Chapter 18: Ligaw o Ligaw?

27 0 0
                                    

Lyra's P.O.V.
Bagong araw na naman! Goodmorning world! Kaso, bagong araw, bagong pagsubok. Hayyy.

"Ok class, exchange papers.", at nag-palit na kami ng test booklet ni Claire. Feeling ko, madami akong mali. Di kasi ako masyado nag-review.

*few moments later*
"Bukas naman, quiz ulit tayo. Dahil di pa natin napag-quiz ang lesson kahapon, bukas na lang. Good day class.", pag-papaalam ni mam.

"Good day mam.", sabay-sabay kaming tumayo habang nag-paalam.

"Ihhh. Quiz na naman.", panaghoy ko.

"Kung walang quiz, wala ding learning ok?", masungit na sinabi ni Claire. Ano ba 'yan! Sumusungit na naman siya.

"Pffft. Punta lang ako sa CR.", pumunta ako ng CR para magnila-nilay. At tinatawag ako ni mother nature. Pumunta na ako sa may mirror para mag-hugas at biglang lumaki ang tenga ko sa mga narinig ko. Naka-bukas kasi ang pinto ng CR at magka-tabi lang ang CR ng lalake at babae. Ito ang narinig ko:

"Bro, ligawan mo na kase. Baka mamaya ma-unahan ka pa.", sabi ng isang lalake.

"Di dapat natin pag-usapan 'yan dito. Paano kung may naka-rinig sa'tin?", sabi ng isang lalake. Pamilyar ang boses nito.

"I'm just saying.", sabi ng ulit ng lalake. Sumilip na ako at sina Blaine pala at si Drew.

"Paano kung tanggihan niya ako Bro? Kasi, kahit nga biruan lang, hanggang doon na lang 'yon.", sabi ni Drew. Naguguluhan na talaga ako. Sino naman kaya yung liligawan niya?

"Yan problema sa'yo Bro, masyado kang torpe. Sabihin mo lang as it is.", sabi ni Blaine.

"Kaso ibang tao siya. Paano kung study first siya?", nilabas ko pa ang ulo ko para makinig. "Kase, simpleng tao lang si—", naputol ang sasabihin niya ng biglang nag-creak ang pinto.

"Kita mo na Bro! May tao.", sabi ni Drew.

"Ehhh.", sabi ni Blaine habang tinaas ang balikat. At lumabas na ako.

"Lyra! Nasa CR ka pala.", bati niya sa'kin.

"Ahhh, oo.", sabi ko.

"Kailan pa?", tanong niya.

"Kanina pa.", nadulas ako. Nanlaki bigla ang mata ko pero tinago ko ang pagka-gulat ko.

"So, narinig mo pinag-uusapan namin?", tanong sa'kin ni Blaine.

"H-hindi naman.", sabi ko.

"Yung totoo.", tanong sa'kin ni Drew habang tinititigan ako ng malagkit sa mata. Napapatawa na ako sa sobrang kilig.

"Narinig ko. Sorry.", napa-yuko kong sinabi. Nag-tinginan silang dalawa.

"Uhhh, ano lahat ng narinig mo?", tanong ni Blaine.

"Yung ligaw ligaw.", sabi ko.

"Di mo alam kung sino di ba?", tanong ni Drew.

"Uhhhh, hindi. Sino ba?", nagtatakang tanong ko sa kaniya.

"Phew. Buti na lang.", sabi ni Drew. "Basta.", sabi niya sa'kin.

"Malay mo matulungan kita.", sabi ko sa kaniya. "Kaya, sabihin mo na."

"Matutulungan mo naman ako eh. Pero... Basta!", at umalis na silang dalawa. Ano ba 'yon? Ang gulo. Basta, ang alam ko ay hindi ako 'yon. Bakit naman kasi umaasa ako? Kailangan ko na talaga mag-move-on.

Drew's P.O.V.
"Bro! Kailangan mo na talagang gawin ang galaw mo. Paano kung ma-unahan ka talaga? Maganda pa man din si Lyra, at matalino.", sabi ni Blaine.

Stars of the SchoolWhere stories live. Discover now