Sophia's P.O.V.
Nandito kami ngayon sa bahay ni Charles and as usual, tinuturuan niya ako. All I can say is that, nagbago yung ugali niya nung naging sila ulit ni Maria. Hindi na siya masungit kaso ngayon...
"Charles, hanggang mamaya ka na lang ba mag-cecellphone diyan?", sabi ko sa kaniya.
"Ay sorry.", sabi niya atsaka niya nilapag ang cellphone niya sa mesa. Halatang nag-tetext sila ni Maria. Hmph, I don't give a fuck.
"Pag ako bumagsak, malalaman 'to ni Sir.", sabi ko.
"O sige na po putangina.", sabi niya. "Basahin mo 'to tapos tatanungin kita mamaya.", utos niya at nag-cellphone na siya ulit.
"How am I suppose to learn with that method?", sabi ko.
"Gawin mo na lang. Tapos pag nasagot mo lahat ng tanong ko, sige sumbong mo ako kay Sir.", sabi niya habang nagtatype pa sa phone niya. He can't even look at me. His eyes are glued on his phone.
Nagbasa at nagmemorize ako nang nagmemorize. I really think na masasagot ko lahat ng tanong niya. Huh! Pagsisisihin mo ang hindi pagbigay sa'kin ng atensyon.
"O sige, tatanungin na kita.", sabi niya sabay lapag ng cellphone niya.
"I'm ready.", sabi ko habang ngumisi.
"Ito ang paggamit ng pananakot ng grupo ng mga indibidwal upang pilitin-"
"Terosismo.", mayabang kong sagot.
"Kasunduang nilagdaan ni Haring John-"
"Magna Carta."
"Kabuuan ng mga karapatan-"
"Karapatang pantao."
"Sistema na ang mga taong may kakayahan-"
"Meritokrasya."
"Suporta o impluwensiya ng isang patron-"
"Patronato."
"Wow, nag-review ka nga. O ayan, papasa ka na sa test.", sinabi niya habang nakangiti.
"Good luck dahil isusumbong naman kita.", banta ko sa kaniya.
"Bakit naman?", tanong niya. Parang nang-iinis pa.
"Kasi di mo 'ko tinuruan ng mabuti."
"Pero nasagot mo naman lahat ng tanong ko di ba?", sabi niya. Pinatanda niya sa'kin na parang nang-aasar talaga.
"Nakakainis ka! Bahala ka na nga.", at humiga ako sa kama niya kahit pinagbabawal ako.
"Hoy ano ba!", patayo na siya sa study desk niya pero napigilan ko siya.
"May text ka!", sabi ko sabay turo sa cellphone niya. Lumingon siya bigla at kinuha ang cellphone niya.
"Looks like you're really into her, huh?", tanong ko sa kaniya.
"Oo naman. She's the perfect girl for me.", pagmamalaki niya.
"Nobody's perfect, stupid.", bulong ko.
"Huh?", nalilito niyang tanong.
"Sabi ko, paano mo naman nasabi na perfect siya?", tanong ko.
"Simple lang siya. Prim and proper siya.", sabi niya habang naka-ngiti. Para siyang nag-dedaydream or whatever. Atlis komportable ako ditto sa kama niya. Ang lambot at ang bango. He's so clean for a guy.
"Ano bang meron sa kama mo bakit ang bango?", tanong ko.
"That's my secret.", sabi niya habang naka-ngisi.
YOU ARE READING
Stars of the School
De TodoPaano kung nalaman mo na kaklase mo na yung mga estudyanteng perpekto tignan? Lahat sila matatalino at magaling sa iba't ibang bagay. Pero, pag nakita mo yung 'flaw' nila, ready ka na ba? What makes them special? Why are they called 'Stars of the Sc...