Felix's P.O.V.
May mga bagay na hindi mo naman talaga masasabi ng madalian sa iba. Kasi kailangan mong pabayaan na sila ang makikita. They've got to see it for themselves. So I think ito ang isa sa mga perfect situation non.
"Charles, dederetsuhin na kita. May balak sa inyong masama yung buong section namin.", sabi ko sa kaniya.
"Huh? Anong ibig mong sabihin?", nagtataka niyang tanong.
"Hindi pa ba halata? Kailangan pa ba nilang ulit-ulitin yung mga ginagawa nila para maramdaman niyo?", sagot ko.
"Edi lahat kayo?", tanong niya.
"Maliban sa'min ni John at Kristina.", sagot ko.
"Edi pati si-"
"Sorry. Di ko alam. Wala ako sa posisyon para sabihin 'yan.", at nag-madali na'ko.
"Wait! Hoy!"
Charles' P.O.V.
Di man lang lumingon si puta. Ano 'to? Nang-gugudtym? Edi pati si Maria kasama dito? Dammit, kailangan ko pa siyang tanungin. Pero bago 'yon, kailangan ko munang ipaalam kina Ed at Ethan 'to.
"Ano?", tanong ni Ethan.
"I'm not surprised.", sabi ni Edward.
"Kaso si Maria...", sabi ko sa kanila. Nakita ko yung mga ekspresyon sa mukha nila. Mukhang nanghihinayang. "Ano sa tingin niyo mga pre?", tanong ko.
"Di ko alam. Mukha naman siyang mabait eh.", sabi ni Ethan.
"Mabait? Eh paano ka nga kasi nireject non, Charles?", pang-uuyam ni Edward.
"Sana hindi. Sana nag-ooverthink lang ako.", sabi ko.
"Well, there's one way to find out. And I think alam niyo kung ano 'yon.", sabi ni Ethan.
"Ano? Mag-iimbestiga tayo?", tanong ni Edward.
"Exactly. Kaso kailangan natin maging maingat.", sabi niya. "Kung meron lang sana tayong mga kasama galing sa section A.", dagdag niya.
"May mga kaibigan naman ako sa A", sagot ko.
"That's good.", sabi ni Ethan. "Kailangan mamayang uwian ay ma-interview na natin sila."
"Di ka man excited?", tanong ko.
"Kailangan na natin 'tong ma-solve. Baka lalo pang maghirap yung section natin.", ngisi ni Ethan.
Pagkatapos namin nag-klase ay inabangan ko si Felix. Mga ilang minuto pa ay nakita na namin siya. Kasama niya sina Kristina at John.
"Uy, pwede ba namin kayo maka-usap?", tanong ko. Nagtinginan silang tatlo.
"Bakit? Tungkol saan?", tanong ni Felix.
"Doon sa...alam mo na. Yung ginagawa ng karamihan.", sabi ko.
"Sige. Basta wag tayo dito mag-usap.", sabi niya. Mapapansin mo sa tono niya na medyo takot siya.
Pumunta kami sa park na hindi ma-tao.
"So, ano nga pala yung itatanong niyo?", tanong ni Felix. Hihirit sana si Ethan pero pinigilan ko siya at binulungan.
"Wag ka masyadong agresibo. Baka akala nila niyan susugod tayo.", bulong ko.
"Right. Oo nga.", sabi niya.
"Bulong mo na lang sa'kin tatanong mo.", sabi ko.
"Ok. So itanong mo kung bakit nila 'to ginagawa sa'tin.", bulong niya sa'kin.
YOU ARE READING
Stars of the School
De TodoPaano kung nalaman mo na kaklase mo na yung mga estudyanteng perpekto tignan? Lahat sila matatalino at magaling sa iba't ibang bagay. Pero, pag nakita mo yung 'flaw' nila, ready ka na ba? What makes them special? Why are they called 'Stars of the Sc...