Claire's P.O.V.
Do you ever feel like....a prisoner in your own home? I thought that, 'grades-strict' parents were a myth. Pero I think na hindi ako makapaniwala doon dahil di naman ako natanggal sa pagiging top 1 dati.Tinitignan ni Mama ng mabuti ang aking card, "I can't believe wala ka na sa top 1, Claire.", sabi niya habang sinasara ang card ko.
Napa-yuko ako sa sobrang lungkot at dismaya. Nag-isip ako ng masasagot ko pero...ano nga ba masasagot ko? Wala naman akong excuse. Di naman excuse na mas matalino sa'kin si Charles. Di ko din naman siya masisisi. Ginagawa din naman niya yung best niya.
“Mas matalino kasi sa'kin yung kaklase ko eh.", malungkot kong winika.
"Kung ganon, dapat mas hinusayan mo pa di ba? Paano niyan, wala tayong pambayad ng tuition mo. Scholar ka lang di ba?", sumbat sa'kin ni Mama sabay buntong-hininga. Wala na lamang akong nasabi dahil tama naman siya.Scholar lang naman ako. Mahirap lang kame. At sinayang ko lang yung chance na makapagaral ng libre.
Tinitignan ako ng masama ni Papa, "Wala ka nang ginawang tama. Mahirap ba? O hindi ka lang talaga nag-aaral?", nagmamaliit na tanong ni Papa. Di ako kumibo at umiwas nalang ng tingin. "Tumingin ka nga sa'kin pag kinakausap kita.", hinawakan niya ako ng mahigpit sa braso ko.
"Papa nasasaktan ako.", pagmamakaawa ko.
Sumabat si Mama, "Bitawan mo yung anak mo-nasasaktan na siya!", utos ni Mama ngunit di naman ako binitawan ni Papa. Sinubukan ni Mama na alisin yung pagkakahawak sa'kin ni Papa at binitawan na ako ni Papa.
Tinignan niya ako ng masama at dinuro ako, "Pasalamat ka, nandito yung Mama mo.", sabi niya sa'kin at umalis na.
Tinignan ko si Mama at mukhang awang-awa siya sa'kin. Pakiramdam ko ay may sasabihin siya pero tinignan niya lang ako at sinundan na si Papa.
Binitbit ko na ang bag ko at lumabas ng bahay. At 'yon ang pinaka-nakakapagod sa lahat, ang ma-realize mo na papasok ka ng school na masama ang simula ng araw mo.
Pagkadating ko sa classroom, natanaw ko na mula sa bintana na nandiyan na yung adviser namin, nakatalikod at nagsusulat sa blackboard. Natatakot akong pumasok dahil unang beses ko 'tong ma-late. Kinakabahan ako dahil hindi ko alam yung sasabihin ko pag pumasok na'ko. Medyo bumibilis na yung tibok ng puso ko at nanginginig yung mga kamay ko. Naglakas-loob na akong kumatok sa pinto sabay bukas neto."Oh, you're late this time.", sabi ng adviser namin habang nilalagay ang chalk sa chalkboard.
"Opo. Traffic po kasi...", sabi ko habang umiiwas ng tingin.
"Hmmmm. I think not. Nag-drive ako papunta and it's not traffic.", ngisi niya. Tumingin ako sa mga kaklase ko at nakatingin sila sa'kin. May natatawa katulad ni Sophia at may naaawa katulad ni Lyra. Naramdaman ko na umiinit yung balat ko sa sobrang hiya. Nararamdaman ko na tinititigan ako ng lahat kahit alam kong yung iba ay naglelecture. At nararamdaman kong parang naluluha na ako.
"You know that lying is not a quality of a class president right?", pang-uuyam na tanoong ni sir. At napayuko ako habang tumatango.
"And you know sir, that it's not right to embarrass a student in front of other students right?", sabi ng isang boses. Napatingin ako sa pinagmulan at nakita kong nagbabasa si Charles ng lecture habang iniikot ang ballpen sa kamay niya. Napatingin din ang lahat sa kaniya. Gulat na gulat kaming lahat, kahit si Sir.
"Oo nga, oo nga.", dagdag ni Nico.
"It is said that, teachers who do this will be fined between 50,000 Php to 100,000 Php or you'll either face imprisonment for 6 months. You should look up for Senate Bill 2793.", sabi ni Charles habang nakatingin sa notebook niya at nagpepen-spin pa din.
YOU ARE READING
Stars of the School
SonstigesPaano kung nalaman mo na kaklase mo na yung mga estudyanteng perpekto tignan? Lahat sila matatalino at magaling sa iba't ibang bagay. Pero, pag nakita mo yung 'flaw' nila, ready ka na ba? What makes them special? Why are they called 'Stars of the Sc...