Chapter 28: Tennis player

30 0 0
                                    

Sophia's P.O.V.
"Sino yung pwede sa lawn tennis? Wala pa tayong player sa lawn tennis para sa foundation week.", announce ninClaire. Seriously? Just get over it. Ang layo pa non. Two weeks pa. Praning talaga 'tong babae na 'to. Kaya kami nag-away eh. Ugh.

"Sa tingin mo, OA ba si Claire?", tanong ko kay Charles na kanina pa ay walang ginawa kung hindi mag-basa. "Hoy!", sabi ko sabay yugyog sa kaniya.

"Aba puta naman!", pagalit niyang sinabi sa'kin.

"Ano ba kasi binabasa mo? Hindi naman natin pinag-aaralan ang Music Theory.", sarkastiko kong tanong. Di niya na lamang ako pinansin.  Haayyyssss. Puta neto. Nilapitan ko na lang ang gurls ko.

"Nakaka-inis!",  padabog akong lumapit kina Angelie at Emily.

"Napano ka?", tanong ni Angelie.

"Di daw kasi siya pinansin ni Charlie.", pang-aasar ni Emily. Tinignan  ko ng masama si Emily. "S-si pinsan ko. Di daw siya pinansin nung Charlie sa school nila.", palusot niya.

"So, napano ka nga?", tanong ulit ni Angelie.

"Si Charles kasi!", dabog kong sagot.

"Ayuuuuun.", sabi ni Emily. Tinignan ko ulit siya ng masama. "Yung pokemon. Ayun, nasa phone ko.", sabi niya habang tinuturo ang phone niya. Tsssss.

"Magpapa-apekto ka dun?", tanong ni Angelie.

"Oo! Dapat na-kokontrol ko siya. Duh!", sabi ko.

"Huh? Bakit?", nagtatakang tanong ni Angelie.

"Ah basta! Binabayaran ko siya. Bayarang lalake ko siya.", sabi ko. Tumawa sila. Napa-kunot ang noo ko. "Anong nakaka-tawa?", nagtataka kong tanong.

"Alam mo bang ang pokpok ay bayarang babae?", patawang tanong ni Emily.

"It's not like that! Ugh.", at nag-walk out ako. Pumunta ako somewhere pwede mag-phone. I don't care kung late ako sa susunod na period or what. I just feel like rebellious.

So, nandito na nga ako sa hangout plaze ko. Masaya naman ako ngunit may narinig ako. Mas magpapa-saya sa'kin.

"Kamusta na kaya si Charles noh?"

"Na-alala mo nung niligawan niya si Maria?"

"Oo nga eh. Ang choosy ni Maria. Ok lang naman si Charles eh.", sinilip ko sila. Sila yung mga taga-section A. Past classmates siguro 'to ni Charles. Napa-ngiti ako sa naisip ko. Nilapitan ko sila.

"Hiii!", malambing kong bati sa kanilang dalawa. Nag-tinginan silang dalawa.

"Hi! Ikaw si Sophia right?", tanong ng isa.

"Yup. I'm Sophia.", ngiti kong sagot. "May tatanungin lang sana ako. Important.", lambing kong tanong.

"Ano naman yun?", tanong ng isa.

"Kilala niyo ba si Charles?", at nag-tinginan ulit silang dalawa ng naka-ngiti.

"Of course. Kaklase namin siya dati.", sagot ng isa.

"Pogi siya, matalino, tapos magaling din siya lahat ng sports.", tuloy-tuloy na sagot ng isa. Wow, close sila? "Kaso, isang sports lang daw talaga ang pinaka-gusto niya.", dugtong nito.

"Ano yon?", tanong ko.

"Lawn tennis.", sagot niya. Napa-ngiti ako. Hehehehe. Bwahahaha.

"Oh really?", taas-kilay kong tanong.

"Yup. Madami daw siyang trophies sa lawn tennis. Pumapangalawa daw yung chess. Tapos, table tennis. Tapos, badminton. Tapos, soccer. At madami pa. Halos lahat.", wow, alam na alam nila talaga si Charles.

Stars of the SchoolWhere stories live. Discover now