Chapter 16: The Knight in her night

23 0 0
                                    

Claire's P.O.V.
Nasabi ko na ba kung gaano ka grade-conscious ang mga parents ko? Mahal pa nila yung grades ko kaysa sa'kin. Si papa, lawyer. Si mama, principal. Yung kapatid ko, magaling siya na estudyante. Tapos siya palagi yung nakikita, pinupuri at tinatrato na parang prinsesa.

Ngayon pala na-move ang cards-out. Kailangan papuntahin ang parents mamayang 12:00 which is lunch break. 12:05 na ngayon at wala pa sila. Di ba sila excited makita grades ko? I hate them. I really hate them. Parents ko nga sila pero kung tratuhin nila ako...

"Claire nandyan na yung mama mo.", sabi sa'kin ni Lyra. Pinuntahan ko si mama sa gate ng school at nakita ko na siya.

"This better worth my while, Claire.", sabi ni mama.

"Yes.", sabi ko. Pumunta kami sa faculty para kunin ang card ko.

.: faculty :.
"Ito po ang card niya. Magaling po si Claire. She's doing extra effort in all subjects.", sabi niya at ngumiti si mama. "No wonder she's the top 2.", nabigla kaming dalawa ni mama.

"Ohhhh. Ok. Thank you. Ma-una na ako.", sabi ni mama at umalis na siya. Sinundan ko siya habang kinakabahan ako.

.: gate :.
"Claire, can you explain this to me?", tanong niya.

"Ma, I did my best. Siguro may mas matalino sa'kin ngayon. Pero, I promise ginalingan-", at sumabat siya.

"I don't care! Kailangan mo pang mas galingan, ok? Pag nalaman 'to ng papa mo malalagot ka.", sabi niya at umalis na siya. Halong lungkot at galit ang naramdaman ko.

"Huy, ok ka lang?", may kamay na dumantay sa balikat ko. Si Nico pala.

"Anong ginagawa mo dito?! Don't touch me!", sabi ko sabay alis sa kamay niya.

"Narinig ko lahat. Ano 'yon? Bakit ganun?", nag-tatakang tanong niya?

"Wala ka na 'don!", at umalis na 'ko. Sino kaya yung top 1?

*dismissal*
Ayoko nang umuwi. Mag-pipreach lang sila ng mag-pipreach.

"Ok ka lang Claire?", tanong sa'kin ni Lyra.

"Oo naman.", at nag-peke ako ng ngiti.

"Sabi kasi ni Nico, napagalitan ka daw sa mama mo kasi top 2 ka lang.", sabi niya at nabigla ako.

"Wag ka maniniwala sa mokong na 'yon.", sabi ko.

"O sige."

"Uwi na 'ko.", sabi ko. Well, kailangan ko 'tong harapin kung hindi, hindi 'to matatapos.

.: bahay ni Claire :.
"Ano na naman 'to Claire!?", sigaw ni papa. "Di ka ba nag-aaral ng mabuti!?", dagdag niya.

"Nag-aaral naman ako ng-"

"SASAGOT KA PA!!!", Sigaw niya.

"Nag-tanong-"

"Akin na yung cellphone mo at pumanik ka na sa kwarto mo.", utos niya at pumanik na 'ko sa kwarto ko.

Pagka-panik ko ay dumungaw lang ako sa bintana ko. Bakit nila 'to kailangan gawin sa'kin di ba? Pwede naman ako maging successful kahit di ako top 1. Bakit kailangan pa nila sa'kin ipagkait ang kalayaan ko? Blah! Nagiging ma-drama na naman ako.

Simula pa noong bata pa ako, di laruan hawak ko kung hindi libro. Di ako nakaranas ng DS, PSP, GBA o mga tablet. Puro na lang Almanac, Dictionary at Encyclopedia. Di ko man napanood sina Spongebob, Tom & Jerry, o Mickey Mouse. Sina Edgar Allan Poe, William Shakespeare at Confucius yung kasama ko sa mag-hapon. Puro na lang katalinuhan ang buhay ko. I don't want this!

Stars of the SchoolWhere stories live. Discover now