Chapter 29: Surprise booth

18 0 0
                                    

Claire's P.O.V.
Malapit na yung foundation week. Trabaho na naman 'to. Tapos ang konti pa namin. 20 lang kami. Paano niyan 'yon? Di ba ang tanga? Anyway, bakit nga ba ang aga ng foundation week/day namin? Alam niyo naman siguro na, foundation ang founding anniversary ng school. So, sa foundation day nagawa ang school na ito. Pero bullshit, bakit ang aga? Ayaw ba nilang i-move?

"Guys, wala pa tayong booth.", inannounce ko sa buong classroom. Pero walang nakikinig. Putangina naman kasi. Na-una kasi chismis bago importanteng bagay. So stupid. Ugh. " HOY! MAKINIG NGA MUNA KAYO SA'KIN! PUNYETA!", sabi ko habang nag-dadabog ako sa teacher's desk. Tumahimik lahat sila. At tinitignan ako ng masama ni Sophia. Ano bang pake ko sa kaniya? Putangina niya. "May naisip na kayong booth niyan!? Gusto niyong mapahiya!?", pagalit kong tanong sa kanila. Wala silang imik. I knew it. Wala pa silang na-isip. Tsk. What a fai-

"Claire.", tawag sa'kin ni Charles.

"O? Bakit?", tanong ko sa kaniya.

"May naisip ako.", at nilapitan niya ako.

"Anong naisip mo?", tanong ko nang siya ay malapit na sa'kin.

"Paano kaya kung ganito, iba-iba tayo ng booth?", sabi niya. What the fuck....?

"A...no?", naguguluhan kong tanong.

"Di ko pa alam kung anong pangalan ng booth. Pero, ganito siya, sa oras na 'to, ganito yung booth natin. Kunwari pag 8:00 jail booth. Tapos, magbibigay tayo ng time para mag-ayos at babaguhin natin ang jail booth into café booth.", paliwanag niya. Aaminin ko, it's clever. "At hindi naman tayo tatawaging 'gaya-gaya' kasi hindi naman nila alam kung ano na yung booth.", dagdag niya.

"Kaso, proproblemahin natin yung pera. Ano bang booth sa tingin mo yung masasali natin?", at biglang may sumabat.

"Pwede ba tayong maglagay ng G.R.O. booth or club booth? Para masaya. Madami tayong makokolekta na money.", sabi ni Nico.

"Wala ka talagang ma-isip na matino noh. Adik!", sabi ko sa kaniya.

"Luh, di ako adik. Yung adik nag-dadrugs. Di ako nag-dadrugs. Ayaw ko ngang ma-tokhang. Tsaka, maka-Duterte ako.", katwiran niya. Tangina, ang daming satsat nito.

"Since alam mo na lahat, dapat alam mo na din kung kailan tumahimik.", sabi ko sabay snob.

"O sorry na po.", sabi niya sa'kin habang hinahawakan niya ako sa balikat ko.

"Can you stop!? Ugh.", at nilayuan ko siya. Tangina niya eh. At saka naman ako nilapitan ni Lyra.

"May na-isip ako.", sabi niya sa'kin. "Paano kung, maglagay kayo ng marriage booth?", mungkahi niya.

"O sige. Pwede din.", sabi ko.

"Lagay mo noh. Pleaseeee? Hihihi", kinikilig niyang pag-pipilit sa'kin. Ugh, parang alam ko kung bakit siya ganyan. I mean, seriously?

"Ummm, ok. Sige na nga. Mukha namang kikita tayo ng madami dun.", sabi ko. Mukha namang kakita-kita yung booth na 'yon. Sa amin palang, ang dami ng pwedeng i-marriage booth.

*few moments later*
Nakakalap na ako ng impormasyon.

"So, ito lahat ng booth natin. Mayroon tayong Marriage booth, Yung may hahawakang kadiri booth, yung hindi mo alam kung anong iinumin mo kasi pipili ka sa mga naka-takip na baso booth, Horror booth, café booth, Answer or pay booth, disco booth, at jail booth.", inannounce ko. "PERO! Paano yung funds natin pang-gawa ng mga ganung booth?", tanong ko sa kanila.

"Edi we'll pay.", sabi ni Sophia.

"Magbabayad kayo lahat?", tanong ko.

"Of course we will.", sabi niya. Naka-gigil 'tong bitch na 'to.

Stars of the SchoolWhere stories live. Discover now