Chapter 32: TØXIC

28 0 0
                                    

Serena's P.O.V.
Tumakbo kami ni kuya papunta sa room. Sinundan kami ni Inigo. Pagkapasok namin sa classroom ay bigla na lang sinuntok ni Inigo si kuya. Na-shookt ako sa nangyare. Ang pagkakaalam ko ay mabait si Inigo. Pero sa lahat ng ginawa niya ngayon...di ko na alam kung ano yung paniniwalaan ko.

"Ano ba!?", at tinulak ko si Inigo. Nilapitan ko si kuya na ngayon ay naka-upo sa sahig. Hawak niya ang pisngi niyang nasuntok. Himala nga at hindi ito pumutok. Tinulungan ko siyang tumayo. Pagkatapos nun ay nilapitan ko si Inigo para sampalin. At pinagsabihan ko siya. "Alam mo, akala ko talaga mabait ka. Pero ito pala yung tunay mong ugali. Sana sa umpisa palang ay pinaki--", naputol ang aking sasabihin dahil bigla niya akong hinalikan. Oo, kinilig ako pero nainis ako. And to top it off, madami ang nakakita nito. Nandyan sa classroom namin si Claire, Valerie, Lyra, Sophia, Emily, Charles, Nico, at Derick. Syempre tinulak ko siya kahit good-kisser--este, dahil nakakahiya. Pagkatulak ko ay bigla naman siyang sinuntok ni kuya. Natumba si Inigo. Humarap siya at nakita namin na pumutok ang labi niya. Yung kaninang na-kiss ko palang, ngayon pumutok na. Nagalit siya at iniwat ko, pero laking gulat ko na tinulak niya 'ko. Ano ba 'yan!? Ako lang aawat hanggang mamaya?!

"Ang yabang mong bading ka!", at sinuntok niya si kuya. Pagkatapos nun ay isinandal niya sa pader at pinagsusuntok niya. Pinigilan ako ni Derick habang pinigilan naman ni Nico ang kaklase naming gustong umawat.

"Tangina mo Inigo! Wag kang mayabang! Tigil-tigilan mo na 'yan nakputa ka! Leche ka!", sabi ni Claire. At doon na nga sinuntok ni Charles si Nico. Yas! At inupuan niya pa si Nico para di makawala. Linapitan na ni Claire si Inigo at pinagsasampal-sampal niya 'to.

Enrique's P.O.V.
Bakla? Bading? Ano ba yun? Ako ba yun? Alam ko lang ay nagpakabait ako kaya naging ganun ako. Kahit hindi naman ako ganun.

*flashback*
"Quen pwedeng favor? Hingin mo naman CP number ni Derick please?", sabi ni Valerie.

"No problem.", sabi ko. Oo nahingi ko yung number ng ungas na yun. Kaso akala nila ako yung ka-text niya. At naging usap-usapan 'yon.

At hindi pa doon nagtatapos 'yon. Madami pa akong hiningian ng cellphone number at chinichismis nilang bading daw ako kahit hindi naman.
*flashback ends*

Narrator's P.O.V.
Natahimik lahat ng estudyante sa silid na iyon. Hanggang sa nabasag ang katahimikan dahil sa isang tawa. Isang nakakabaliw na tawa. Tinignan nilang lahat ang tumawa. Nakita nilang tumatayo si Enrique. Galit na galit itong naglakad papunta kay Inigo na hinarang naman ni Claire.

"Tama na. Pabayaan mo n-", at tinulak niya itong pagkalakas-lakas na natumba ito.

Stars of the SchoolWhere stories live. Discover now