Edward's P.O.V.
Pumunta ako sa library dahil tawag daw ako ni Sam. What now? Di niya pa ba nahahalata na ayaw ko naman talaga siya? Hindi naman ayaw. Well, I just like her as a friend, that's all. Ano na naman kaya gusto niya ngayon?.: at the library :.
Nasaan kaya siya. Ang dami kasing shelf eh. Hmmm."Edward! Buti pumunta ka. Akala ko ayaw mo na sa'kin!", sigaw niya. Nasa dulo kasi ako at sa kabilang dulo siya kaya kailangan niyang sumigaw.
"Shhhh!", pagpapatahimik ng librarian. Librarian stuff.
"Ano bang meron?", tanong ko. Sinusubukan kong itago ang inis ko dahil sa pangungulit niya. I gotta admit, kahit mag-bestfriend kami ng sobra....pumapatay pa din siya ng tao.
"May papakita ako sa'yo.", nilapitan niya ako at hinawakan niya ang kamay ko. "Tara.", at hinila niya ako.
"Saan mo ba--", at biglang may sumilaw sa'kin. Nanggaling 'yon sa bulsa niya. Sinubukan kong tignan ng maigi pero wala akong makita. Baka salamin niya lang. Dinala niya ako sa tagong part ng library. Sa corner. "So ano na?", at nakita kong may nilabas siya sa bulsa niya.
"Tignan mo yung book sa likod mo.", ngiti niyang sinabi. Pagka-tingin ko, bigla akong kinutuban dahil ang weird ng title. 'Wag kang lilingon' ang title.
"So a-ano na?", sinabi ko habang lumilingon. Pagka-lingon ko ay sinaksak niya ako sa dibdib.
"Bakit di mo ako mahal Ed? May nagawa ba akong masama? Huh?", kutsilyo pala ang nasa bulsa niya. Nag-simula siyang umiyak habang ako, umuubo ng dugo.
"Please. Wag....t-tama na.", pagmamakaawa ko. At natumba ako dahil hindi ko na kinaya ang sakit. Pumatong siya sa'kin.
"Ang plastik mo! Wala kang kwentang lalake! Nakaka-diri ka! Bakit di mo na lang sinabi na ayaw mo ako!? Kasi baka masaktan ako!? Ikaw sasaktan ko!", at pinag-sasaksak niya ako. Hindi ko na kinaya ang eksena.
Bumalik na ako sa diwa ko.
"WAG!!!", sabi ko. Pagka-bukas ng mata ko, nasa kwarto ako. Naka-upo ako. Nalaman ko na bangungot lang ang lahat. Pagka-tingin ko sa bintana, gabi pa. Pagka-tingin ko sa phone ko, 2:48 a.m. pa lang. Madaling araw pa pala.
"Nagka-bangungot ka yata Ed?", sabi ng isang familiar na boses. Pagka-lingon ko, si Sam. Naka-upo siya sa upuan malapit sa kama ko. Anong ginagawa niya dito!?
"Paano ka naka-pasok dito?", tanong ko.
"Paano mo nagawa sa'kin 'to?", tanong niya. Umiiyak siya. Papalapit siya sa'kin. Umaatras ako pakonti-konti. "Edward, mahal kita, di mo ba ako kayang mahalin?"
"Well, kasi...", hindi ko masabi ng diretso ang gusto kong sabihin. Baka kung anong gawin niya sa'kin.
"Nakaka-inis ka!", at tumakbo siya para yakapin ako. Napa-pikit ako sa gulat. At pagka-bukas ng mata ko, wala siya. Tumingin ako sa paligid ko pero wala siya.
"Relax ka lang. Malakas lang imagination mo.", pagpapa-kalma ko sa sarili ko. Umupo ako sa kama ko at napa-hawak sa ulo ko. Hinawakan ko ang buhok ko ng mahigpit sa sobrang problemado ko. "Ano ba kasi 'tong pinasok ko....Bakit ba siya ganun? Di naman siya ganun dati.", sabi ko sa sarili ko. Humiga na lamang ako ulit at natulog. Ngunit may narinig akong kumakatok sa bintana. May nakita akong anino sa kurtina. Kumakatok ito. Palakas ng palakas. Ang tanga ko na sinilip ko. Pero, wala naman. Sa silhouette ng anino, makikita mong si Sam ang kumakatok. Hindi na yata ako makaka-tulog. Ano bang meron? Na-prapraning lang ba ako o talagang may superpowers si Sam? Nababaliw na ba ako? I need help. Na-trauma ba talaga ako sa kanya o sa mga pinag-gagawa niya? Litong-lito na ako. At i-dagdag mo pa ang hindi ako maka-tulog. Humiga ulit ako. Pero may mga bumubulong-bulong...
YOU ARE READING
Stars of the School
LosowePaano kung nalaman mo na kaklase mo na yung mga estudyanteng perpekto tignan? Lahat sila matatalino at magaling sa iba't ibang bagay. Pero, pag nakita mo yung 'flaw' nila, ready ka na ba? What makes them special? Why are they called 'Stars of the Sc...