ay may narinig kaming sumisigaw.
"Tama na!", sigaw ng babae.
YOU ARE READING
Stars of the School
De TodoPaano kung nalaman mo na kaklase mo na yung mga estudyanteng perpekto tignan? Lahat sila matatalino at magaling sa iba't ibang bagay. Pero, pag nakita mo yung 'flaw' nila, ready ka na ba? What makes them special? Why are they called 'Stars of the Sc...