Prologue

235 3 5
                                    

Narrator's P.O.V.
Sa isang unibersidad, may dalawang estudyanteng hinahangaan sa sobrang talino. Ang isa ay mahilig sa siyensiya habang ang isa ay mahilig makipag-debate. Minsan ay nagka-salubong ang kanilang landas at may kakaibang naramdaman.

"Anong pangalan mo?"

"I'm sorry?", oo nga pala, hindi pilipino ang isa.

"I mean, what is your name?", sabay kamot sa ulo.

"My name is Anna."

"Nice meeting you. I heard so much stories about you."

"Really?"

"Yeah. You're very famous."

"You too, I heard so many things about you. You are Juan Marcelino, right?"

"Yeah."

Di nagtagal ay naging magkaibigan sila. Hanggang si Marcelino ay nagsimula ng manligaw habang tinuturuan niya si Anna ng wikang filipino.

"What is the tagalog word for 'handsome'?"

"It's pogi or gwapo"

"Oh okay. You're so pogi, did you know that?", at napa-tawa na lang si Marcelino.

" No, I'm not"

Pero, sa totoo lang, madaming nanliligaw kay Anna at madami namang humahangang kababaihan kay Marcelino. Nang sila ay nagtapos, sinagot na ni Anna si Marcelino at dalawang taon ang naka-lipas, sila'y nagpa-kasal. Si Anna ay naging isang chemist habang si Marcelino ay naging lawyer. At sila'y nagkaroon ng isang anak.

"What should we name him?"

"Charles?"

"What if Charles Louie?"

"Maganda ang pangalan na yun. Yun na lang.", payag ni Marcelino na may halong pagka-tuwa.

Nang umuwi na sila galing sa ospital, ay sumalubong sa kanila ang tatay ni Anna.

"There's my grand..."

"It's a boy"

"There's my grandson!", tugon ng tatay ni Anna na nag-ngangalang Albert.

Stars of the SchoolWhere stories live. Discover now