Chapter 19: Harana

38 0 0
                                    

Lyra's P.O.V.
Nagulat ako sa sinabi niya. I mean, whaaaaat????
"A-ano? Paki-ulit?", nanlalaking mata kong sinabi.

"Pwede bang manligaw?", inulit niya. Ngunit ngayon, may bahid na ng kaba at takot.

"Uhhhhh.....", na lang ang nasabi ko. Di ko kasi alam kung papayagan ako nila mama at papa. Pero kung ako yung tatanungin, go na go ako! "Drew, di ko alam kung papayagan ako nila mama eh. Mas ok na kung ganito muna tayo.", sabi ko.

"Ok, di naman kita pipilitin eh.", sabi niya sabay ngiti. "Hatid na kita sa inyo.", yaya niya sa'kin.

Pagkatapos nun ay hinatid niya na ako sa'min. Ang tiyaga niya, I mean, wala naman siyang kotse tapos nag-abala pa siya na ihatid ako. Kinilig ako ng sobra.

"Buti hinati mo ako sa'min.", tanong ko sa kaniya.

"Hindi ko nga dala yung kotse ko eh sayang.", sabi niya. Meron pala siyang kotse? O mai gas! " Tsaka hinatid na kita kasi malapit lang naman yung subdivision namin sa barangay niyo kaya hinatid na kita.", sabi niya sabay ngiti. Ahhh, nag-assume ba ako?

Maya-maya ay natunton na namin ang bahay namin.

"So, thank you.", sabi ko.

"Bye.", sabi niya.

"Ingat ka ha!", sabi ko sabay palo sa braso niya.

"Wala ka namang nakaka-limutan, di ba?", patawa niyang tanong.

"Huh? Anong naka-limutan?", naguguluhan kong tanong.

"Kahit dito?", sabi niya sabay turo sa pisngi niya.

"Ikaw ha.", sabi ko. Tumingin ako sa paligid-ligid, wala namang masyadong tao at wala sa paligid ang mga chismosa naming kapitbahay. Agad ko siyang kiniss sa cheeks.

"Lyra! Anong...", pagka-tingin ko sa likod ko ay si mama pala. Kasama si ate.

"Ma! Nandyan pala kayo! Si Drew nga pala! Kaibigan ko.", pagpapa-kilala ko.

"Kaso Lyra, hindi kami kumbinsido na 'kaibigan' mo lang siya.", sabi ni ate habang naka-cross-arms.

"Hindi, mag-kaibigan lang talaga-", at biglang sumabat si Drew.

"Tita, ang totoo po niyan ay gusto ko po kayo makita. Matagal na po.", sabi ni Drew sabay nag-mano kay mama.

"Bakit naman?", tanong ni mama. Mukhang nagmamasungit siya. Wow.

"Dahil, gusto ko pong umakyat ng ligaw kay Lyra.", nanlaki ang mga mata naming tatlo. Gulat na gulat kami sa sinabi ni Drew. Well, ako nagulat ako kasi ang lakas ng loob niya. Eh alam ko naman na hindi siya papa-

"Pwedeng pwede!", sigaw ni mama. Mukhang masayang-masaya si mama. Pero, mas masaya ako syempre.

"T-talaga po?", di makapaniwalang sinabi ni Drew.

"Oo. PERO! Dapat ang ligawan ay sa bahay lang. Kailangan ay magpaalam sa'kin pag mag-dedate kayo.", pag-papaalala ni mama. "AT! Pag nakita naming umiiyak si Lyra dahil sa'yo, wala ng second chance. Ok?", dagdag ni mama.

"Opo.", sabi niya. Hindi siya nagpahalata pero lumunok siya ng laway. Eh halata naman eh.

"Drew.", sabi ko sabay patong ng kamay sa balikat niya. "Kaya mo 'yan.", bulong ko sa kaniya sabay kindat. Napa-ngiti na lamang siya.

"Ma-una na po ako.", pag-papaalam niya kina mama at ate.

"Ingat ka ha.", sabi ni mama. At tuluyan ng umalis si Drew.

"Ang daya naman! Bakit ang pogi ng mga nanliligaw kay Lyra? Sa'kin mukhang...", pag-bubusit ni ate.

"Grabe ka naman ate! Ikaw ba, maganda ka?", pang-aasar ko sa kaniya.

Stars of the SchoolWhere stories live. Discover now