Narrator's P.O.V.
Pagkatapos ng lahat ay bumalik na sa normal ang lahat. Wala ng nag-paramdam kay Edward na mga taong nagbabanta sa buhay niya, tahimik ulit si Sam, nag-tretraining si Drew at nakikipagdaldalan naman si Lyra. Pero isang araw, may pangyayaring babago sa takbo ng buhay ng dalawang estudyante sa classroom ng S section."Hayyyy. Ang bilis! Tapos na agad yung periodicals.", sabi ni Ethan.
"Oo nga eh! Buti naman!", dagdag ni Lyra. Maya-maya pa ay dumating ang kanilang pinaka-mamahal nilang adviser. Mahal nila ito bago siya dumating pero nung dumating na siya ay may nainis na sa susunod niyang ginawa.
"Sophia, Nico, Clair at Charles, kindly follow me at the faculty.", nag-tinginan sina Sophia at Nico habang sina Claire at Charles ay sumunod lang. Kabadong-kabado sina Sophia at Nico habang sina Claire at Charles ay makikita mong walang reaksyon. Pagka-pasok nila sa faculty ay nilapitan na nila ang kanilang adviser.
"Ano pong ganap sir?", tanong ni Nico.
"Actually, kailangan ko lang kausapin sina Claire at si Charles. Pero since damay din kayo, kailangan niyo na ring marinig kung ano ang sasabihin ko sa kanila."
"Ala! Anong ginawa mo Charles! Sinama mo pa kami sa gulo mo!", pangungulit ni Nico. Pero di lang ito pinansin ni Charles.
"Kayo talaga yung may atraso, Nico at Sophia.", nag-tinginan sila at na-tahimik.
"Ok, sasabihin ko na once and for all para maka-balik na kayo sa classroom. Charles at Claire, kailangan niyo silang i-tutor.", nagulat ang dalawang estudyante.
"WHAT!?", at binagsak nila ang kamay nila sa desk ng kanilang adviser.
"Hephep. Hindi lang 'yon. There's a good news.", at mukhang na-ginhawaan ang dalawa.
YOU ARE READING
Stars of the School
RandomPaano kung nalaman mo na kaklase mo na yung mga estudyanteng perpekto tignan? Lahat sila matatalino at magaling sa iba't ibang bagay. Pero, pag nakita mo yung 'flaw' nila, ready ka na ba? What makes them special? Why are they called 'Stars of the Sc...