Chapter 9: It continues

33 0 0
                                    

Edward's P.O.V.
.: 2 weeks later :.
Pagkatapos ng lahat ng mga pagbabanta sa aming mga buhay ay pinapasok na ako ni mom dahil tumigil na sila. Laking pasasalamat ko naman. Kaso, si Sam, nakaka-takot pa din.

"Buti pumasok ka na Ed! Ang tagal mong nawala.", sabi sa'kin ni Lyra.

"Basta. Private reason..", palusot ko. Maya-maya ay nakita kong papalapit si Sam. Gusto ko sanang umalis pero baka may mangyareng masama.

"Hi Edward!", masigla niyang bati sa'kin habang ako'y kinakabahan. Ako lang ang nakaka-alam sa sikreto ng babaeng 'to. Kung paano siya nakaka-patay ng mga tao.

"Hi.", bati ko habang naka-ngiti para itago ang takot ko.

"O siya, lapitan ko muna si Charles ha.", sabi ni Lyra habang tumayo siya para puntahan si Charles.

"Edward, may mali ba? Bakit parang may mali sa tono ng pananalita mo?", sabi niya habang tinatapik niya ang kaniyang pisngi na para bang batang nag-tataka. Nagulat ako sa tinanong niya. Hindi ko naman alam na nahalata niya.

"Wala naman. Medyo inaantok lang ako.", at yumuko ako at umaktong parang inaantok.

"I don't think so Edward.", at ngumiti siya. Ngumiti siya na para bang nananakot.

"Bakit naman?", patawa kong sinabi ngunit sa totoo ay kinakabahan na'ko.

"Joke lang! Ikaw naman.", habang tinulak niya ako sa braso ko. Nagkunwari na lang ako na tumatawa.

"Uhhhh...Sam, may gusto talaga akong sabihin sa'yo eh.", sabi ko habang hinihimas-himas ko yung mukha ko. Kabang-kaba na'ko dahil baka mapatay niya ako.

"Ano naman 'yon?", naka-ngiti niyang tanong sa'kin. Paano ko ba masasabi na di ko naman talaga siya mahal? Crap.

"Ano kasi...Yung sinabi ko dati...", bigla na lang naging seryoso ang ekspresyon ng mukha niya. Napa-lunok ako ng laway. Ok, sasabihin ko na talaga para wala nang umasa. The truth will set us free. "Hindi naman kasi-"

"Goodmorning Sir!", tumayo ang mga tao sa paligid namin ni Sam. Napa-tingin kami at agad din kaming tumayo. Bumalik na kami sa 'proper places' namin.

"Goodmorning class. Sorry kung maaga akong mag-announce, next, next week na yung periodicals niyo guys. Mabilis yung school. Kailangan daw kasi ng results for some private reason...", ngayon ko lang narinig yung tungkol sa 'private reason'. Di naman 'to NAT.

.: break :.
Ok, man up Edward. Wala na dapat umasa. Wala din dapat magpaasa.

"Sam!", sabi ko habang nilapitan ko siya. Liningon niya ako tsaka niya ako nginitian. "Pwede ba tayong mag-usap?"

"Sure!", tsaka kami pumunta sa private na lugar.

Pagka-punta namin doon ay lumingon ako sa kung saan pwede dumaan ang mga tao. Sa kasalukuyan ay walang dumadaan. Ok! Pag namatay ako dito, walang makakakita sa'kin. At, parang walang hustisya doon.

"O, bakit mo 'ko gustong kausapin?", tanong ni Sam.

"Kasi... Sam, yung sinabi ko dati na..."

Samantha's P.O.V.
"Kasi...Sam, yung sinabi ko dati na...", tumitingin ako sa kanya habang nagsasalita siya. Ang pogi niya talaga. Ang cute pag may salamin tapos pogi siya pag wala. Nagpapasalamat ako na-OMG! Napatingin ako sa taas nang may naka-tutok na sniper kay Edward. Mabilis akong tumingin sa paligid at may nakita akong metal na parang tray.

"Hindi kasi talaga kita mahal-", tinulak ko siya at napa-upo siya sa may sahig at tinira ko yung bala ng sniper na parang naglalaro ako ng tennis.

Edward's P.O.V.
Nagulat ako sa ginawa niya. Tinulak niya 'ko sa sahig. Nanlaki na lang ang mga mata ko sa pagka-gulat. Di ako naka-tayo.

Stars of the SchoolWhere stories live. Discover now