Chapter 36: New Neighbor

23 0 2
                                    

Emily's P.O.V.

Just another lazy Saturday, nothing unusual. I'll just hit up with my girls. But first, I'll just go downstairs para magpa-load. Wala na pala akong load hehe.

"Goodmorning Mom and Dad.", naka-ngiti kong bati sa kanila. "I'll just magpapa-load.", paalam ko.

So as I am on my way to the tindahan may nakita akong truck na tumutulong sa mga lipat-bahay. I didn't care at all like, duh, I don't like new neighbours. Paano kung lame sila? Anyway, na-reach ko na yung tindahan ng subdivision namin which is not-so-malayo naman. I talk to the store vendor and it was all ok.

So I made my way home and nadaanan ko na naman yung truck at nagulat ako bigla sa nakita ko. Si Blaine, nagbubuhat siya ng kahon. Does he work para sa company na 'yon? Gusto ko siyang lapitan pero nakakahiya. Hanggang sa nakita niya akong tumitingin sa kaniya. Napa-iwas ako ng tingin. I can tell na lumalapit siya sa'kin.

"Emily! Anong ginagawa mo dito?", tanong niya sa'kin.

"Um, dito ako nakatira. See this house?", at tinuro ko yung bahay namin. "Diyan ako naka-tira."

"Talaga?!", gulat niyang tanong. I nodded. "Dito na din kasi kami titira?", Masaya niyang wika.

"REALLY?! OMG!", nabigla kong tanong.

"So magiging magkapit-bahay pala tayo. That's cool.", sabi niya habang tumatango-tango.

Ayaw ko sanang bumalik sa bahay pero kailangan kong ipakita na hindi ako gahaman pagdating sa kaniya.

"I think you're busy. I'll just see you later.", sabi ko.

"Tatawagin na lang kita mamaya. We should hangout.", yaya niya sa'kin.

"OK. That's great.", sabi ko at pumasok na ako sa bahay namin.

Pagkapasok ko sa bahay ay nagsisisigaw-sigaw ako.

"OMG!OMG!OMG!", sabi ko habang tumatalon-talon. Hindi ko napigilan ang saya ko.

"Napano ka Emily?", tanong ni Mom.

"I'm just happy na may bago tayong kapit-bahay.", sagot ko.

"Oh really?", taas-kilay na tanong ni Mom.

"Yeah, he is my classmate. Masaya lang ako na may malapit akong kaklase.", sabi ko.

"He? Classmate mo lang ba siya or...", nakangiting tanong ni Mom.

"Mom! Classmate ko lang siya. Kakasabi ko lang eh.", sabi ko habang natatawa.

"OK.", she said while making an 'I-don't-believe' face.

Dumiretso na ako sa room ko para gumawa ng wala. I just scroll sa FB and IG and Twitter and stuff. Ganun ako for like 5 hours and then bumaba ako para kumain and more. You know na, human necessities. I was nasa sala and napansin kong wala sina Mom and Dad.

"Tita Nida?", I called out for yaya.

"Bakit ho?", she answered.

"Where's Mom and Dad?", I asked with a smile.

"Umalis daw po sila. Reunion daw po.", she said in a bisaya accent.

"Oh I forgot! Ngayon nga pala 'yon.", I exclaimed, foolishly. "Thank you, Tita.", I said and she went on doing stuff like gawaing bahay.

Hindi na ako bumalik sa room at nanood na lang ako ng t.v. sa living room habang you know, patuloy na nag-iiscroll sa FB and IG. I decided to continue my plan on calling my girls pero biglang may nag-doorbell. Pagka-bukas ko ng pinto ay si Blaine ang tumambad sa sight ko. This is odd pero bakit parang expected ko na pupunta siya dito?

Stars of the SchoolWhere stories live. Discover now