Evianne's P.O.V.
Ako si Evianne Aria P. Almario. I'm also known as the Primadonna in this school. I can sing and dance. Pero, sa lahat nang kagandahang talents na natanggap ko, minus factor naman ang ugali ko. What am I talking about right? Well, I broke a million hearts just for fun. Kaya, notorious ako sa pagiging 'slut'.But in anyways, gusto pa din ako ng crowd. Mabait naman ako kahit madami akong ex. Just like Taylor Swift. I always get what I want. I have money and power. Pero, syempre at the end of the day, kulang pa din ang lahat ng mga 'to. What am I saying? I can't deny the fact na nag-hahanap ako ng true love. Pero, paano kung yung niloko ko yung destined? Well, HINDI. I'm looking for someone who is stronger than me. More fucked up than me. Then I thought of this Derick guy. Kaya sinubukan ko siya. I don't even think he's cut for it. So I can still feel the emptiness inside of me. The void inside. Also, I don't have friends, I have fans.
"Class, next week na ang pag-cecelebrate ng ating buwan ng wika. Medyo late ang pag-cecelebrate kasi nag-isip sila ng mga iba't-ibang contests at events.", I don't really care about this. Madaming sinabing walang kabuluhan si Sir ABC. May isa lang siyang sinabi that drew my attention.
"Mayroon din daw singing contest.", at napa-lingon ako. "Sinong gustong sumali?", Hmph, siyempre ako isasabak nila diyan. Sino pa bang magaling kumanta dito di ba? Ako lang. Wag na kayong tumingin sa iba. Then I flipped my hair.
"Sir, obvious naman pong si Evianne ang ipalalaban natin.", sabi nung nerd. Claire? Is that her name?
"O sige si Evianne na lang.", Sir announced. Wait, 'na lang'!? Didn't he knew that I'm above 100% pag dating sa pag-kanta? I don't accept 'na lang' in my name.
*Break*
"Bhe, dito ka na muna ok? Wag ka muna tumambay please.", pagmamaka-awa ko kay Derick."O sige. Alam ko namang kailangan mo ako eh. Pero, mas kailangan kita kaysa sa kailangan mo ako.", sabi niya sabay halik sa kamay ko.
"Sweet mo naman!", at pinalo ko siya ng mahina sa braso.
"Mas ma-aappreciate ko kung ibabalik mo sa'kin yung kiss.", sabi niya sabay kindat.
"Ok.", at kiniss ko siya sa cheeks. No big deal.
"Kinilig naman ako bhe.", sabi niya habang naka-hawak siya pisngi niya. Napansin kong di naman siya namula or what. Normal ba 'yun? Di ka mamumula kung kiniss ka ng taong mahal mo? Hmmm. Maliban na lang kung—AH!!!
"Anong iniisip mo? Ang lalim naman yata.", nagtatakang tanong niya sa'kin.
"Wala naman, tungkol sa narinig ko kanina.", kung tama ang hinala ko. Mayroon siyang iba.
"Ano ba narinig mo?", tanong niya sa'kin.
"Something like: Ang sweet ni Derick!", pagka-tingin ko sa kaniya, napa-lunok siya ng laway at napa-kamot sa buhok.
"Evianne, nag-dududa ka ba sa'kin?", seryoso niyang tanong sa'kin.
"Look, di ako nag-dududa sa'yo, ok? It's just, that girl. Sana di ko guni-guni yun.", Theory Failed. Great. Ako pa nag-mukhang masama. Nag-assume kasi ako eh. Well, di makaka-tulong yung ginawa ko sa totoo kong intention sa kaniya. Truth be told, I just didn't want to 'test' him. Gusto ko din siyang saktan. Like, break the heartbreaker's heart, pak!
"Di kita lolokohin, at alam mo naman 'yan.", sabi niya sa'kin.
"Sana nga. Sana wag mo akong matulad kay Sophia.", at nginitian ko siya.
"Ano ba! Don't ever say her name.", at bigla siyang nagalit. Umalis siya. I guess, mahal niya pa si Sophia. Sino bang may kasalanan gago?*smirk*
Derick's P.O.V.
Una sa lahat, paano niya nalaman yung ka-flirt ko? Well, baka hindi naman siya sigurado sa ina-akusa niya. Agad siyang sumuko eh. At pangalawa, nasaktan ako sa sinabi niya. Oo, mahal ko pa si Sophia. Ang tanga-tanga ko lang kasi di pa ako huminto. Ughh, tanga-tanga ko talaga. Maya-maya ay nasalubong ko si Charles. Wait, di ba magkasama sila ni Sophia?
YOU ARE READING
Stars of the School
RandomPaano kung nalaman mo na kaklase mo na yung mga estudyanteng perpekto tignan? Lahat sila matatalino at magaling sa iba't ibang bagay. Pero, pag nakita mo yung 'flaw' nila, ready ka na ba? What makes them special? Why are they called 'Stars of the Sc...