Charles' P.O.V.
'Tomorrow is another day' sabi nga nila. Bumangon na'ko sa kama ko at as usual nagising na naman ako ng 4 a.m. sa umaga. Actually, may ginagawa ako bago ako pumasok sa school. Nag-simula lahat ng ito nung bagong lipat ako sa bahay na'to. 14 years old ako nun. At ganito lahat nag-simula yun, nag-duda ako kung bakit may bookshelf sa kwarto ko. Nang hinila ko ang librong paborito ko (Genetics and Chemistry) biglang may bumukas na pader sa tabi ng bookshelf. So, oo cliche na yung mga ganun. I don't fucking care. Pagka-tingin ko, science laboratory pala ito. Natalo ko pa si Dexter sa Cartoon Network. Sa kasalukuyan, nag-eexperiment ako at may nagawa na 'kong iilan na robot. Pero ginagamit ko lang sila pag may sakit ako. Di ako tamad eh. And to top it all of, yung bahay ko ay nasa loob ng isa pang bahay. Yung bahay sa labas ng bahay ko ay simpleng bahay lang pero may 2nd floor. Tagong-tago itong bahay ko. Nasa banyo yung 'secret entrance' ng bahay ko. Ako lang at si tita yung nakaka-pasok dito. May password kasi yung pintuan ng totoo kong bahay. Kaya, medyo nagpapa-salamat na din ako kay Mom at Dad kahit wala sila dito. Kahit iniwan nila ako.Mga ilang oras ay natunton ko na ang school namin. Pagkapasok ko ay inutusan ng teacher ang isa kong kaklase. Favorite nga siguro kami ng mga teachers niyan. Maya-maya pa ay nasa harap na'ko ng pinto ng classroom. Naka-sara yung pinto? Pag may teacher pa lang binubuksan yung aircon eh. May hinala ako dito. Late na ba 'ko? Di naman. Advance ako ng 30 minutes pa. Naisipan kong sipain yung pinto. Pagka-bukas ay may bumagsak na tubig at timba. Sabi ko na nga ba eh! Mga lecheng tao.
"Uy! Nalaman niya!", sabi nung Nico.
"Aba eh, matalino yata siya", sabi nung Inigo.
"Time for plan B kasi!", pumasok ako at agad-agad niyang hinawakan ang kwelyo ko.
"Alam mo, wag kang mayabang, bagong pasok ka lang di-", di niya natapos yung sasabihin niy dahil sinipa ko yung itlog niya.
"Ang aga-aga ang dami mong katak.", sabi ko sa kaniya habang namimilipit siya sa sakit. Huli na pala nang malaman kong may teacher sa likod ko.
"Anong meron?"
"Nag-away po silang dalawa."
"Sino nag-umpisa?"
"Si Charles po.", ano!? Ay wait, sabi yun ni Nico. Phew, wala namang maniniwala sa kaniya.
"Hoy! Epal! Wag ka ngang mag-sinungaling! Si Derick po yung nag-simula.", sabi ni Claire.
"Opo. Plano niya pong buhusan si Charles ng tubig tsaka po suntukin siya.", hirit ni Lyra.
"Ahhh... It doesn't matter. Gusto kong mag-bati na kayo ngayon. Why don't you shake hands?", I rolled my eyes because of how stupid that was but I did it. Inabot ko yung kamay ko sa kaniya. Nung hinawakan niya yung kamay ko, hinigpitan niya. Mas hinigpitan ko yung sa'kin at ngayon, mas nasasaktan siya kaysa sa'kin.
"Good. Now let's start.", at umupo na kami sa mga upuan namin. English subject pala kami ngayon.
"Ok class. I know all of you know what is adjective. What is ad-", di na tapos ang sinasabi ni mam dahil agad akong nag-taas ng kamay.
"Yes, Charles."
"Adjective describes a noun or a pronoun. It also gives niceness and beauty to sentences."
"Very good, Charles.", nakita kong pinapalak-pakan ako ni Lyra. Magiging mahaba-habang discussion na naman ito.
.: break :.
"Tara, Charles! Punta tayong canteen.", yaya sa'kin ni Lyra. At yun, nabuo na naman ang 'Nerd Squad'.--canteen--
Nung dumaan kami, nagsi-tabihan yung mga ibang estudyante. Nakaka-ilang."Wait lang.", sabi ko sa kanila. May napansin ako eh.
YOU ARE READING
Stars of the School
RandomPaano kung nalaman mo na kaklase mo na yung mga estudyanteng perpekto tignan? Lahat sila matatalino at magaling sa iba't ibang bagay. Pero, pag nakita mo yung 'flaw' nila, ready ka na ba? What makes them special? Why are they called 'Stars of the Sc...