Samantha's P.O.V.
"Pwede na daw po siyang mag-stay sa bahay.", sabi ng nurse kay Mommy."Ah ganun po ba? O sige salamat po."
For how many days na akong nakulong dito sa kwarto na 'to at wala pa din akong maalala. Ulit-ulit na white walls at white curtains ang bumubungad sa paggising ko. Ulit-ulit ang palabas na pinapanood ko. Ulit-ulit din ang mga taong nakikita ko. Well, except that one time. Sinama ni Edward 'yong mga kaibigan niya. Familiar din sila. Lalo na 'yong Valerie at Nyla. Pero wala talaga akong maalala.
Maya-maya ay nagayos na kami para sa paguwi ko. Excited na akong umuwi. Nakakabagot kasi sa ospital. Gusto kong malaman kung sino ba ako. Tsaka baka mabalik na din lahat pag nakita ko na 'yong bahay namin.
Sa kahabaan ng biyahe, wala akong ibang ginawa kung hindi tignan kung ano ang nasa labas. Iba't-ibang uri ng sasakyan, iba't-ibang taas ng building tsaka mga taong nakikipag-interact sa isa't-isa.
"Tara na. Nandito na tayo.", lingon sa 'kin ni Mommy.
Binuksan ko ang pinto ng kotse at dahan-dahang lumabas. Tumingin ako sa paligid at hindi makapaniwala na nakalabas na ako. Di ko nga alam na malaki pala 'yong bahay namin. Tinignan ko ang katapat na bahay, at ang mga katabing bahay. Siguro ay mayaman kami at nasa pang-mayaman kami na subdivision?
Tinawag na ako ni Mommy kaya naman pumasok na ako sa bahay. Maganda din ang loob ng bahay namin. May kung ano-anong display na vase.
Dumiretso na ako sa kwarto ko. Tumalon ako sa kama at humiga. Pagka-upo ko ay napansin ko ang mga kalat sa taas ng drawer ko. May nakita akong Polaroid camera at kinuha ko. Tinignan ko kung may laman pang films. Nakita ko na wala na. Kinalkal ko pa ang drawer ko. Puro damit na lang yung nakita.
Pagkatapos ko kalkalin ang drawer ko, tinignan ko ang ilalim ng kama. May nakita akong shoe box. Kinuha ko at pinagpagan ko dahil may namumuo ng alikabok. Dahan-dahan kong binuksan at may nakita akong mga pictures at gunting. Sa pagtataka ko, kinuha ko yung gunting at tinignan nang mabuti. Unti-unti ako nawalan ng pakialam kaya tinabi ko muna sa isang banda.
Binalik ko ang atensyon ko sa shoe box at isa-isang pinagmasdan ang mga pictures. Lalo lang akong nagtaka dahil puro si Edward lang yung nandito. Stolen pa yung iba. Ang weird dahil may na-feel akong excitement sa pagtingin sa mga pictures. Pero, sa 'kin ba 'to o sa kaniya? Bakit ko naman siya pipicturan? Tapon ko na lang kaya?
"Samantha.", tawag ni Mommy.
Napalingon ako. Agad-agad kong binalik ang mga picture sa shoe box at tinulak ang shoe box papunta sa ilalim ng kama. Dali-dali akong lumabas sa kwarto at bumaba ng hagdanan.
"Bakit?", tanong ko habang bumababa.
Nang makapunta na ako doon, nakita ko si Edward.
"Hinahanap ka ni Edward.", ngiti sa 'kin ni Mommy. Pagkatapos ay bumalik na siya sa kusina. Nagluluto ata dahil may naaamoy akong mabango.
"So...kamusta na?", tanong niya sa 'kin.
"Ok na 'ko.", ngiti ko sa kaniya.
"Tara sa labas. May papakita ako.", yaya niya sa 'kin. Tumango ako bilang pagsang-ayon.
Lumabas kami at pumunta sa side ng bahay namin. Pina-ingay ng mga nagkalat na dahon ang paglakad namin. But actually, gusto ko din naman tinatapakan dahil gusto ko din naririnig ang pag-crush ng leaves.
"Sam.", tawag sa 'kin ni Edward. Tumigil ako sa pagtapak at pagsipa ng mga dahon at tinignan siya. "Naaalala mo pa 'yon?", turo niya sa taas ng puno. Sa taas ng puno, may nakita akong treehouse.
"Mhm. Di ba 'yan yung treehouse na ginawa...", napatigil ako nang konti bago magsalita ulit. "...natin?", nagtataka akong tumingin sa kaniya.
"Yup.", nakangiti niyang sagot.
YOU ARE READING
Stars of the School
عشوائيPaano kung nalaman mo na kaklase mo na yung mga estudyanteng perpekto tignan? Lahat sila matatalino at magaling sa iba't ibang bagay. Pero, pag nakita mo yung 'flaw' nila, ready ka na ba? What makes them special? Why are they called 'Stars of the Sc...