Ethan's P.O.V.
"Shit! Si Nyla!", sigaw ni Edward.
"Siya yung nagtatangkang pumatay sa'yo?", nagtatakang tanong ni Charles.
"Bakit ganun? Kaklase natin siya.", sabi ko.
"Hindi natin alam baka masama pala siyang tao.", sabi ni Edward.
"Pero ang tahimik niya tsaka mukhang di naman siya makakasakit ng tao.", sabi ko.
"There's only one way to know. She needs to answer our question.", sabi ni Charles.
"Parang ang tagal pa nun. Tignan mo naman yung ginawa ng de lata mo sa noo niya.", sabi ni Edward.
"I know. Baka magka-concussion siya or whatever.", nag-aalalang sinabi ni Charles.
Napansin namin na gumagalaw na yung mata niya.
"Guys! Nagigising na siya.", sabi ni Edward.
Pinalibutan namin siya.
"Huh? Nasaan ako?", tanong niya.
"Nandito tayo sa library na matagal nang hindi ginagamit. Naaalala mo ba yung mga ginawa mo?", tanong ko sa kaniya. Umiling siya.
"Paanong hindi mo alam? Hinagisan mo lang naman ng palakol si Ethan.", sabi ni Edward.
"Sorry pero wala talaga akong alam.", sabi niya. Nagtinginan kaming tatlo.
"Paanong wala kang alam? Muntik mo na akong pinatay.", sabi ko sa kaniya.
"S-sorry. Hindi ko naman sinasadya. Hindi ako 'yon.", pagtanggi niya.
"Huh?", nagtataka naming sinabi.
"Hindi niyo ako paniniwalaan.", malungkot niyang winika.
"Pwede mo bang sabihin man lang sa'min?", tanong ko.
"O sige. Ganito kasi 'yon, may pinasok silang isa pang kaluluwa sa'kin.", sabi niya.
"Kilala mo ba 'yong kaluluwang pinasok nila sa'yo?", nagtataka kong tanong.
"Yung nakatatanda kong kakambal, si Myla. Kaya naman mas malakas yung pwersa niya sa'kin.", sabi niya. Nagtinginan ulit kaming tatlo. At alam kong hindi din sila naniniwala sa kaniya.
"Hindi ba teleserye 'yan?", tanong ni Edward.
"What a concept.", sabi ni Charles.
"Sigurado ka ba?", tanong ko.
"Alam kong hindi niyo ako paniniwalaan. Ayos lang. Palagi naman 'tong nangyayare.", sabi niya. May naisip ako.
"O sige. Para mapatunayan talaga na tama yung sinasabi mo, suotin mo 'to.", sabi ko habang tinatanggal ang kwintas ko.
"Ano 'to?", tanong niya.
"Wala naman. Agimat lang na namana ko. Pinapaalis niyan yung mga masasamang kaluluwa.", paliwanag ko.
"Wow! Di mo sinasabi na may ganyan ka pala!", sabi ni Edward.
"Kaya nga ang lakas ng loob ko pumasok sa mga ganitong lugar.", sabi ko.
"Pero, paano naman yung babaeng nakita natin kanina?", nang-aasar na tanong ni Edward.
"Ah yun. Illusion lang yung mga yun.", sagot ko sa kaniya.
"Huh?", nagtatakang tanong ni Edward.
"Napansin ko na pagkapasok natin ay may usok. Nag-poproduce 'to ng chemicals na hallucinogens.", paliwanag ko. "Si Charles ay nagtakip ng ilong nun kaya di niya na langhap." dagdag ko.
YOU ARE READING
Stars of the School
RandomPaano kung nalaman mo na kaklase mo na yung mga estudyanteng perpekto tignan? Lahat sila matatalino at magaling sa iba't ibang bagay. Pero, pag nakita mo yung 'flaw' nila, ready ka na ba? What makes them special? Why are they called 'Stars of the Sc...