Ethan's P.O.V.
Nang matapos na ang klase namin, naghintayin kami para sabay-sabay na kami pumunta sa ospital."Nasaan na ba si Charles?", tanong ni Ed.
"Di ko alam. Pinuntahan ata si Sophia?", sagot ko.
Napukaw ang atensyon naming lahat nang may narinig kaming nag-aaway sa isang banda.
"What do you mean not today? Malapit na ang exams tapos di mo ako tuturuan?", reklamo ni Sophia.
"Fine. Just...shut up. I'll call you pag nakabalik na ako sa bahay.", sagot ni Charles.
"No. Sasama ako.", sabi ni Sophia habang nilalagay ang mga kamay sa may baywang.
"Ok then. That's fine by me.", pagtataas ng kilay ni Charles.
"Lq ata sila.", ngiti sa 'kin ni Ed. "Oo nga pala. Kamusta naman kayo ni Nico?", tanong niya kay Claire.
"Ok lang ako.", sagot naman ni Claire. "Si Nico bobo pa din.", ngisi niya. Ooh harsh.
"Tara na.", buntong hininga ni Charles habang nilalapitan kami.
"Yah. We'll go there via my car.", alok ni Sophia. Nilabas niya ang phone niya ngunit agad naman itong hinablot ni Charles.
"No. We'll take the jeep. Magcocommute tayo.", nakangising hamon niya kay Sophia.
"Seriously? Ugh. You're kidding, right?", pandidiri ni Sophia.
"Arte mo naman. Sabi mo gusto mong sumama?", tawa ni Charles bilang pangaasar.
"Ugh! Fine! It's not like ikamamatay ko ang pagcocommute.", pag-irap ni Sophia bilang tanda ng pagkabigo.
"Ok tara na.", at nagsimula na kaming maglakad.
Nagkumpulan kami ulit nila Charles para pag-usapan ang gagawin namin.
"Basta ang importante lang ay wag mo siyang iiwan.", utos niya sa 'kin.
"Yieee wag daw iiwan.", asar ni Ed.
"Haha nakakatawa.", pag-uuyam ni Charles.
"Awts."
"Sa tingin niyo ba....may masama talagang gagawin si Nyla?", nagtataka kong tanong.
"Wala naman. Hinagisan ka lang naman niya ng palakol.", ngiting sagot ni Charles.
"Ay sorry na agad.", sabi ko.
"Hoy nerdo, anong pinag-uusapan niyo? Nerd stuff?", sabat na pang-aasar ni Sophia habang lumalapit sa 'min.
"Pakialam mo ba? Ms. Conyo bitch.", sagot ni Charles.
"Samahan mo 'ko duh! The audacity na pilitin ako magcommute tapos you will let the other people in the jeep na ma-touch ako?", sabi niya habang hinihila si Charles.
"Anakputa naman nito. Ang arte.", pagdadabog niya habang hinihila ang sarili.
Nang makalayo sila, bigla naman akong nilapitan ni Nyla.
"Ethan.", tawag niya habang lumalapit.
"Um?", lingon ko sa kaniya.
"Naglalaro ka ng LoL?", nakangiti niyang tanong.
"Oo. Bakit? Naglalaro ka din?", balik kong tanong. Di ko mapigilan ang pagtakas sa tono ko ang excitement ko.
"Oo naman!", patawa niyang sinabi.
"Girl gamer pala si ate.", sabi ko habang pinapalakpakan siya.
"Syempre.", pagyayabang niya. "Laro tayo minsan?", tanong niya. Sinisigaw ng mga mata niya na gusto niya talaga ako makalaro.
YOU ARE READING
Stars of the School
RandomPaano kung nalaman mo na kaklase mo na yung mga estudyanteng perpekto tignan? Lahat sila matatalino at magaling sa iba't ibang bagay. Pero, pag nakita mo yung 'flaw' nila, ready ka na ba? What makes them special? Why are they called 'Stars of the Sc...