Chapter 50: Revelation

12 0 0
                                    

Sophia's P.O.V.

Up until now, iniisip ko kung paano ko masasabi 'to kay Charles. Honestly, wala akong pakialam kay Charles. It's just that, yung section. Paano kung kami pa yung mapahamak? That slithering snake.

What if I try to convince him? Sana hindi lumala yung sitwasyon.

I looked for him at nung nakita ko siya, kasama niya si Maria. Ano kayang gagawin ko? Di pa narepair yung fricking phone ni Angelie. And so I decided not to. Not now. Baka mamaya. I'll do what I can. Bahala na si Batman.

* later on...*

I'll try to approach him ngayon. Bago pa sila magkita ni Maria.

"Ummm....Charles.", tawag ko sa kaniya.

"Oh?", bati niya sa'kin.

"Di ba tuturuan mo'ko ngayon?", tanong ko.

"Oh akala ko ba hindi na?", pagtataka niya.

"Ah oo nga pala.", nahihiya kong wika.

"Osige. May pupuntahan pa kami ni Maria.", nakangiti niyang pagpapaalam.

"Ah wait! May sasabihin ako sa'yo.", paghinto ko sa kanya.

"Ano?", tanong niya. Bahid sa mukha niya na gusto niya ng umalis at wala na siyang oras para dito.

"Ummmm.....you need to part ways with her.", I said meekly. Kinabahan ako sa sinabi ko.

"Huh? Bakit?", at bumalik siya dun sa cold attitude niya.

"Basta. I don't know how to say this to you. Pero kase, may.....something na masama.", nauutal kong sagot.

"Huh? Di kita maintindihan. Is that even a valid reason?", he said, trying to make me look I'm absurd.

Sa likod ni Charles, nakita kong papalapit sina Angelie. Sinesenyasan nila ako na umalis na.

"There you are!", bati sa'kin ni Emily.

"Tara umalis na tayo!", sabi ni Angelie habang hinihila ako.

"Bye Charles! Have fun at your date!", pamamaalam ni Emily.

Nang makalayo-layo na kami, nagusap-usap kami.

"Gurl what are you doing?", tanong ni Emily.

"I am trying to protect him from her.", I said.

"Ohhhh.", nagtinginan silang dalawa.

"And you said this isn't about him.", Emily smirked.

"No. This is about the section. Kung napahamak siya, pati tayo.", sabi ko sa kanila.

"What's their issue about our section anyway?", tanong ni Angelie.

"Di natin alam yan. But we need to be careful.", sabi ko. "Di pa ba narepair yung phone mo?", tanong ko kay Angelie.

"Makukuha ko na bukas.", she answered proudly.

"Great. We just need a plan. The perfectest plan. Like, totally.", sabi ni Emily.

"I think I know what to do.", I grinned.

Charles' P.O.V.
Sophia acted so weird a while ago. It actually enraged me a little. How dare she. Bakit ba parang may kung ano sila ni Maria? Nevermind. Maybe she's just kidding.

"Lalim ng iniisip mo.", sabi ni Maria.

"Wala lang. May nagsabi lang sa'kin na kailangan natin magbreak or whatever. But it doesn't matter.", pagpapaliwanag ko.

Stars of the SchoolWhere stories live. Discover now