Charles' P.O.V.
4:00 na. Tangina, may pasok na naman. Bakit kaya ako di nasasanay?*kriing krii-*
At binatukan ko na naman ang alarm clock. Buti talaga hindi 'to nababasag. Tumayo na'ko sa kama at naisipan kong pumunta ng lab. Pero napag-isipan ko na lang na mag push-up at sit-ups or whatevs. Oo, nag-woworkout ako minsan. Ayokong maging batchoy. Pagka-tapos nun ay naligo na'ko at nag-bihis. O sige, inayos ko yung buhok ko ngayon. Naka-trip ako ngayon eh. At ni-lock ko na yung dalawa kong bahay at umalis para mag-commute.Lyra's P.O.V.
5:00 na ng umaga. Good morning world! Pagka-bangon ko ay nag-pray muna ako bago ako tuluyang umalis sa kama. Pagka-tapos nun ay naligo na'ko pagkatapos ay kumain. At kiniss ko sa cheeks si mama at papa."Bye ma, bye pa."
"Bye baby.", sabi ni mama habang si papa naman ay nag-babasa ng dyaryo.
"Bye ate."
"Bye.", di siya nakapag-salita ng mabuti dahil nag-totoothbrush siya. At umalis na'ko sa bahay para mag-commute.
Claire's P.O.V.
Akalain mo nga naman, 5:00 na. May pasok na naman. Pagka-bangon ko ay dire-diretso na'ko sa banyo at naligo ako. Pagka-tapos nun ay pumunta ako sa timbangan ko. 44 kg. Tumataba ako puta. Pagka-baba ko ay binawasan ko yung kain ko. Dahil ayokong maging tabachoy."Bye ma, bye pa.", sabi ko.
"Ayusin mo pag-aaral mo ha. Bye.", tssss... Yun lang yung habol nila sa'kin. Yung pag-aaral ko. Yung putanginang pag-aaral ko.
Ethan's P.O.V.
5:00 na. Pagka-bangon ko ay dumiretso ako sa banyo at tumingin sa salamin. Ang gwapo ko talaga. Hehehe. Pagka-ligo ko ay kumain na'ko."Bye ma."
"Bye bhe."
"Ma! Di na 'ko baby!"
"Edi, bye kuya."
"Bye!", at umalis na 'ko para mag-commute.
Edward's P.O.V.
5:00 na. Pagka-bangon ko ay naligo na 'ko tsaka ako kumain."Edward.", tawag ni mom.
"Bakit mom?"
"Bakit di na lang kayo mag-sabay ni Samantha?"
"Ano kasi eh...", si Samantha. Siya yung childhood friend ko. Kapit-bahay lang namin siya kaya naging magka-laro kami. Hanggang sa nag-migrate kami nina mommy, daddy at nung kapatid ko sa america. Tapos ngayon, medyo nag-bago na lahat.
"Ano?"
"Nakaka-hiya."
"Sus! Nahiya ka pa! Eh dati, nagkakasal-kasalan pa kayo nun."
"Ehhh... Dati yun eh."
"O sige. Kung ayaw mo, ayaw mo. Basta ingat ka na lang sa pag commute ha."
"Sige mom.", sakto nun ay natapos na 'ko sa pagkain at nag-sipilyo tapos nag-commute.
Pagka-sakay ko sa jeep ay nandun pala si Samantha. At medyo nahihiya pa 'ko kaya umiiwas ako ng tingin. Hanggang sa tumabi siya sa'kin.
"Hi Edward!", masayang bati niya sa'kin.
"Hi.", bati ko din sa kaniya.
"Kamusta na?"
"Ok lang.", at yun. Di ko akalain na magkwekwentuhan na naman kami. Natanggal bigla yung hiya ko sa kaniya. Pagkatapos ay pumara ang jeep. Sumakay si Lyra.
"Edward! What a coincidence!", sabi niya. At nag-tinginan yung mga tao sa jeep. At may mga manyak din na tumingin kay Lyra dahil naka-duko 'to at litaw yung linya sa dibdib niya.
YOU ARE READING
Stars of the School
RandomPaano kung nalaman mo na kaklase mo na yung mga estudyanteng perpekto tignan? Lahat sila matatalino at magaling sa iba't ibang bagay. Pero, pag nakita mo yung 'flaw' nila, ready ka na ba? What makes them special? Why are they called 'Stars of the Sc...