Chapter 3: Busted!

45 1 0
                                    

Charles' P.O.V.
Pagka-uwi ko ay nasa loob ng bahay ko si Tita.

"Hi Charles."

"Hi tita.", at nag-mano ako.

"Kamusta school?"

"Ok lang. Nasa section S."

"Ahhh... Malapit na kayo mag-kita.", bulong niya.

" Nino?", tanong ko sa kaniya.

"Wala, may iniisip lang ako.", ano kaya yun? Ang weird.

" So, anong pakay mo dito?"

"Nag-grocery na'ko para sa'yo. Inutusan kasi-I mean inutusan kong mag-grocery yung pinsan mo pero ayaw niya kaya ako na lang."

"Wow, ang bait naman ni pinsan."

"Bayaan mo na. Love ko naman siya eh."

"Buti pa siya may mom.", naka-yuko kong sinabi. Nilagay naman ni tita yung kamay niya sa likod ko habang hinihimas niya.

"Ikaw naman. I'm sure someday, babalik sila sa buhay mo, ok?"

"Ok lang, kaya kong mag-isa eh."

"Basta, babalik din sila. Maghintay ka lang. Alis na ko ha?"

"Sige. Bye tita.", at umalis na siya. Pumunta na'ko sa kuwarto ko. Hinubad ko na ang uniporme ko at humiga.

Bakit kaya nila ako iniwan? Talaga bang for sacrifice yung ginawa nila or what? Maybe I'm not that good enough. Sige, matalino nga ako, sabi nila may itsura daw ako at napunta pa ako sa section S na yan. Anong kulang? Nasa naughty list ba 'ko ni Santa? Siguro, dahil medyo masungit ako. Sige na nga, magpapaka-bait na 'ko. Ng konti. Konti lang.

Narrator's P.O.V.
.: kinabukasan :.
Habang ang iba ay nagtatakbuhan sa loob ng campus, may isang estudyanteng nag-lalakad lang ng may seryosong mukha. Sa malayo ay tinitilian siya. Ngunit wala itong paki-alam. Sa paglalakad nito ay may naka-salubong siyang babae. Madaming lalaki ang may gusto sa babaeng ito. Dahil siya ay maganda, may perpektong katawan at may pagka-talino.

"Hoy, di totoo yung mga pinagsasabi mo."

"Kawawa ka naman. Pero, tabi ka na. Busy pa akong nag-lalakad."

"Pero tigilan mo na ang paninira kay-", hindi natuloy ang sinasabi nito dahil tinalikuran siya ng lalake.

Stars of the SchoolWhere stories live. Discover now