Charles' P.O.V.
*kriiing! Krii-*At binatukan ko ang alarm clock para tumigil na ito. Kahit nag-mukha akong tanga ay minura ko 'to.
"Punyeta ka!", at bumangon na 'ko. 'What a great morning to start' inisip ko habang kinakamot ko ang ulo ko.
Pumunta ako ng CR para gawin ang aking 'morning rituals', at nagsuot ng salamin. Pagka-tingin ko sa cellphone ko, aba! Akalain mo nga naman! First day of school ngayon. Yeah, right. Ang saya. At nagbihis na'ko ng uniform. Kung anong school uniform na normal, yun lang. Except may vest at necktie. Nakputa! Di ba estudyante kami? Di naman business man?
How rude of me, di pa ako nagpapakilala. Ako si Charles Louie C. Querpo, 16 years old. Hilig ko ang pag-mumura. Di ko alam kung nasaan yung mga magagaling kong magulang. Sabi ni tita ay nag-sacrifice daw sila para sa'kin pero I don't fucking believe it. Tinanong ko kung 'what are they like?' Sabi niya sa'kin:
*flashbacks*
"Yung tatay mo, ang talino at ubod ng gwapo! Parang ikaw lang!Di niyo lang alam at wala kayong paki-alam. Yung nanay mo, ang talino at maganda! Perfect couple sila!"
*flashback ends*Kung natatanong niyo kung bakit walang halo ng pagmamadali ang aking pag-gising ay dahil yun sa 4 a.m. ako nagigising. Tinotorture ko talaga sarili ko eh.
*2 hours later*
Pasukan na. Di ako maka-paniwala. Sanang bumili na lang ako ng kotse para di na'ko nag-cocommute. Ayoko nag-cocommute, pag may grupo ng babae akong kaharap sa jeep, pinag-tatawanan nila ako. Tapos niyuyugyog pa nila yung kasama nila. Bakit ganun? Ano ba ibig sabihin pag yung babae tinatawanan niya yung lalaki habang niyuyugyog niya yung kasama niya? Tinitignan ko na lang sila ng masama. Pag tinignan ko naman sila ng masama, tatakpan nila yung mukha nila tapos parang tumatalon sa upuan. Weird.At lumabas na'ko sa bahay at nag-lakad papunta kung saan ako nag-aabang ng jeep. Pagka-sakay ko, laking pasasalamat ko na walang grupo ng babae sa jeep. Pero, may babaeng kung mag-cellphone wagas. Pag nag-selfie akala mo ikaw yung pipicturan. Maya-maya pa ay nag-flash yung camera, sa'kin. Tinago ko na lang ang aking pagka-inis. BAKIT NIYA AKO PIPICTURAN?! Pagkatapos ng ilang minuto ay bumaba na'ko ng jeep at nilakad ang school. May dalawang babae akong naka-salubong. May binulong yung isa sa isa. Pero di na bulong yun kasi narinig ko na.
"Uy, di ba artista 'yan? Bakit siya nan-"
Naputol ang kaniyang sasabihin ng bigla siyang sikuhin ng patago ng kaniyang kasama dahil tinitignan ko na sila ng masama. At nag-patuloy na lang ako sa paglalakad. Ako? Artista? Aba! Nang-iinsulto yun ah! Ano, kamukha ko si Betong? O si Diego? Aba puta niya.
Matapos lahat ng aking pinag-daanan ay napuntahan ko na ang school campus. 'Chamberlain Academy' nakalagay na nasa Old English Text MT font style. Pagka-pasok ko sa gate ay hinanap ko na ang room ko. Tinignan ko ang dati kong section, pero wala dun yung name ko. At tinignan ko na lahat ng Gr. 10 classrooms pero wala talaga yung pangalan ko. Nag-enroll naman ako eh.
"Charles Louie C. Querpo", tawag sa'kin ng tinig sa likod ko. Pagka-harap ko ay ang principal namin, si Mrs. Concepcion.
"Good morning ma'am."
"Good morning too. By the way, your section is section S. It's room 19."
"Ma'am, paano po nangyare yun?"
"Look, utos yun ng ating president sa school. And I think you really did a good job when you were at the section A. So, you deserve to be higher."
"Thanks for the compliment ma'am", at nag-smile ako bago ko siya iwan para hanapin ang section na iyon. Bakit ako malilipat doon?
YOU ARE READING
Stars of the School
De TodoPaano kung nalaman mo na kaklase mo na yung mga estudyanteng perpekto tignan? Lahat sila matatalino at magaling sa iba't ibang bagay. Pero, pag nakita mo yung 'flaw' nila, ready ka na ba? What makes them special? Why are they called 'Stars of the Sc...